CHAPTER 10 DUMIRETSO kaagad sila Patrick ng hospital nang makadaong sa pangpang. Tahimik siya sa buong biyahe at hindi makapante. Nang makarating naman ng hospital ay hinanap niya kaagad ang kaibigang doktor. Mas tiwala siya kung ito ang magsasabi ng resulta. Naghintay rin siya ng ilang minuto bago ito dumating. Kaagad siyang tumayo sa kinauupuan nang makita ito. "Doc, ano na pong lagay niya?" tanong kaagad ni Patrick dito. "Doc? Parang trenta anyos na ang kausap mo. Kung batukan kita, Patrick?" pagbibiro ng kaibigan niya. Ngunit nagseryoso rin kaagad ito bago sumagot. "Sa oras na ito ay maayos na ang isa sa kanila. Dahil lang sa pagod kaya siya nahimatay." "Nasa kritikal na kondisyon pa rin si Violet. Kailangan siyang malapatan kaagad ng lunas." Natahimik sila ng ila