CHAPTER 11 KANINA PA naiirita si Patrick nang makarating sa airport. Ngunit kailangan niya pa ring pagtuunan ng pansin ang kasama bilang respeto rito. "Cupcake, can I ask you something?" Bago pa man sumagot si Patrick ay ikinawit na ng babae ang kamay niya sa baywang nito at saka nagtanong. "Cupcake, why do we need to go to England?" puno ng kalandian nitong sambit habang ngumunguya ng bubble gum at pinapaikot ang daliri sa buhok. Hindi rin inalintana ang mga matang nakatingin sa kanila. "Tingin mo ba kung may sa gamot sa lason dito sa Pilipinas ay pahihirapan ko pa ang sarili kong pumunta roon?" tinanggal ni Patrick ang pagkaka-kawit ng kanyang kamay bago naglakad muli. "Cupcake, tuloy pa ba tayo?" nakita kasi ni Judith na lumabas nang nakasimangot si Russ. Iniw