Nagising nalang si Jamie nang maramdaman ang malamig na ihip ng hangin.
Napabangon ito sa kanyang kama at napatingin nalang sa kanyang bintana.
Napakunot noo naman nito nang mapansin na bukas pala iyon.
Agad itong lumapit doon at isinara ang bintana.
Ilang saglit pa ay lumabas naman ito ng kanyang silid upang pumunta ng kusina.
Pagbaba ng hagdanan ay napatigil naman ito nang marinig ang ilang mga yapak ng paa na tila nakasunod sa kanya.
Huminga ito ng malalim at tinalasan ang kanyang pandinig.
Dahan-dahan pa itong lumingon at hindi nagtagal ay nanlaki naman ang mga mata nito nang makita ang imahe ng isang babae na nakatayo sa kanyang likuran.
“Si-sino ka?”
Hindi naman sumagot ang babae bagkos ay hinawakan nalang siya nito sa magkabilang balikat at itinulak sa hagdanan.
“Ahh!”
Napasigaw nalang si Jaime at ilang saglit pa ay natagpuan nalang nito ang kanyang sarili na nakahandusay sa unang palapag ng kanyang bahay.
Hinabol nito ang kanyang hininga.
At pilit na nilabanan ang sakit ng kanyang katawan.
Habang pumapanaog ng hagdan ang babae ay naramdaman naman ni Jaime ang kakaibang kaba.
Dahan-dahan itong gumapang ngunit hindi na nito kayang indahin ang sakit ng kanyang katawan dahil sa pagkahulog.
Maya-maya pa ay napansin naman nito ang babae na unti-unting humahakbang palapit sa kanya.
Nanginig naman ang buong katawan ni Jaime at lalo pang nangamba ng makita ang mukha ng babae.
“I-ikaw?’
Sambit nito habang hinahabol ang sariling hininga.
Bigla naman itong napatigil nang makita ang biglang pagbuka ng bibig ng babae.
Humaba ang dila nito at dahan-dahang lumakbay patungo sa kanyang leeg.
Pilit mang nagpumiglas ngunit mas lalo pang diniinan ng babae ang pagpulupot ng kanyang dila sa leeg ni Jaime.
Pilit mang nanlaban ngunit ilang saglit pa ay unti-unti na ring naramdaman ni Jaime ang pagkawala ng hangin sa kanyang lalamunan.
“Tama na”
Pilit pa itong nagmakaawa ngunit hindi parin nagpatinag ang babae.
Hindi ito makagalaw hanggang sa hindi na rin nakayanan ng kanyang katawan ang labis na hirap.
..............................
Pagkagising na pagkasing palang ni Sandy ay isang mensahe naman ang natanggap nito mula sa kaibigang si Delo.
Pagkatapos ng kanyang trabaho ay agad naman siyang dumeretso sa bar upang makita ito.
Mula sa hindi kalayuan ay napangiti naman ito ng makita ang maaliwas na mukha ni Delo.
Nang makalapit ay agad naman itong umupo sa tapat ng lalaki at napangiti.
“I’m glad you came. Akala ko hindi mo na ako kilala eh.”
Pabirong sabi ni Delo.
“Sira ka talaga. Ikaw nga yung hindi nagparamdam di ba? So kumusta na?”
Masayang tanong ni Sandy.
“Ito, living with one leg. I get used to it. Ikaw? Sobrang successful mo na ha. I’m really so proud of you.”
Masayang sabi ni Delo.
“Puro ka parin kalokohan. Anyway nice to see you again, bakit nga pala bigla-bigla gusto mo ng reunion?”
Tanong naman ni Sandy.
Bigla namang napatigil si Delo at napainom ng alak.
“It’s their death anniversary. I mean our friends.”
Seryosong sambit nito.
Bigla ay napayuko naman si Sandy at nanlumo.
“I’m sorry Del.”
Napatingin naman si Delo sa kanya at sinabi.
“It’s okay. I know you’ve been too busy. Their death and everything that happened to baryo was like a breaking news nangyayari at nakakalimutan. I know kung nasaan man sila ngayon masaya sila dahil nandito tayo ngayon. To be honest I still miss them, walang araw na hindi ko sila naisip.”
Mahinang tugon ni Delo na bakas naman sa boses ang lungkot.
Bigla ay natahimik naman si Sandy nang sumagi sa kanyang isipan ang dating kaibigan.
“I’m sorry about your leg. I’m sorry kung wala na dito ang mga kaibigan natin.”
Napailing naman si Delo at nagtaka.
“Sandy, It’.s not your fault. You saved me remember?”
Bigla ay napailing nalang si Sandy at sumagot
“I’m sorry, I think I need to pee.”
Pagpapa-alam nito.
Tumango naman si Delo na tila ay natataka parin sa biglang pagbago ng ekpresyon ni Sandy..
Agad namang tumakbo papasok sa rest room si Sandy.
Pagkapasok doon ay mabilis naman nitong ni-lock ang pintuan.
Humarap ito sa salamin at sinuri ang sarili.
“Why does it have to feel this way? Why do I feel sorry for everything?”
Tanong ni Sandy sa kanyang sarili.
Isang mabigat na emosyon ang bigla naramdaman nito.
Hanggang sa napansin nalang nito ang pagdaloy ng kanyang mga luha.
Pagkalabas sa banyo ay nabaling naman ang kanyang paningin sa pintuan palabas ng bar.
Bigla nalang napatigil si Sandy.
Agad nitong tinalasan ang paningin nang mapansin ang isang pamilyar na babae na nakatayo mula doon.
Ilang sandali lang ay napaatras nalang ito nang ma-mukhaan kung sino iyon.
Napahawak nalang ito sa kanyang dibdib nang muling makita ang mukha ng dating kaibigan.
“Elena?”
Sambit nito sa mahinang tono.