Chapter 15

1431 Words
Nagising si Delo sa isang tahimik at malinis na silid. Sa kanyang tabi ay napansin nito ang kanyang ina na kasalukuyang natutulog. Hinawakan niya ang mga kamay nito, upang ipaalam ang kanyang paggising. Mabilis namang gumising ang kanyang ina at tumingin iyon sa kanya. Hindi maitago ang galak at tuwa sa mukha ng ina nito ng muli siyang makita. “Delo! anak ko salamat sa Diyos at nagising ka na.” Sambit nito habang bahagyang lumuluha Ngumiti nalang si Delo habang iniikot ang paningin sa paligid. “Si Sandy ma? Is she here?” Mahinang tugon nito Ngumiti naman ang kanyang ina bago sumagot “Ligtas na siya anak, It’s been days, I thought I will lose you” Sa salamin ng pintuan ay napansin naman ni Delo ang ilang mga mukhang nakasilip mula doon “Ma sino sila?” Nagtatakang tanong nito. “Mga gwardiya mo sila anak.” Sambit nito. “Gwardiya?” pagtataka ni Delo “Oo, ilang araw na kasing nang-gugulo ang mga reporters dyan sa labas, naghihintay sila ng update tungkol sa paggising mo. Kailangan daw nila ng impormasyon tungkol sa mga aswang, ewan ko ba sa mga reporter na yan, wala atang mga alam sa salitang privacy. Simula nung na-interview si Sandy tungkol sa baryo ay hindi na sila tumigil sa kakapunta dito.” Maya-maya pa ay bigla namang napatango si Delo at tumugon. “Papasukin mo sila ma, It’s time to tell the story.” Seryosong sabi nito. ........................................... Makalipas ang ilang sandali ay dumagsa naman ang mga miyembro ng media sa silid ni Delo. Nagulat man ay pilit naman itong kumalma at hinarap ang mga iyon. “Totoo bang aswang ang umatake sa inyo ng mga kaibigan mo?” Tanong ng isang reporter. “Oo mga halimaw sila, walang awa nilang kinuha ang buhay ng mga kaibigan ko” Mahinahong sagot ni Delo “Ano ang itsura ng mga aswang? Sinasabi mo bang totoo sila?” Tanong ng isa pang reporter. Napa tingin si Delo sa uliran at bahagyang napa-isip “Sila’y mistulang normal na tao lang, pero may kapasidad silang magbago ng anyo, kitang-kita ng mga mata ko, totoo sila, I’d lose my leg because of them. I’d lose my friends because of them. Luckily I’m still alive right now.” Pagsasalaysay nito. “Paano niyo nakayanang harapin ang mga halimaw na iyon? Paano kayo nakaligtas sa loob ng baryo?” Tanong ng huling reporter “Lahat ng nilalang ay may kahinaan, kung hindi ka lalaban, hindi ka makakaligtas, siguro kaya ako nandito dahil pinilit kong lumaban at dahil na rin kay Sandy na nagligtas sa akin. Actually nakakahiya dahil ako yung lalaki but I’m glad to tell you that she was my hero.” Napa tulala nalang ang mga reporter habang nakikinig sa salaysay ni Delo. MAKALIPAS ANG ISANG TAON Magkapasok palang sa studio ay isang magarang pagsalubong naman ang nadatnan ni Sandy. “Surprise!” Sigaw ng kanyang mga staff habang sinasaboy ang mga confetti sa kanyang dinadaanan. Napangiti naman si Sandy at tiningnan ang kanyang mga staff na bawat isa ay may dalang isang putaheng pagkain. “What is it?” Gulat na tanong nito. “Oh dear. Our show is extended until next year! It means more money and work for us.” Masayang sabi ni Professor Jaime na kasalukuyan namang tumatayong manager ni Sandy. “Really? Thank you guys. Dahil ginalingan niyo let’s celebrate!” Sigaw nito sa masiglang tono. Bigla namang napahiyaw ang lahat at inumpisahan na ang kainan at sayawan. Sa gitna ng selebrasyon ay bigla namang lumapit si Jaime kay Sandy at taimtim itong kinausap. “For the highest paid anchor of the generation, you nailed it. Sabi ko naman sayo eh, malayo ang mararating mo.” Ngumiti naman ng tipid si Sandy at napatulala. “Thank you.” Tipid na sagot nito. Napakunot noo naman si Jaime at binalingan ng tingin si Sandy. “Is there something wrong?” Pag-aalala nito. “Nothing.” Mabilis na sagot naman ni Sandy. Bahagya namang umirap si Jaime at sumagot. “Buti naman. Anyway may mga package ka sa table mo. Yung iba galing sa mga fans and sponsor bahala ka na kung anong gagawin mo dun.” Tumango naman si Sandy bilang tugon. ........................... Habang nasa gitna ng magarbong hapunan ay kompleto naman sa hapag kainan ang pamilya ni Sandy. “We are so proud of you anak. Tama nga ang sinabi mo, You will be as good as your dad.” Nakangiting sambit ng kanyang ina. “Thanks mom.” Sagot naman nito. “Well thanks to your deceased friends at narating mo to. Anyway I watched you in the news you still have a lot of thing to improve, just my opinion.” Sambit naman ng kanyang ama. Napayuko naman si Sandy at pilit na binalewala ang sinabi ng ama nito. “Sorry Sandy, nasanay ka na naman sa daddy mo di ba?” Pag-aalala naman ng kanyang ina na hinawakan pa ang kamay ni Sandy. “Don’t tolerate it Olivia, I’m just teaching her a lesson here. Media isn’t permanent lalong-lalo na kung hindi ka naman magaling. Don’t stick to what you have right now.” Napailing naman si Sandy at hinarap ang ama. “Fine dad, I’m not as good as what you are expecting. Hindi ako kasing galing ng mga kaibigan ko, hindi ako kasing galing ni Elena but I tried so hard to reach this point not because I wanted it. It only because somehow I want you to be proud of me, Gusto kong ma-realize mo na mali ang tingin mo sa akin. Is this not enough? Lahat ginawa ko na, I made a really stupid mistakes para lang marating kung nasaan ako ngayon. I’m sorry if it’s still doesn’t satisfies you.” Napatingin naman sa kanya ang kanyang ina at nanlumo. “Sandy please calm down.” Malumanay na sambit ng kanyang ina. Napailing nalang si Sandy at sumagot. “I had enough ma, I hope I could turn back those times. Kung hindi ko lang sana pinansin ang mga insecurities ko sana masaya ngayon.” Sambit ni Sandy bago tumayo at naglakad palayo. ................... Habang abala ang lahat sa pag-aayos ng kani-kanilang bahay ay napatigil naman si Franco nang makitang balisa ang kanilang pinunong si Casandra. Agad nitong itinigil ang kanyang ginagawa at nilapitan iyon. Napansin nito ang mga luha sa mata ng babae at ang pag-aalala sa mukha nito. “Maswerte parin po tayo at nakahanap agad tayo ng malilipatan. Huwag po kayong mag-alala sigurado akong ligtas tayo dito.” Kalmadong tugon ni Franco. Napailing naman si Casandra at hinarap ang lalaki. “Kasalanan ko ang lahat Franco, Hindi ako dapat nagtiwala sa aking alagad. Sana inisip ko na tao siya at katulad din siya ng kanyang mga kalahi na ang tingin sa tulad natin ay mga halimaw. Bilang pinuno ay hindi ko nagawang proteksyonan kayo.” Nanlulumong bigkas ni Casandra. “Ginawa niyo lang ang alam niyong tama. Huwag niyong sisihin ang sarili niyo, Ilang taon din kaming nabuhay ng mapayapa dahil sa proteksyon na ibinigay niyo sa amin. Magsisimula tayong muli at kahit saang baryo tayo mapadpad kung katuwang natin ang bawat isa ay mananatiling ligtas ang ating lahi.” Sambit naman ni Franco. Napangiti naman si Casandra at tiningnan si Franco. “Maraming salamat sa pagligtas sa buhay ko Franco kung wala ka marahil ay wala na rin ako ngayon. Kapag naayos ang bago nating tirahan ay ipapasa ko na sayo ang obligasyon bilang pinuno ng ating lahi.” Napakunot noo naman si Franco at tila hindi parin makapaniwala sa narinig. “Ngunit hindi po ako ang itinakda, wala sa dugo ko ang pagiging isang pinuno. Wala akong sapat na lakas para proteksyonan ang ating mga kalahi.” Nag-aalangang sagot ni Franco. “Wala sa lakas kung hindi sa dedikasyon. Ikaw lang ang nakikita kong may kapasidad na maging isang pinuno Franco.” Sambit naman ni Casandra. Nanatiling tulala naman si Franco at pilit na pinoproseso ang mga sinabi ni Casandra. Ilang saglit lang ay napatigil naman sila nang makita ang isa sa mga kagawad ang patakbong lumapit sa kanila. Pawis na pawis ito at tila puno ng pangamba sa mukha. “Ka-Telmo? May problema ba?” Nag-aalalang tanong ni Casandra. Huminga naman ng malalim si Ka-Telmo bago sumagot. “Ang dayo! Nawawala ang dayo!” Nanginginig na sambit nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD