CHAPTER 30 KINAKABAHAN si Violet habang nakahawak sa rehas ng mini arena. 'Yong lalaking kalaban ni Clud, pupuntahan ang samurai! “Clud, turn around!” ilang beses niyang inuulit ang katagang iyon, ngunit hindi nito naririnig. “Clud!” Kinalampag niya pa ang rehas upang makagawa ng ingay ngunit hindi iyon sapat sapagkat nasasapawan ng mga tao sa paligid ang ingay. Tinatalo pa rin ng hiyawan sa kanyang paligid. Sinipa niya ang gate dahil sa inis. Ngunit nagsisisi siya sapagkat nasaktan pa ang paa niya. Binuksan niya ang gate ng mini arena at kinuha rin ang samurai na ginamit kanina ni Clud sa pakikipaglaban. Binilisan niya ang pagtakbo. Papunta na ang kalaban sa likod ni Clud! Dalawang hakbang na lang... aabutan na ito. Humarang siya rito at nakipag-tagisan ng lakas gamit