Sa mundong puno ng kababalaghan ay may ilang nilalang na nagkukubli sa kadiliman.
Tahimik ang gabi.
Ngunit isang nakakasindak na tunog ang gumising sa diwa ni Thelma.
Huminga ito ng malalim at pinakinggan ang malakas na kalabog mula sa kanyang pintuan.
Dahan-dahan itong humakbang palapit sa pinto.
Habang ang misteryosong tunog na iyon ay patuloy paring sumisindak sa kanyang pandinig.
Nag-aalalangan man ay pinili parin nitong buksan ang pintuan.
Ilang sandali pa itong napatigil at nag-ipon ng sapat na lakas upang buksan ang pinto.
Ilang sandali lang ay napaatras nalang ito nang bumungad sa kanyang paningin ang mukha ng isang lalaki.
Pamilyar ang mukha nito.
Ngunit sigurado siyang hindi niya iyon kilala.
Nanginig nalang ang kanyang katawan nang mapansin ang mga bakas ng dugo sa katawan ng lalaki.
Puno nang takot ang mukha nito habang karga ang isang sanggol sa kanyang bisig.
“Magandang gabi, Ako po yung nakatira sa kabilang apartment. Pasensya na sa abala ngunit nais ko sanang iwan muna sandali ang anak ko dito.”
Bigla ay nabaling naman ang paningin ni Thelma sa kargang sanggol ng lalaki.
“Nakikiusap po ako. Alam kong marami akong dapat ipaliwanag, ngunit wala ng oras. Kailangan kong iligtas ng buhay ng anak ko.”
Takot na takot na bigkas ng lalaki.
Agad namang naalarma si Thelma.
Agad naman itong tumango at kinuha ang sanggol mula sa lalaki.
“Maraming salamat po.”
Sabi ng lalaki.
Bigla ay napatigil nalang si Thelma.
Ilang saglit pa ay napako naman ang mga mata ng lalaki sa sanggol habang bakas sa mga mata nito ang takot at pangungulila.
“Kailangan ko na pong umalis, kayo na po muna ang bahala sa anak ko.”
Sabi ng lalaki sa nanginginig na boses.
Bigla namang napatitig sa lalaki si Thelma at nagtanong.
“Sandali, Anong pangalan ng bata?”
Bigla ay napatigil naman ang lalaki at mariing sumagot.
“Lino, tawagin niyo siyang Lino.”
Sagot nito.