Mabilis na inayos ni Sandy ang kanyang mga gamit,
Ang makaalis sa lugar na iyon ay ang tanging laman ng kanyang isip.
Pagbukas niya ng kanyang bag ay napansin niya ang ilang mga hindi karaniwang bagay ang nasa loob noon, kagaya ng rosaryo, holy water, asin at ilang pirasong bawang.
Huminga naman ito ng malalim at inilagay ang mga iyon sa bulsa ng kanyang coat at pantalon.
Sa oras na iyon ay alam niyang abala ang karamihan sa preperasyon sa darating na piyesta at sigurado itong wala pang ni isa sa mga iyon ang nakaka-alam sa nangyari kay Delia.
“This is it!”
Napangiti si Sandy na tila nakakita ng tamang pagkakataon upang maka-alis.
Ngunit pagkalabas niya ng resort ay bigla itong nakarinig ng isang malakas na sigaw.
Sigaw ng tao na mistulang kinakatay na hayop.
Nagpatuloy sa paglalakad si Sandy wala siyang pakialam kung sino man ang kasalukuyang biktima ng mga halimaw.
At ang importante lang sa kanya ay ang mailigtas ang kanyang buhay.
Bago pa man ito tuluyang naka-alis ay napatigil nalang ito nang marinig ang isang pamilyar na boses.
“Sandy?”
Napapikit nalang ito at huminga ng malalim nang marinig ang misteryosong boses ni Casandra na tila nang-gagaling sa kanyang likuran.
Dahan-dahan itong humarap habang pasimpleng dinudukot ang maliit na holy water sa kanyang bulsa.
“Casandra, I should have told you. Kailangan ko nang umalis. I gave you what you want and I think it’s about time for me to leave.”
Kalmadong sabi ni Sandy.
“Ilang oras nalang at piyesta na. Sayang naman kung hindi mo maabutan”
Malumanay na sabi ni Casandra.
Bahagya namang lumapit si Sandy habang unti-unting binubuksan ang bote ng holy water sa kanyang bulsa.
“As much as I want to, I know you wouldn’t let me. Narinig ko kayo Casandra. Alam kong isa din ako sa mga alay, papatayin mo rin ako tulad ng ginawa mo sa mga kaibigan ko. You are nothing but a freak monster na dapat pinapatay!”
Sambit ni Sandy sa gigil na boses.
“Anong ibig mong sabihin?”
Nagtatakang tanong ni Casandra.
Isang misteryosong ngiti naman ang bumakas sa mukha ni Sandy habang unti-unting humahakbang palapit kay Casandra.
Bigla ay nanlaki naman ang mga mata ni Casandra nang makita ang isang maliit na bote sa kamay ni Sandy at mabilis iyong isinaboy sa kanyang mukha.
“Ahh!”
Dahil sa bilis ng mga pangyayari ay hindi na ito nakailag.
Napatigil nalang ito nang maramdaman ang kakaibang init sa kanyang mukha
Nanghina ang katawan nito at unti-unting naramdaman ang paglapnos ng kanyang balat.
“An-anong ginawa mo?”
Nanginginig na tanong nito habang unt-unti nang natutumba sa semento.
Humakbang naman palapit si Sandy at marahang ngumiti.
“Killing you! b***h!”
Pilit namang bumangon si Casandra ngunit hindi na niya iyon nagawa dahil na rin sa biglaang panghihina ng kanyang katawan.
Bigla ay isinaboy pa ni Sandy ang dala nitong asin at bawang sa katawan ni Casandra hanggang sa lalo pa itong nanghina.
“Ahhh!”
Sigaw nito.
“I didn’t expect that I can kill you as easy as this my friend. Thank you for inviting me to your world.”
Nakangiting sabi ni Sandy habang mariing tinitigan ang katawan ni Casandra na mistulang nawawalan na ng buhay.
...............................
Nanginig naman ang buong katawan ni Delo.
“Ahhh.”
Pagkatapos maubos ang kanyang kaliwang binti ay muling lumapit ang batang aswang sa kanya.
Napangiti iyon ng makita na buhay na buhay pa ang kanyang pagkain.
“Lumayo ka sa akin! halimaw!”
Sigaw ni Delo.
Ngunit mas lalo lang naging agresibo ang bata na ngayon ay may hawak pang kutsilyo.
Nanlaki nalang ang mga mata ni Delo nang mapansin na ilang hakbang nalang ang distansya ng bata mula sa kanya.
“Get lost! You freak!”
Nang makalapit ay nagulat nalang si Delo nang biglang itinaas ng bata ang hawak niyang kutsilyo.
“Ahhh!”
Nanlaki nalang ang kanyang mata ng maramdaman ang matulis na bagay na biglang tumusok sa kanyang tiyan.
Napa hagulhol ito sa labis na sakit.
Biglang umagos ang mga sariwang dugo mula sa kanyang tiyan.
Ilang sanglit pa ay binunot naman ng batang aswang ang kutsilyo at dinilaan pa ang mga dugo na nakakapit doon.
Maya-maya ay bigla ngumiwi ang batang aswang nang maramdaman ang kakaibang hapdi sa kanyang likuran.
Napatigil naman si Delo nang maramdaman ang pagwawala ng bata.
“Delo!”
Sa kanyang pagdilat ay napatigil naman ito at dahan-dahang nagsalita.
“Sandy?”
Kahit papaano ay nakahinga naman ito ng maluwag nang makita ang kaibigan.
“Anong ginawa nila sayo?”
Bakas ang takot sa mukha ni Sandy
“Tulungan mo ako”
Takot na tugon ni Delo.
Nabaling naman ang atensyon ni Sandy sa batang aswang na kasalukuyang nilalabanan ang hapdi ng kanyang katawan dahil na rin sa ibinuhos nitong holy water.
“We have to be quick!”
Dali-dali isinampa ni Sandy ang kamay ni Delo sa kanyang balikat.
Bago paman tuluyang makalabas ay nanlaki naman ang mga mata ni Delo sa nakita.
“Sandy sa likod mo!”
Hindi na naka kilos si Sandy ng biglang kumapit ang batang aswang sa kanyang likuran at kinagat ang kanyang leeg.
“Ahh!”
Bigla namang nabitawan ni Sandy si Delo.
Ilang sandali pa ay nakita naman ni Delo ang isang supot ng asin na tumilapon mula sa suot na coat ni Sandy.
Kaya dali-dali itong gumapang upang kunin iyon.
“Delo, help me!”
Pilit na nakikipag buno si Sandy sa batang aswang.
Kahit nanghihina ay pilit na pumanaog si Delo,
Nahulog din iyon sa sahig.
Kumalat pa ang mga dugo sa kanyang binti ngunit pilit niya binalewala ang sakit.
Kahit anong gawin ni Sandy ay hindi niya maalis ang katawan ng batang aswang na nakakapit sa kanyang likuran.
Nang mahablot ang supot ay mabilis naman itong binuksan ni Delo at napansin ang ilang piraso ng bawang ang nakabalot doon.
Agad itong hinimay-himay ni Delo at inihagis sa batang batang aswang.
Bigla namang nagpumiglas si Sandy at naramdaman ang biglang pagkahulog ng bata sa kanyang likuran.
“I made it!”
Sigaw ni Delo habang itinaas pa ang supot ng bawang na hawak nito.
Naka hinga naman ng maluwag si Sandy ng maramdaman na wala na sa likod niya ang halimaw.
Kasalukuyang nalalapnos ang katawan ng bata ngunit patuloy paring itong nakikipag laban sa kanyang buhay.
Maya-maya pa ay mabilis na hinugot ni Sandy ang kutsilyo na nasa kama at agad na ibinaon sa dibdib ng batang aswang.
“Die now monster!”
Nang makita ang tuluyang panghihina ng halimaw ay isang bagong pag-asa ang puminta sa mukha ni Sandy.
Napatulala naman si Delo na tila hindi parin makapaniwala sa nakita.
“Umalis na tayo dito Delo!”
Sambit ni Sandy.
“Hindi ko na kaya, they took Elena, umalis ka na Sandy iligtas mo ang sarili mo!”
Nanghihinang sambit ni Delo.
Bigla ay nabaling naman ang paningin ni Sandy sa mga binti ni Delo.
“Aalalayan kita, Delo wag kang mawalan ng pag-asa, makaka alis tayo dito ng buhay. We are leaving together.”
Pilit namang pinapakalma ni Sandy ang nanghihinang kaibigan at mabilis na inalalayan ito.
......................................
Dasal, yan nalang tanging naiisip na gawin ni Elena.
kasaluyukang paring naka gapos ang kanyang buong katawan sa silya.
Maya-maya pa ay bigla nalang niyang naramdaman ang dahan-dahang pagbukas ng pintuan.
Tinalasan niya ang kanyang paninigin at sa hindi kalayuan ay isang pamilyar na mukha ang kanyang nasilayan.
“Franco?’
Habang papalapit si Franco ay mas tumitindi ang kabang nararamdaman ni Elena.
Pakiramdaman niya ay pwede na siyang mawalan ng buhay ano mang oras.
“Papatayin mo na ba ako?”
Nanginginig na tanong ni Elena habang nakatitig sa lalaki
Walang tugon na nakuha ito mula kay Franco.
Pinakiramdaman nalang nito ang kilos ng lalaki.
Ilang saglit lang ay humakbang naman ang lalaki patungo sa kanyang harapan.
Napapikit nalang si Elena at huminga ng malalim.
“Go ahead Franco. Kung papatayin mo ako gawin mo na ngayon.”
Kalmadong sabi nito.
Ilang sandali pa ay naramdaman nalang nito ang biglang pag-angat ng punyal na hawak ni Franco.
Gusto niyang sumigaw ngunit tila walang boses na lumalabas mula sa kanyang bibig.
Muli niyang idinilat ang kanyang mga mata.
Hindi ito kumurap at hinintay nalang ang pagdampi ng patalim sa kanyang balat.
Damang-dama na niya ang katapusan.
Ganun paman isang tahimik na dasal ang kanyang ginawa habang hinihintay ang kanyang kamatayan.