CHAPTER 26 NAKAMAANG ang kanilang labi matapos makita ang laki ng school na papasukan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin sila makapaniwala na makakapasok na talaga sila sa isang paaralan. "Ito ang papasukan namin, seriously?" hindi makapaniwalang tanong ni Violet. "Ang laki ng school!" namamanghang turan ni Pink. "Talagang dito po kami mag-aaral? Ate, ‘yong timbangan, 'di ba may ganyan din kila butler—ay Tito Jude pala! Kaso, mas maganda 'yong nandito sa school. Look, kumikinang siya!" Tumango lang si Violet sa kapatid. Nakasuot din sila ng school uniform na isa lang sa mga pangarap niya dati. Noong isang linggo pa nagsimula ang klase ngunit ngayon lang sila naging handa para sa pasukan. Kailangan nilang pag-aralan ang bagong buhay na mayroon sila. Ito ang napiling paaral