CHAPTER 32 DAHIL SA PAGMAMADALI ni Pink ay hindi niya napansin ang paang nakausli sa gilid ng hagdan. Ganoon na lamang tuloy ang gulat niya nang sumulpot ito. "Kapag matigas, paa!" tatalon-talon nitong wika habang iniinda ang natapakang paa. "Hala! Sorry. Hindi ko po nakita,” nag-aalalang wika ni Pink habang humihingi ng tawad. "Pink, kung gusto mong makabawi, samahan mo ako!" sabay ngiting muli ni Taki habang nilalahad ang kamay kay Pink. Tinitigan niya lamang ito. "Saan tayo pupunta, Taki?" nagtatakang tanong niya. "May pasok pa tayo ‘di ba?" "Wala na, ni-request ko sa head na gawing holiday ngayon!" "Talaga?" nagniningning ulit ang mata ni Pink. Napagdesisyunan niyang samahan si Taki total wala naman silang pasok. Sa isang restaurant sila kakain na mala
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books