Chapter 4

922 Words
Nakahinga ng malalim si Elena ng masilayan ang liwanag ng mga ilaw at marinig ang isang matining na boses ng isang babae. “Franco!” Nagulat din ang lalaki ng marinig ang boses na tumawag sa pangalan niya. “Aling Delia! “ Sa labis na kaba ay napatayo nalang si Elena at napayakap ss matanda “Ayos ka lang ba hija?” Pag-aalala ng matanda Bagaman ay isang nakakatakot na tingin ang ibinaling ni Franco sa dalawa. Pinandilatan naman ito ng mata ni Delia. Hanggang sa dahan-dahan na itong umalis. “Pagpasensyahan mo na ang anak ko Elena, nasaktan ka ba niya?” Tanong ni Delia habang hinihimas ang buhok ni Elena “Anak niyo po siya? bakit siya duguan?” Nanginginig na tanong ni Elena “Ah, yun ba? galing kasi siya sa gubat, naghahanap ng kakataying baboy damo, pagpasensyahan mo na Elena, Ganun lang talaga si Franco pag nakakakita ng tao.” Pilit namang kinalma ni Elena ang sarili at muling ibinaling ang tingin sa lalaki habang ito’y naglalakad palayo. ....................... Umagang-umaga ay naka ismid naman si Sandy habang isa-isang tinitingnan ng mariin ang mga kaibigan. “Who stole my camera?” Bungad nito. “Ano ba yan ang aga-aga, naghihimutok ka?” tugon naman ni Brix “Guys, ga-graduate na tayo! ganito parin ba? Just give it back.” Pagmamakaawa nito sabay tiningnan si Delo. Bigla namang umiwas ng tingin ang lalaki at napahagikhik “It’s not me. Anyway bat ba alalang-alala ka, You maybe left it somewhere. Wala ka naman atang s*x video dun di ba?” Natatawang sabi ni Delo. “Pervert! Fine mamatay na kumuha nun.” Padabog na sabi ni Sandy habang naglalakad palayo sa mga kaibigan. ................................. Palakad-lakad at tila hindi naman mapakali si Yuri. Agad naman iyong napansin ni Sandy kaya pinili na nito na kausapin ang kaibigan na halatang may iniisip na malalim. “Yuri, ayos ka lang ba?” Napatigil naman si Yuri at hinarap si Sandy. “Have you seen Brix? I haven’t seen him since last night. Hindi ba siya umuwi?” Pag-aalala ni Yuri. “Girl kalma, ano bang nangyarii? Nag-away ba kayo?” Tanong ni Sandy. Napakamot naman ng ulo si Yuri at lalo pang bumakas ang pag-aalala sa mukha. “We fought, simpleng sagutan lang, Last thing I remembered was he walked out at hindi ko na alam kung saan siya nagpunta.” Napakunot noo naman si Sandy at nag-isip. “Okay calm down, baka gusto niya lang mapag-isa sa ngayon, mahaba pa ang araw, We’ll ask for assistance kung sakaling wala parin siya hanggang mamaya ayos ba yun?” Sambit ni Sandy na pilit namang pinapakalma ang kaibigan. ..................... Habang nagpapahangin sa may pool area ay napansin naman ni Elena ang isang lalaking abala sa pag pag-gugupit ng mga mahahabang damo sa gilid ng nasabing pool. Nag-aalangan man ay pinili paring lumapit ni Elena doon. Ilang saglit pa ay napatigil naman ito at nabaling ang tingin sa mukha ng lalaki. Mahaba ang buhok nito na umabot hanggang leeg, kayumanggi ang balat at may kalakihan pa ang katawan. Bigla namang naglakabay ang mga mata ni Elena sa katawan ng lalaki na kasalukuyang walang suot na pang itaas. Mabalahibo iyon at tila may bakas pa ng sugat at kaunting peklat. Bigla ay nanlaki naman ang mga mata ni Elena nang mapansin na naka masid na pala sa kanya ang lalaki. “H-Hi, ako si Elena. Ikaw?” Nauutal na sabi nito. Hindi naman kumibo ang lalaki bagkos ay ipinagpatuloy lang ang kanyang ginagawa. “Pasensya na kagabi nagulat lang ako. Salamat dinn pala dahil iniligtas mo ako bago pa ako makagat ng aso.” Nakangiting bigkas naman ni Elena. Nang mapansin na tila wala namang interest ang lalaki sa kanyang mga sinasabi ay pinili nalang nito ang tumalikod at maglakad palayo. “Hindi ka dapat lumalabas ng gabi. Delikado ang lugar na ito lalo na para sa inyong mga dayo.” Napatigil naman si Elena nang marinig ang boses ng lalaki. Bigla itong humarap at tiningnan iyon. “Sa-salamat. Sige.” Tipid na sagot naman ni Elena. ................... Sa kailaliman ng gabi ay isang malaking kawali ang bitbit ni Delia papasok sa isang lihim na silid. Nakabalot iyon nang kulay pulang tela at nakalagay sa palapad na tray. Pagkapasok niya sa silid ay agad namang bumungad sa kanya ang mga nagkikislapang mga kandila na siya namang nagbibigay liwanag sa madilim na silid. Sa gitna nun ay may isang kwadradong lamesa na puno ng pagkain at mga inumin. Inilapag ni Delia ang hawak niyang tray sa gitna ng lamesa at tumayo sa gilid nun. Ilang saglit pa ay isang naka-kulay itim na babae naman ang pumasok mula sa pinto. Walang ekpresyon sa mga mukha nito habang deretso lang ang mga tingin. “Handa na ang iyong hapunan Casandra.” Sambit ni Delia. Napatingin naman si Casandra sa lamesa at napatango. “Kumusta na pala ang aking mga panauhin?” Sambit nito. “Hindi ka binigo ng inyong alagad, ilang araw nalang at sasapit na ang piyesta kaya ngayon palang ay inu-unti-unti na namin ang paghahanda sa mga alay.” Paliwanag ni Deila. Napatingin naman ang babae sa kawali na nasa lamesa at hinawi ang telang nakabalot doon. “Siya na ba ang ating unang alay?” Seryosong bigkas ng naka-itim na babae. Dahan-dahan namang tumango naman si Delia bilang pagtugon. Isang tipid na ngiti naman ang pinakawalan ni Casandra habang ang mga mata ay masuring nakatitig sa laman ng kawali.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD