“Elena!”
Nanginginig na sabi ni Sandy.
Ilang sandali pa ang lumipas ay bigla namang nagdagsaan ang mga tao papasok sa loob ng bar.
Hanggang sa mawala nalang sa paningin ni Sandy ang babaeng kanyang nakita.
“This can’t be.”
Pangangamba nito.
Patakbo itong lumabas ng bar at nag bakasakali na makita pa iyon.
Nang makalabas sa bar ay luminga-linga naman ito sa paligid ngunit bigo parin itong makita ang kanyang hinahanap.
Ilang saglit lang ay nagulat nalang ito ng marinig ang tunog ng kanyang cellphone.
Agad naman niyang sinagot iyon nang mabasa ang pangalan ni Delo.
“Sandy what taking you so long?”
Nag-aalalang tanong ni Delo sa kabilang linya.
Napailing nalang si Sandy na sa oras na iyon ay hindi parin mapakali.
“I’m sorry Delo, something came up. I’ll call you later okay?”
Natatarantang sambit nito sabay ibinaba ang cellphone na hawak nito.
Ilang sandali pa ay mabilis naman itong tumakbo sa kanyang sasakyan at agad na pinaandar iyon.
Habang nasa daan ay hindi parin mabura-bura sa isip nito ang mukha ng babaeng kanyang nakita.
“You’re f*****g dead Elena! You can’t be here.”
Nanginginig na bigkas nito.
Maya-maya lang ay bigla nalang nitong naalala ang kanyang manager.
Mabilis niya itong tinawagan at agad namang sumagot iyon.
“Hello Sir Jaime?”
Napailing nalang si Sandy nang walang makuhang tugon mula doon.
“Hey! I really need to talk to you right now. I-I think I saw someone in the bar.”
Natatarantang sambit nito.
Isang malalim na hininga naman ang kanyang narinig mula sa kabilang linya.
“Did you really see me Sandy?”
Nanlaki naman bigla ang mga mata ni Sandy nang marinig ang isang pamilyar na boses.
At sigurado siyang hindi iyon ang boses ni Jaime.
“This is not possible! Who are you? Nasaan si Sir Jaime?”
Nanginginig na sambit ni Sandy.
“You know me very well. Not unless nakalimutan mo na ako? You were blinded by your fame Sandy ang bilis mo namang makalimutan ang best friend mo.”
Misteryosong sambit ng boses sa kabilang linya.
Napatulala naman si Sandy at mas lalo pang tumindi ang pangambang nararamdaman nito.
“Is this you Elena?”
Mahinang sambit nito.
Ilang segundo ding tumahimik ang kabilang linya bago sumagot.
“You got it. Did you miss me?”
Napahinga naman ng malalim si Sandy habang pilit na pinapakalma ang sarili.
“Where is he? Elena ako ang harapin mo. I’ll fight fair.”
Seryosong sambit ni Sandy.
“Really? The last time I remember you betrayed us. Is that fair to you? Kung gusto mong makita si Jaime puntahan mo siya dito sa apartment na tinutuluyan niya. Alam kong wala kang paki kung anong gagawin ko sa kanya. But I have something from him that can possibly drag you down. This is the end Sandy, I’ll make everyone know what you did.”
Pagbabanta ni Elena.
Bigla namang ibinaba ni Sandy ang kanyang cellphone at binilisan ang pagmamaneho.
Magkasamang takot at galit ang kanyang nararamdaman.
“I’ll kill you before you drag me down bitch.”
Matigas na sabi nito sabay pinaharurot ang kanyang sasakyan.
Habang nasa kalagitnaan ng daan ay bigla naman nitong naalala ang baril sa kanyang compartment at mabilis na dinukot iyon.
“You can’t ruined everything Elena.”
Sambit ni Sandy sa kanyang sarili.
...................
Ilang sandali pa ay narating na rin ni Sandy ang apartment na tinutuluyan ni Jaime.
Kabado man ay dahan-dahan naman itong pumasok sa pinto at pinakiramdaman ang paligid.
Huminga ito nang malalim at dahan-dahang tinahak ang madilim na daanan papasok sa sala.
Maya-maya lang ay nagulat nalang ito ng maramdaman ang isang matigas na bagay na biglang gumulong sa kanyang paanan.
Nagulat naman si Sandy nang biglang lumiwanag ang buong paligid.
Napatingin ito sa kanyang paanan at nanlaki nalang ang kanyang mga mata ng makita ang pugot na ulo ni Jaime.
“Oh my gosh!”
Napaatras nalang ito at napatakip ng bibig.
“No!”
Ilang saglit pa ay ilang mga yapak ng paa naman ang kanyang narinig pababa mula sa hagdanan.
Dahan-dahang inangat ni Sandy ang kanyang paningin at napatulala nalang nang makita si Elena.
Bigla ay napako nalang ang kanyang mga mata sa maputlang mukha ng dating kaibigan.
“Elena? Buhay ka nga.”
Nanginginig na sabi nito.
Isang tipid na ngiti naman ang itininugon ni Elena bago nagsalita.
“I miss you so much. Bakit para ka naman atang nakakita ng multo? I’m so surprised may kinatatakutan ka parin pala Sandy.”
Napaatras nalang si Sandy at biglang itinaas ang hawak niyang baril.
“Why did you kill him?”
Gigil na bigkas ni Sandy.
“I told you to come here para makita siya. I didn’t ask you to come here para makita siyang buhay.”
Natatawang bigkas ni Elena.
“Now you’re trying to act like a monster. But I want you to know that I am a better monster than you are.”
Sigaw ni Sandy sabay ipinutok ang hawak na baril sa mukha ni Elena.
“Die now b***h!”
Bigla namang napaatras si Elena nang biglang tumama ang bala ng baril sa kanyang balikat.
Nagulat naman si Sandy nang mapansin na tila hindi man lang nasaktan iyon.
Bigla ay napaangat nalang ng tingin si Elena at tiningnan ng masama si Sandy.
“Nice try Sandy. But that won’t work to me.”
Muli ay napa-atras naman si Sandy at sinuri ang mukha ni Elena.
Bigla ay nanlaki nalang ang mga mata nito ng makita ang unti-unting pagbago ng anyo ng kanyang kaharap.
Humaba ang buhok nito, naging kulay puti ang buong mata, nagsilabasan din ang mga ugat nito sa leeg at biglang tinubuan ng kulay itim na pakpak.
Napa-upo naman si Sandy sa sahig at tila hindi parin makapaniwala sa nakita.
“As-Aswang ka na?”
Nagtatakang tanong nito.
Isang mahinang tawa naman ang narinig nito mula kay Elena bago ito humakbang palapit at nagsalita.
“Oo, dahil sa labis na galit ay pinili kong maging isa sa kanila at oras na upang ipadama ko sayo kung paano mamatay ng paunti-unti Sandy.”
Nanlaki naman ang mga mata ni Sandy nang makita ang biglang paghaba ng dila ni Elena.
Agad iyong naglakbay at pumulupot sa kanyang leeg hanggang sa itinaas nito ang kanyang katawan sa ere.
“Elena! I can’t breathe.”
Pilit namang nagpupumiglas si Sandy hanggang sa tumilapon nalang ang kanyang katawan sa semento.
Bigla nalang naramdam ni Sandy ang tila pagkabasag ng kanyang mga buto.
“Masakit ba Sandy? nahihirapan ka na ba? huwag ka munang mamatay, hindi pa ako tapos!”
Maya-maya pa ay nagulat nalang si Sandy ng makita si Elena na lumipad paatungo sa kanya.
Agad itong pumatong sa kanyang katawan at hinawakan ng mariin ang kanyang leeg.
Bigla namang kinapos ng hininga si Sandy habang pilit parin ang pagpumumiglas.
“Elena. Please, spare my life.”
Bigla ay napa-angat naman ng tingin si Elena at mistulang walang narinig.
Ilang sandali pa ay itinaas naman ni Elena ang kanyang kamay.
“Hindi na ako nakikinig sa mga kaibigan Sandy!”
Bigla ay naramdaman nalang ni Sandy ang pagbaon ng matutulis na mga kuko ni Elena sa kanyang dibdib.
“Ahhh!”
Natigilan naman si Elena at pinagmasdan ang nanghihinang katawan ni Sandy.
“Bukas na ang piyesta sa baryo Sandy at gaya ng ipinangako ko, Ikaw ang magiging alay ng lahi.”
Tinanggal ni Elena ang kanyang matulis na kuko at pinagmasdan ang naghihingalong katawan ng dating kaibigan..
Habang pilit na nakikipaglaban sa kanyang buhay ay nagulat naman si Elena nang bigla nalang hinawakan ni Sandy ang kanyang kaliwang kamay.
Napatingin ito sa kanyang mga mata.
Biglang nanlumo si Elena at napansin ang mga luhang dumaloy sa mga mata ni Sandy.
Kahit hirap ay pilit namang ibinuka ni Sandy ang kanyang bibig at nagsalita
“I’m-I’m sorry Elena.”
Sambit nito hanggang sa tuluyan na itong nawalan ng hininga.
Napaatras naman si Elena at dahan-dahang bumalik sa kanyang normal na anyo.
Bigla itong nanghina..
Sa pagkakataong iyon ay napaupo nalang ito sa tabi ng katawan ni Sandy.
At hinayaan nalang ang pagdaloy ng kanyang mga luha.