Chapter 12

997 Words
Habang naglalakad sa isang makitid na iskinita pauwi ng kanilang bahay ay napatigil naman si Sandy nang biglang mapansin ang isang gusgusing lalaki na bigla nalang humarang sa kanyang dinadaanan. Nanlilisik ang mga mata nito na tila ba ay wala sa kanyang sarili. Bigla namang nakaramdam ng kaba ang bata kaya naapatras nalang ito. “Ang ganda-ganda mo namang bata, Anong pangalan mo?” Tanong nang lalaki habang ang mga mata ay madiin na nakatingin sa katawan ng bata. “Sabi ni mommy hindi dapat kinakausap ang mga strangers.” Mahinang sambit ng bata. “Ako ba yun? Alam mo ikaw lang ang dumadaan sa iskinitang ito at tayong dalawa lang ang nandito ngayon. Huwag kang mag-alala, hindi ako nanakit ng bata lalo na kung gagawin mo ang ipapagawa ko.” Malumanay na sambit ng lalaki na sa oras na iyon ay unti-unti nang lumalapit kay Sandy. “You’re scaring me!” Agad namang kumaripas ng takbo ang bata ngunit agad namang nahablot nang lalaki ang suot niyang back pack. “Bitwan mo ako! Bitiwan mo ako! Mommy!” Mangiyak-ngiyak na sigaw ng bata. “Pasaway ka rin e, Gusto mo bang magalit ako?” Sigaw ng lalaki habang pilit na itinataas ang suot na palda ng bata. “Stop it!” Agad namang nagpumiglas si Sandy at nanlaban. Ilang saglit lang ay nagulat nalang ito nang biglang nanlisik ang ang mga mata ng lalaki. Napatigil ito at napabitaw sa kanya. Bigla itong nagpumiglas at kinapa nito ang kanyang likuran. Ilang saglit pa ay napansin nalang ni Sandy ang isang batang babae ang nakasampa na pala doon. “Ahh! Ahh!” Pilit na kumawala ang lalaki at pilit na inaalis ang katawan ng bata sa kanyang likuran. Ngunit nagulat nalang si Sandy nang makita na biglang kinagat ng batang babae ang leeg ng gusgusing lalaki. Napatakip nalang ito ng mga mata at bahagyang napaatras. Dumanak ang dugo at nakita din nito ang pag sipsip ng batang babae sa dugong dumadaloy sa leeg ng lalaki. “Bitiwan mo ako!” Pilit mang kumakawala ay hindi na rin nakapalag ang lalaki nang patuloy na sinipsip ng bata ang mga sariwang dugo sa leeg nito. Ilang sandali man ay dahan-dahan nalang na bumagsak ang katawan ng lalaki sa semento. Tila namanhid naman ang katawan ni Sandy nang mapansin na wala nang buhay ang lalaki. Ilang sandali pa ay napako nalang ang kanyang tingin sa batang babae na kasalukuyang nakatayo na sa harapan niya. Madungis ang mukha nito na bahagya pang natatakpan ng mahaba nitong buhok. Puno din ng dugo ang paligid ng bibig nito na kumalat pa hanggang sa suot nitong pang-itaas.. “What are you?” Nanginginig na tanong ni Sandy sa bata. “Natatakot ka ba sa akin?” Nagulat nalang si Sandy nang biglang sumagot iyon. “I’m not scared. Not at all, No matter what you are, you saved my life.” Salaysay nito na bahagya pang humakbang palapit sa bata. “Hindi ka ba talaga natatakot sa akin?Kahit halimaw ako?” Tanong uli ng bata. Napangiti naman si Sandy at humakbang pa palapit dito. “Hindi mo naman ako kakainin di ba?” Napailing nalang ang bata bilang tugon. “Ako si Sandy.” Napa-angat naman ng tingin ang bata at sumagot. “Ako si Casandra. Pwde ba kitang maging kaibigan?” Isang tipid na ngiti naman ang pinakawalan ni Sandy at sumagot. “Oo naman.” Masiglang sabi nito. ........................... Makaraan ang maraming taon ay isang pamilyar na mukha ang muling nakita ni Sandy. Sa isang convention meeting ay napansin nito ang isang misteryosong babae na tahimik lang at mistulang sinusuri ang paligid. Hindi man sigurado ay bigla nalang nitong nabanggit ang pangalan ng dating kaibigan. “Casandra?” Nagulat naman ito nang humarap ang babae. “Kilala mo ako?” Tugon ng babae. “Wow, I never thought na makikita pa kita. Sandy, remember?” Nakangiting bigkas nito. Agad namang tumango ang babae at tiningnan ito ng mariin. ............... Napili namang mag-usap ng dalawa sa isang coffee shop malapit sa lugar. Nanatiling balisa naman si Sandy na tila hindi parin makapaniwala sa nakita. “I really thought you we’re dead. Few years ago may nabalitaan akong pinatay, Isang babae na pinaghihinalaang aswang.” Bigla namang napatingin si Casandra at sumagot. “Matagal na akong wala sa lungsod. May ipinamana sa akin ang aking lola isang malawak na lumapin sa loob ng isang baryo. Nandoon lahat ng aking mga kalahi, pinili ko ang ipunin sila sa isang lugar na kung saan madali ko silang makita at maproteksyonan laban sa mga tao.” Napatango naman si Sandy at napa-isip. “Anyway, bakit ka pala nandito?” Seryosong tanong nito. Bigla namang napatigil si Casandra at sumagot. “Taon-taon ay dumadayo ako sa lungsod upang kumuha ng mga tao, Alay sa panginoon ng lahi.” Bigkas ni Casandra. Isang tipid na ngiti naman ang puminta sa mukha ni Sandy hanggang sa isang ideya ang pumasok sa isipan nito. “Why don’t we help each other Casandra? I still owe you for saving my life remember?” Giit ni Sandy sa misteryosong tono. .................................... Tahimik na naglilinis ng kanyang silid si Delia Ilang sandali ay bigla nalang itong nakarinig ng mga yapak na tila papunta sa kanyang silid. “Franco” Tawag nito nang maramdaman ang pagtigil ng mga yapak sa harap nng kanyang pintuan. Bigla nalang ay nakaramdam si Delia ng kakaibang kaba. kaya dahan-dahan itong naglakad upang buksan ang pintuan. “Sino yan!” Sigaw nito. Pagkabukas ng pintuan ay nagulat naman ito sa nakita. “Sandy? Anong ginagawa mo dito?” Hindi naman tumugon si Sandy bagkos ay inilabas nalang ang kutsilyong nakatago sa kanyang likuran. “Anong ibig sabihin nito?” Nangangambang tanong ni Delia na bahagya pang napaatras. Isang nakakatakot na ngiti naman ang bumakas sa mukha ni Sandy bago tuluyang itinaas ang hawak na kutsilyo at mabilis na ibinaon sa lalamunan ni Delia.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD