Buhay na buhay naman ang gabi sa sentro na kung saan bukas pa ang ilang mga tindahan at bahay inuman na dinadagsa naman ng ilan sa mga residente na nandoon.
Tahimik lang na umiinom si Brix ng may biglang lumapit na isang babae, nakasuot ito ng itim na bestida, maamo ang mukha nito at lutang ang natural na ganda.
“Mag-isa ka ata?”
Tugon nito
“Isn’t it obvious?”
Sarkastikong sagot ni Brix
“Ganun ba talaga kayong mga taga Maynila? walang galang sa babae?”
Malumanay na sabi nito
“I’m sorry.”
Sabi naman ni Brix sabay inom sa huling patak ng alak na nasa kanyang baso.
“Ayos lang, kung kailangan mo ng kasama, andito lang ako”
Napangiti naman bigla ang babae
“Thank you. Anyway ang cool din pala dito no? Kahit paano ay may lugar na ganito sa baryo niyo.”
Nakangiting sabi ni Brix.
“Hindi mawawala ang inuman lalo na pag may okasyon. Walang ibang libangan ang mga residente dito kundi ang pag-inom ng alak kaya huwag ka ng magtaka kung bakit kahit hating gabi na ay bukas parin ang lugar na ito.”
Paliwanag naman ng babae.
“Nice. Gusto mong uminom?”
Pag-aalok ni Brix.
“Hindi salamat, may trabaho pa ako, nagpapalipas lang ng oras.”
Tugon naman ng babae.
Napakunot noo naman si Brix at nagtaka.
“Trabaho? Dis oras ng gabi? Hindi naman ako na inform uso pala graveyard shift sa baryo niyo.”
Natatawang sabi ni Brix.
Napailing nalang ang babae at tiningnan ng mariin si Brix.
“Ganoon talaga, ngayong gabi lang naman. “
Tipid na sagot ng babae.
“Anong trabaho ba kasi yan?”
Giit naman ni Brix.
Saglit namang natigil ang babae at tiningnan ng mariin ang binata.
“Malalaman mo rin.”
Nakangiting sambit nito.
......................
Sa kailaliman ng gabi ay napag desisyonan nila Yuri at Sandy na maglakad sa gitna ng gubat upang hanapin si Brix.
“Yuri, we don’t need to do this. Pwede naman tayong magpatulong kela Aling Delia eh. Bumalik na tayo, delikado dito.”
Nangangambang sabi ni Sandy.
“Sandy huwag na, nakakahiya. I’m sure nasa sentro si Brix ako nalang ang susundo, bumalik ka na.”
Pag-aalala naman ni Yuri.
“Hay, mga lalaki nga naman, pasaway. Okay fine, sasamahan kita, delikado maglakad ng ganitong oras.”
Sagot naman ni Sandy.
Hindi naman nakaimik si Yuri bagkos ay tumango nalang bilang tugon.
....................
Makalipas ang ilang oras ay naramdaman nalang ni Brix ang sariling katawan na akay-akay ng isang babae na kanina lang ay kausap lang niya.
Ramdam nito ang pagkahilo at panlalabo ng paningin.
“Where are we?”
Tanong nito.
“Ihahatid kita ngayon sa aming pinuno.”
Seryosong bigkas naman ng babae.
“Thanks but I need to see Yuri right now, hinahanap na niya ako.”
Sambit nito na tila wala na sa kanyang sarili.
“Hindi ka pwedeng humiwalay sa akin. Inaantay ka na ng aking mga kalahi.”
Sagot naman ng babae.
“I really need to see her, please let me go!”
Sigaw ni Brix na bahagya pang itinulak ang babae.
Napaatras naman ang babae at napako ang tingin sa binata.
“Alam mo, ang ayaw ko sa lahat ay yung inuubos yung pasensya ko.”
Nagulat naman si Brix ng biglang magbago ang ekpresyon ng mukha ng babae.
“What are you talking about? Miss hindi kita gusto okay? So back off!”
Bigla ay natigil naman si Brix nang dahan-dahang humakbang ang babae palapit sa kanya.
“Hindi ko hahayaang mangyari yun, hanggat hindi ko pa natitikman ang laman mo.”
Nanlaki naman ang mga mata ni Brix ng biglang hinalikan ng babae ang kanyang mga labi
Tila namanhid ang buong katawan nito sa ginawa ng babae.
Napayakap pa iyon sa kanya habang patuloy parin sa pag-angkin sa mga labi nito.
ilang saglit pa ay biglang naramdaman ni Brix ang dila ng babae na tila pumapasok sa kanyang lalamunan.
Bigla itong nagpumiglas upang kumawala sa bisig ng babae.
Ngunit nanlaki bigla ang mata nito ng maramdaman ang tila matutulis na kuko na bumabaon sa kanyang likuran.
Dahil doon ay mas nilakasan pa ni Brix ang loob at buong lakas na itinulak ang babae.
“Stop it! What are you doing?”
Sigaw nito.
Napadapa naman sa lupa ang babae.
“I need to go!”
Galit na sabi ni Brix
Dahan-dahan namang umangat ang tingin ng babae at nang muling tingnan iyon ay nanginig ang buong katawan nito sa nakita.
Biglang nangitim ang mukha ng babae, humaba ang buhok at mga kuko,
Tinubuan iyon ng itim na pakpak at mabilis na lumipad patungo sa kanya.
“What the Hell?”
Napasigaw nalang si Brix ng maramdaman na puma-ibabaw na ang babae sa kanya.
Napahiga siya sa damuhan habang pilit na inaalis ang katawan ng babae na nakadikit sa katawan niya.
“Help!”
Sigaw nito
Maya-maya ay nanlaki ang mga mata ni Brix ng maramdaman ang matutulis na kuko ng babae na mabilis na bumaon sa kanyang lalamunan.
....................
Napatigil nalang sa paglalakad sina Sandy at Yuri nang marinig ang isang malakas na sigaw ilang distansya lang ang layo mula sa kinatatayuan nila.
“Help!”
Nanginig naman ang buong katawan ni Yuri nang marinig ang pamilyar na boses na iyon.
“Brix?”
Sambit nito sa nangangambang tono.