Malayo palang ay napansin na agad ni Elena ang mga matang nakamasid sa kanya.
Dahan-dahan itong humakbang at sinuri ang paligid.
Napangiti naman ito nang makita na halos gawa na ang mga bahay at gusali sa lugar.
Bakas parin ang lungkot at takot sa mga mukha ng kanyang mga kalahi.
Ngunit buo parin ang tiwala nito na muling babalik sa dati ang sigla ng baryo.
Agad naman itong napatigil nang makitang papalapit sa kanya si Franco.
Ngumiti naman ito at mabilis na niyakap ang lalaki.
“Akala ko hindi ka na babalik.”
Bulong ni Franco sa kanya.
“Kung hindi ba ako bumalik, Hahanapin mo ba ako?”
Tanong ni Elena.
“Hindi ko alam. Basta ang gusto ko kung saan ka mas magiging masaya doon ka lang.”
Mahinang bigkas ng lalaki.
Humiwalay naman ng yakap si Elena at tiningnan sa mukha si Franco.
“Kaya nga ako bumalik e, kasi nandito ang mga kalahi ko, ang bago kong pamilya at siyempre dahil nandito ka.”
Napangiti naman si Franco at hinawakan ang mga kamay ni Elena.
“Hindi madali ang buhay na pinili mo. Alam kong mali na ginawa kitang isa sa amin, pero pwede ka pa namang mamuhay ng katulad ng dati. Hindi ka isang purong aswang at sigurado akong mas kaya mong kontrolin ang iyong kakayahan.”
Napailing naman si Elena at sumagot.
“Alam ko. Pero bumalik parin ako Franco. Wala nang natira para sa akin sa lungsod, pero dito, nandito kayo. Hayaan mong maging isa ako sa inyo Franco, hayaan mong maging isang pamilya tayo.”
Hindi naman nakasagot pa si Franco bagkos ay niyakap nalang si Elena ng mahigpit.
.......................
Sumapit ang araw ng piyesta ngunit hindi tulad ng nakasanayan ay tahimik ang naging selebrasyon nung araw na iyon.
Walang handaan, walang seremonya at walang alay.
Ang bawat isa ay tila nagluluksa parin sa nangyari isang taon na ang nakalipas.
Tahmik lang na nakamasid si Elena sa may bintana nang bigla nalang lumapit sa kanyang tabi si Casandra.
“Pasensya ka na Casandra. Hindi ko nadala ang alay sa baryo.”
Direktang sabi ni Elena.
“Walang problema Elena. Siguro oras na rin upang itigil ang pagbibigay alay tuwing piyesta.”
Sagot naman ng babae.
Napatingin naman dito si Elena at nagtaka.
“Paano ang lahi?”
Isang tipid na ngiti naman ang sinagot ni Casandra at hinarap si Elena.
“Maraming alternatibo sa dugo at laman ng tao. Dapat dati ko pa ipinatigil ang pagpaslang sa mga inosenteng tao, sana hindi nangyari ang lahat ng ito. Tulad mo hindi ako puro Elena. Dati akong nanirahan sa lungsod kasama ang mga tao, pero ang mundong akala kong perpekto ay puno pala ng pagtataksil at pagkukunwari. Namayani ang galit sa puso ko, ginamit ko baryo at ang buong lahi upang makaganti sa mga tao. Ginamit ko si Sandy upang pagtaksilan kayo ng mga kaibigan mo.”
Bigla namang napailing si Elena at sumagot.
“Ganun pa man, pinili parin ni Sandy ang ipagpalit ang buhay namin para sa sarili niyang interest.”
Walang emosyon na sabi ni Elena.
Bigla naman hinawakan ni Casandra ang kamay ni Elena at sinabi.
“Huwag mong hayaang manirahan sa puso mo ang galit Elena. Sana’y hindi ka matulad sa akin.”
Huminga naman ng malalim si Elena at sumagot.
“Huli na Casandra, huli na ako para sa lahat.”
Malamlam na sambit nito.
........................
MAKARAAN ANG DALAWANG ARAW
Nagising nalang si Sandy sa isang maliwanag na silid.
Napahawak pa ito sa kanyang dibdib at damang-dama parin nito ang kakaibang kaba.
Sinuri nito ang paligid ngunit ang lahat nang bagay na nandoon ay tila hindi naman niya makita ng maayos.
Sumasakit ang kanyang ulo at nanlalabo ang kanyang paningin.
“Nasaan ako? Si-sino ka?”
Pagtataka nito nang makita ang isang nurse na abala naman sa pagtuturok ng injection sa kanyang swero.
“Good Evening Sandy. Buti naman at nagising ka na.”
Sabi ng nurse.
“What I am doing here? Nasaan si Elena?”
Bigla ay napatigil naman ang nurse sa kanyang ginagawa at inilapit ang mukha kay Sandy.
Bigla niyang tinanggal ang mask na nakatakip sa kanyang bibig at nagulat nalang si Sandy ng makita ng maayos ang mukha nito.
“Elena?”
Nanginginig na bigkas nito.
Napangiti naman si Elena at tiningnan ng mariin si Sandy.
“Welcome to the new world Sandy.”
Napayuko naman si Sandy at tila hindi parin makapaniwala sa nakita.
“What are you doing! Anong kailangan mo?”
Napangiti naman si Elena at sinuri ang swerong nakakabit sa braso ni Sandy.
“The blood is flowing; I am transforming you into a real monster. Ang pag-inom ng sariwang dugo ng aswang at ang pagsalin ng dugo ng aswang ay pareho lang ang resulta. You will be a monster you never want to be.”
Napailing nalang si Sandy at nagpumiglas.
“No! Hindi totoo yan! Get this thing out of my skin!”
Agad nitong inalis ang swero sa kanyang braso at tumayo mula sa kanyang pagkakahiga.
Napailing naman si Elena at tiningan si Sandy.
“It’s too late Sandy. Ganito ang ginawa nila sa akin, Now I’m doing it to you.”
Napaatras naman si Sandy at napailing.
“Hindi ako magiging aswang! Don’t underestimate me Elena, Hindi ako magiging katulad mo!”
Sigaw ni Sandy.
“In few minutes mararamdaman mo na ang pag-iinit ng sarili mong dugo. Makakaramdam ka ng kakaibang lakas, labis na pagka-uhaw at pananabik sa laman ng tao. Magbabago ang iyong anyo and soon you will realize that you were finally one of us! You real karma is about to begin Sandy.”
Nakangiting sabi ni Elena.
“Shut up! Shut up!”
Agad namang tumakbo si Sandy sa mag pintuan at binuksan iyon.
Humakbang ito palabas ng silid at kumuripas ito ng takbo.
Nang makalabas ay napatigil nalang ito nang mapansin na nasa loob pala siya ng isang ospital.
Bigla naman itong naalarma nang makita ang ilang mga nurse na nagkakagulo habang papalapit sa kanya.
“Ms.Sandy, are you alright?.”
Agad namang umiwas si Sandy at sumigaw.
“Leave me alone! Leave me alone!”
Agad itong nagpumiglas at tumakbo palayo.
Bigla namang naalarma ang mga staff ng ospital at hinabol ito hanggang labasan.
Nang makarating sa may entrance ng ospital ay bigla nalang itong napatigil.
Inangat niya ang kanyang mga kamay at napansin ang biglang paghaba ng kanyang mga kuko.
Unti-unti ding tumubo ang mga balahibo sa kanyang buong katawan, namula ang kanyang mga mata at tumubo din ang kulay itim na pakpak sa kanyang likuran.
Hanggang sa maramdaman nalang nito ang pag-init ng kanyang dugo.
“No!No! This can’t be”
Napasigaw nalang si Sandy at napahagulhol.
Sinuri niya ang kanyang paligid at napansin nalang na napapalibutan na pala siya ng mga tao doon na mistulang nagulat din sa nangyari sa kanya.
May ilang nagtataka, may iilang kumukuha ng litrato at may ilang labis na natakot.
“As-aswang!”
Sigaw ng isang gwardiya sabay ipinutok ang hawak nitong baril na agad namang tumama sa kanyang dibdib.
WAKAS