CHAPTER 27 MATAGAL ang naging pagsusukatan nila ng tingin. Tila ba ang unang kumurap ay talo. Ngunit ang lalaki ang unang sumuko kaya naman napangisi si Violet. "Do you know me?" nagtatakang tanong ng lalaki. "Hindi,” natural na sagot ni Violet. Kahit na ang totoo ay nakita niya na ito sa mall. Ang lalaki ang nagturo sa kanya kung saan banda ang bookstore. "I see," tatango-tangong wika ng lalaki. "Mukhang nawawala ka?" "Ah oo, bago lang kasi." "Clud,” pagpapakilala ng lalaki sabay abot ng kamay. Tinitigan lang iyon ni Violet noong una. Ngunit nakipagkamay rin noong huli. "Violet." "Block building Morayta." Ipinakita ni Violet ang schedule niya dito. "Sumabay ka na sa akin, doon din ang punta ko,” seryosong sabi ng lalaki. NAPASIMANGOT kaagad si Viol