CHAPTER 31 NAPANGISI si Russ sa tingin na ibinigay ni Violet. Napalunok pa ang dalaga at lumaki ang mga mata. Kinusot-kusot pa nito iyon noong huli para makasiguradong naroon nga talaga siya. “Stop staring at me,” pambabasag niya ng katahimikan. Namula naman ang mukha ni Violet dahil sa kanyang sinabi. “I-ikaw! Anong ginagawa mo sa kwarto ko?” Tumayo ng kama ang dalaga at dinuro siya. “Magnanakaw ka 'no?” pang-aakusa nito. Ngumisi siya bilang tugon sa tanong nito. Kailan pa naging magnanakaw ang isang katulad niya? “Rapist?” napalunok pa ito at tila may kagimbal-gimbal na iniisip. “And if I am?” nilakihan niya pa ang hakbang palapit dito. “Huwag kang lalapit…” pagbabanta nito sa paglapit niya. Lumapit pa siya nang lumapit upang asarin ito. “Sa