CHAPTER 20 MATAPOS makalabas ni Violet sa hospital ay dumiretso na sila sa bahay ni Patrick at Butler Jude. Nagtagal din sila ng dalawang linggo roon bago payagan ng doctor na ma-discharge. Walang kibuan ang bawat-isa sa loob ng sasakyan dahil na-busy sa pagtingin sa paligid. Si Patrick ang nagdadrive ng sinasakyan nila. Naka-convoy sila dahil may mga nagbabantay pa sa likod at harap nila. Kitang-kita ang pagkamangha sa mga mata ng magkapatid habang umuusad ang biyahe. Lalong-lalo na si Pink dahil nakanganga pa ito. Ang inaantay na lang ay ang laway na tutulo. Samantalang si Violet naman ay binabasa at sinusulat ang mga nakikita na bago sa kanyang paningin. Ngayon lang ito nakakita ng matatayog na mga gusali. Mga nagkikislapang ilaw at iba't ibang uri ng sasakyan. Kung m