CHAPTER 25 ILANG ARAW ng tulala si Violet matapos ang pangyayaring iyon. Hindi niya pa rin makalimutan ang pagnanakaw ng halik ni Russ. Kahit sa pagkain, pagtulog, at panaginip ay pumapasok pa rin ang kakatwang senaryo sa kanyang isipan. "Ate, ginahasa ka ba?" tanong ng kapatid niya. "Magsalita ka!" Labis ang pag-aalala ni Butler Jude nang matagpuan siyang nakatulala. Hindi niya na sinabi rito na muntikan na naman siyang mamatay at swerteng nakaligtas lang matapos malunod. Hindi niya rin sinabi na nakipag-away siya bago makabalik sa mall. Basta ang sinabi niya lang ay naligaw siya. Humingi rin siya ng tawad dito nang takasan ang mga bodyguards na itinalagang magbantay sa kanya. "Ate?" humarap sa kanya si Pink. "Hoy, Ate!" Awtomatikong tumaas ang kamay ni Violet sa gul