Sa halos kalahating oras na pagtatakbo ay napahinto naman sina Sandy at Yuri sa gitna ng gubat.
Nanlumo naman si Yuri nang makita ang ilang patak ng dugo na nasa may damuhan.
“Brix?”
Agad namang inalalayan ni Sandy ang kaibigan ng mapansin ang panghihina nito.
“Yuri, maybe it’s not what you think, tumahan ka na at pumunta na tayo sa sentro. I’m sure nandoon lang siya.”
Sambit naman ni Sandy.
“I heard him screaming. Sandy ayaw kong mag-isip ng masama but why it doesn’t feel right? Nasaan si Brix?”
Mangiyak-ngiyak na tanong ni Yuri.
“Let’s find him. Yuri just calm down, hahanapin natin siya.”
Sabi ni Sandy na pilit namang pinapakalma ang kaibigan.
................
Nang marating nila ang sentro ay agad naman nilang ipinagtanong si Brix.
Ngunit wala ni isa sa mga nandoon ang nakaka-alam kung nasaan iyon.
“Maliit lang baryo, kung wala siya dito ay maaring lumuwas siya ng bayan. Huwag kayong mag-alala, bukas na bukas ay pagpapatulong ako upang mahanap siya.”
Sambit naman ni Franco na sa oras na iyon ay nandoon lang namamalagi sa isang kubo sa sentro.
“We have to find him now! I’m sorry pero hindi ko na ma-aantay ang bukas.”
Tensyonadong tugon naman ni Yuri.
..................
Makalipas ang maraming diskusyon ay nakumbinsi din nila si Yuri na bumalik sa Villa at ipagbukas nalang ang paghahanap sa kasintahan.
Nang makarating sa Villa ay agad namang sumalubong sina Delo at Elena na bakas na din ang pag-aalala sa mukha.
“Yuri okay ka lang?”
Tanong ni Elena sabay yakap sa kaibigan.
“Brix is gone. Let’s just pray na walang masamang nangyari.”
Seryong sambit ni Sandy.
“Hindi kaya umuwi na siya ng Maynila?”
Tanong naman ni Delo.
“But how? Andito yung sasakyan. He can’t even last a few hours on the road without it.”
Tanong naman ni Elena.
“I don’t know what’s going on.”
Sambit naman ni Yuri.
Maya-maya pa ay napatigil naman sila nang makita ang isang babae na humahakbang palapit sa kanila.
“Magandang gabi, may maitutulong ba ako?”
Natahimik naman ang lahat at napatingin sa babaeng dumating.
“Casandra?”
Sambit ni Sandy.
“Sandy. Ipagpaumanhin niyo ang mga nangyayari, hayaan niyo at ipapahanap kong ang inyong kaibigan sa lalong madaling panahon.”
Napatango naman sila bilang tugon.
“Salamat Casandra.”
Tugon naman ni Sandy.
.......................
Sa isang sulok ng Villa ay taimtim namang kinausap ni Casandra si Delia.
Seryoso ang mukha nito na tila ba ay nangangamba.
“Casandra, huwag kang mag-alala. Magiging maayos ang lahat.”
Sabi ni Delia.
“Sigurado ka bang wala pa silang alam tungkol sa atin? Dalawang araw nalang bago sumapit ang pag-alay. Ayaw kong sumablay sa pagkakataong ito Delia.”
Tugon naman ni Casandra.
“Bago pa man mangyari iyon ay sisiguraduhin kong wala na silang lahat.”
Bigkas naman ni Delia.
.....................
Hating gabi na ay hindi parin maialis ni Yuri ang kaba sa biglaang pagkawala ng kasintahan.
Napahaplos nalang ito sa kanyang tiyan nang bigla nalang maramdaman ang pagkirot noon.
“Baby sorry, if I’m stressing you out right now. Promise ko sayo, once na bumalik na si daddy, makikilala ka na niya.”
Mahinang sabi nito habang hinahaplos pa ang kanyang tiyan.
Dahil hindi makatulog ay bumangon nalang si Yuri nang biglang naramdaman ang bahagyang pagkulo ng sikmura.
Bigla niyang naalala na hindi pala siya kumain ng hapunan.
Naisipan nitong bumaba ng kusina upang makahanap ng makakain.
Pagdating doon ay agad itong dumeretso sa freezer at buksan iyon,
Nang buksan niya iyon ay wala siyang ibang nakita kundi tubig at ilang mga inumin.
Ilang saglit lang ay tumawag sa kanyang pansin ang isang malaking kawali na nakapatong sa stove.
Agad lumapit si Yuri upang makita ang laman ng nasabing kawali.
Pagbukas pa lamang ay amoy na amoy na nito ang halimuyak na tila amoy ng pinakuluang karne ng baboy.
Napangiti si Yuri ng maramdaman ang init ng sabaw ng nasabing ulam at dahil doon ay tila mas lalong pang kumulo ang kanyang tiyan.
Maya-maya ay kumuha iyon ng bowl at nilagyan ng kaunting sabaw at laman.
Pagkatapos ay umupo na ito at kumain.
Damang-damang ni Yuri ang paghigop ng mainit na sabaw, humiwa din siya ng laman mula sa karne Ngunit napansin niya na may katigasan iyon kaya kumuha siya ng kutsilyo upang mapadali ang paghiwa sa nasabing karne.
Nang mahiwa iyon ay agad naman niyang kinakin ang kapiraso ng karne at ilang sandali lang ay napaduwal naman sa natikmang lasa.
“What the heck?”
Agad naman itong napainom ng tubig nang matikman ang mapaklang lasa ng nasabing karne.
Ilang sandali pa ay muling sinuri ni Yuri ang nasabing karne.
Humiwa pa siya ng ilang piraso hanggang sa mapansin ang isang marka na tila naka tatak sa balat ng karne.
Bigla niyang tinalasan ang kanyang mga mata upang makita ng husto ang nasabing marka, ilang saglit pa ay nanlaki nalang ang mga mata nito habang binabasa ang nakasulat doon.
“YURI?”
Biglang naatras si Yuri habang tinititigan ang marka ng kanyang pangalan sa balat ng karne.
Nanginig ang buong katawan nito.
Gusto niyang sumigaw ngunit tila nawalan ito ng boses dahil sa nakita.
“Surprise, Tattoo is forever, I put your name there so I can be with you wherever I am."
Hanggang sa bigla nalang itong nasuka nang maalala ang tattoo sa katawan ng kasintahang si Brix.