Chapter 14

914 Words
Halos isang oras ding naglakad sina Sandy at Delo sa masukal na gubat bago marating ang kalsada papuntang bayan. “Delo, we’re almost there. Just take a deep breath” Sabi ni Sandy habang pilit na pinapalakas ang loob ng nanghihinang kaibigan. Pilit namang ngumiti si Delo na iniinda parin ang sakit ng mga sugat at saksak sa katawan nito. “Wala na sila, wala na sila Delo” Nakangiting sabi ni Sandy. “Do you really think I can do it San?” Nanghihinang bigkas ni Delo. “Of course. Saglit nalang Delo, lumaban ka!” Nanginnginig na sabi ni Sandy. Nang makarating sa gilid ng kalsada ay unti-unti namang inihiga ni Sandy sa Delo sa damuhan. Humakbang ito sa gitna ng kalsada at nag bakasakali na may daraan pang sasakyan. Ilang sandali pa ang lumipas at unti-unti na ring sumisilip ang liwanag. Muli ay nabaling naman ang tingin ni Sandy kay Delo. Tahimik lang iyon at nanghihina ngunit ramdam nito ang pakikipaglaban ng kaibigan. Unti-unti siyang lumapit at inihiga ang ulo ni Delo sa kanyang hita. “Delo, don’t leave me. You’re all I have right now.” Unti-unting dumaloy ang luha ni Sandy habang pinagmamasdan ang kaibigan. “Pro-promise me. If anything bad will happen, just run and leave me. You have to leave, you need to tell a story about us.” Nanghihinang sabi ni Delo. “Delo.” Bigla nalang nanlumo si Sandy nang maramdaman ang unti-unting pagpikit ng mga mata ni Delo. “No! Delo please.” Mangiyak-ngiyak na sigaw nito. ....................... TWO MONTHS LATER GRADUATION DAY Natagpuan nalang ni Sandy ang kanyang sarili sa isang malapad na entablado. Nakaharap siya sa halos isang daang tao. Nabalot ng kalungkutan ang mukha ng bawat isa. Damang-dama naman ni Sandy ang paghihinagpis ng lahat ng nadoon. Ilang saglit pa ay huminga naman ito ng malalim at inumpisahan na ang kanyang speech. “Ako si Sandy, a fresh graduate of Journalism. Before, I was just a simple student fulfilling my simple dreams, and I worked so hard para matapos ang aking pag-aaral. After four years of struggling, finally matatanggap ko na rin ang inaasam kong diploma. It was one week before the Graduation, when I and my friends decided to have a small celebration. Yung kami-kami lang, yung malayo sa stress at sa nakasanayan naming lugar. Natuloy ang selebrasyon at napadpad kami sa isang liblib na baryo na matatagpuan sa isang probinsya. The first night we all had fun, that was the time na nakompleto muli ang aming barkada. Ngunit noong sumunod na mga araw ay isang malagim na kapalaran ang hinarap naming mga magkakaibigan. It was supposed to be our last vacation as students. Pero hindi ko alam na yun na rin pala ang huling pagkakataon na makakasama ko sila. It was supposed to be the happiest celebration, walang problema, walang gulo. Ngunit nagbago ang lahat ng madiskubre namin ang mga misteryo at lihim sa loob ng sinasabing baryo. It was a nightmare that until now hindi parin ako pinapatahimik. Ang Baryo ay ang lugar na pinamumugaran ng mga kakaibang nilalang, mga nilalang na kumikitil ng mga inosenteng buhay. Sa ilang araw na pananatili namin doon ay hindi ko aakalain na mapapahamak ang aking mga kaibigan. Pinatay sila ng mga halimaw! Pinatay sila ng mga aswang. I’m sorry.” Maluha-luhang sabi ni Sandy sabay inilayo ang bibig sa mikropono. Patakbong bumaba ng entablado si Sandy. Sa pagkakataong iyon ay hindi na niya nakuhang tapusin ang kanyang speech dahil sa labis na pagbuso ng kanyang emosyon. Pagkababa ng stage ay napatulala ang lahat ng tao. Malungkot ang araw na iyon dahil narin sa pag-alala ng karamihan sa mga nasawing buhay. Ang buong venue ay nabalot ng kalungkutan, lalo ng noong pinalabas ang flashback video nila simula first year hanggang sa mga huling sandali nila sa paaralan at kasabay noon ay ang pagtugtog ng isang malungkot na kanta. Mabilis na umupo si Sandy sa tabi ni Professor Jaime, Maliban sa kanya ay si Professor Jaime lang ang nakaka-alam ng totoong nangyari sa kanyang mga kaibigan. Habang pinapanood ang video presentation, Ay hindi parin nito maiwasan ang maluha tuwing maalala ang mga kaibigan. Ilang saglit pa ay nagulat naman ito ng bigla tapikin ni Professor Jaime ang kanyang balikat. Humarap naman ito sa professor na may pagtataka. “Congratulation’s Sandy, Nice speech anyway.” Nakangiting sabi nito “Thank you sir.” Tugon ni Sandy “Huwag ka ng umiyak Sandy, hindi ito ang panahon para sa pagluluksa.” Napa-isip naman si Sandy at muli niyang pinanood ang kasalukuyang video presentation. Mariin itong nag-isip bago nagsalita. “What do you mean sir?” Naguguluhang tanong nito “The police and NBI, checked the crime area, wala na daw dun ang mga aswang, Almost half of the place was burned, wala silang nakitang traces, hawak mo ang lahat ng ebidensya Sandy , so there’s nothing to worry matutupad mo na ang lahat ng plano mo” Mahinang tugon ni Jaime. Napatango nalang si Sandy at bahagyang napangiti. “Tama ka sir, hindi na natin maibabalik ang mga buhay na nawala, I’ll just make sure na bubunga ang lahat ng paghihirap ko” Mariing sabi ni Sandy “That’s right my dear, ganyan ang Sandy na kilala ko. ” Napangiti naman si Jaime Bigla namang humarap si Sandy sa kanyang professor at mabilis na pinunasan ang kanyang mga luha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD