CHAPTER 21 TULUYAN NG naghilom ang sugat ni Violet makalipas ng isang linggo. Napagdesisyunan niyang lumabas para makapamasyal. Ayaw niyang iburo ang sarili sa bahay ng walang natutunan para makapag-adjust sa bagong buhay. "Ate, saan ang lakad mo? Hindi ka pwedeng lumabas!” bunganga kaagad ni Pink ang bumungad sa kanya nang makababa sa hagdan. “Hindi ka pa magaling! Tapos paano kung malaman ni Tita Helga na nandito lang pala tayo? Lagot tayo, Ate!" hinarang pa siya ng eksaherado niyang kapatid. Desperado talaga si Pink na pigilan siya. "Magaling na si ate. Kaya Pink, padaanin mo na ako," ngingiti-ngiti pa siya ngunit natutulili na siya sa maximum volume ng bibig ni Pink. "Hindi pa rin kita padadaanin! Saan ka ba pupunta ate? Huwag ka na kase umalis!" Nagpapadyak-padyak