Naiwan sina Elena at Sandy sa loob ng silid.
Walang boses ngunit hindi parin maitago ni Elena ang pagtataka sa kanyang mukha.
“Tulungan mo ako Sandy. I know you’re doing this to distract them.”
Pagmamakaawa ni Elena.
Napangiti naman si Sandy bago tumugon
“I’m sorry my dear, But I can’t”
Sambit nito.
“Anong ibig sabihin nito? Is it true? Ikaw ang alagad ng mga aswang?”
Naka kunot noong tanong ni Elena.
“Not at all, Only for a few moments because in the end of this freaking show, ako lang ang matitira. I’ll be a hero who fought for her friends; I’ll be the survivor who killed those monsters.”
Natatawang sabi ni Sandy.
“Why are you doing this to us? Kaibigan mo ako Sandy. Kaibigan mo kaming lahat!”
Mangiyak-ngiyak na tanong ni Elena.
.
“It’s all my plan Elena my dear, Just take it as my revenge! Ganti ko to sayo at sa mga kaibigan mo.”
Sigaw ni Sandy.
“Wala akong ginawang masama sayo!”
Sigaw din ni Elena
Napailing naman si Sandy at tiningnan ng masama si Elena.
“Wala? Kinuha mo lahat Elena. Do you want me to tell you why? Pwes sasabihin ko na sayo since anytime soon mamatay ka na, I’ll make you understand why!”
Bigla namang napatigil si Sandy at inalala ang kanyang nakaraan.
Nanlumo naman si Sandy habang tinitingan ang galit na mukha ng kanyang ama.
“We are investing for your education tapos ito lang ang ibibigay mo sa amin? Bagsak na grades? Paano ka susunod sa yapak namin ng mommy mo kung basic subjects binabagsak mo pa? Anong klaseng utak yan? Bakit hindi mo nalang gayahin yung best friend mong si Elena? Matalino at responsable. Umayos ka nga Sandy.”
Galit na sermon ng kanyang ama.
Pagkatapos noon ay agad namang itong tumalikod at naglakad palayo.
Hindi naman nakaimik pa si Sandy bagkos ay napahagulhol nalang.
“Anak calm down, disappointed lang ang daddy mo, Don’t get mad, He’ll come to his senses soon.”
Kalmadong sabi naman ng kanyang ina.
“Lagi namang ganoon di ba? Kailan ba siya nanging proud sa akin? Di bale mommy, I’ll make sure that one day, pagsisihan niya ang mga sinabi niya. I’ll prove to him na kaya kong higitan kahit yung mga achievements niya.”
Sambit ni Sandy.
......................
Napatigil naman si Sandy aat mariing tinignan si Elena.
“You stole my dad’s attention. Gusto niya gayahin kita, I was invisible that’s why I told myself na papatunayan ko kay dad na mali ang tingin niya sa akin. Pero Elena lagi kang nandiyan to make it impossible to happen.”
Giit ni Sandy hanggang sa muli nitong sinariwa ang nakaraan.
..............
Isang malapad na ngiti naman ang bumakas sa mukha ni Sandy nang marinig ang magandang balita galing sa kanyang college instructor.
“Congratulations dear for being the magna c*m-laude, you nailed it. Sayang nga lang it’s a close battle between you and Elena. Anyway halos points lang nilamang niya, You still did a wonderful job. I’m so proud of you.”
Napayakap naman ang kanyang instructor sa kanya sa labis na tuwa.
Ilang saglit pa ay bigla namang bumakas ang pagkadismaya sa mukha ni Sandy.
..............
Tila namanhid naman ang katawan ni Elena sa mga narinig.
Napailing nalang ito habang pinagmamasdan ang lungkot at pagkadismaya sa mukha ni Sandy.
“I didn’t mean to make you feel that way. Kung galit ka sa akin sana ako lang, just let our friends out of this.”
Pagmamaka-awa ni Elena.
Napatigil naman si Sandy at napatingin sa malayo.
“Sawang-sawa na akong maging maliit sa paningin lahat Elena. I am a reasonable person, lahat ng kilos at lahat ng bagay na gusto kong gawin ay may dahilan. It was during our first year in college nang maramdaman ko na lagi nalang akong naiiwan, I was an option na laging hindi napipili kahit ng lalaking gusto ko.”
Nanlumo naman si Sandy nang muling balikan ang kanyang mga ala-ala.
..............
Mariing tinitigan ni Sandy ang sarili sa mallit na salamin.
Pagkatunog nang bell ay agad namang dumeretso ang kanyang paningin sa pintuan ng classroom na kanina pa niya tintitigan.
Maya-maya pa ay bumakas naman sa kanyang mukha ang kakaibigang tuwa nanng makita ang lalaking matagal na niyang gusto.
Agad itong lumapit at sinalubong iyon.
“Brix!”
Nakangiting sambit nito.
Agad namang lumapit si Brix at napangiti.
“Sandy? Anong ginagawa mo dito?”
Nagtatakang tanong nito.
“Wala, Treat sana kita ng lunch. Wala kasi si Elena e, wala akong kasabay.”
Malambing na sabi nito.
Napakamot naman ng ulo si Brix at napalinga sa paligid.
“Sorry Sandy, pero kasabay ko kasi si Yuri ngayon eh. Maybe next time?”
Mahinang sagot ni Brix.
Napatigil naman si Sandy at napatango nalang.
Ilang sandali lang ay bigla namang dumating si Yuri at mabilis na yumapos sa bewang ni Brix.
“Sorry I’m late babe. Sandy?”
Tanong ni Yuri nang makita si Sandy.
Pilit namang ngumiti si Sandy at hinarap ang kaibigan.
“Hey, I guess I should go.”
Sambit nito.
Napatigil naman si Yuri at napangiti.
“San, sorry hindi ko nasabi for sure hindi pa nabanggit ni Elena sayo, kami na pala ni Brix. Finally tumalab na yung gayuma niya.”
Pabirong sabi ni Yuri.
“Grabe ka ha.”
Sambit naman ni Brix at pinisil pa ang ilong ni Yuri.
Napatango nalang si Sandy habang pilit na itinatago ang bigat ng kanyang pakiramdam.
...............
Nanlumo naman si Sandy at binalingan ng tingin ang kaibigan.
“You know what Elena isa lang ang na-realize ko. Those people you love the most are the same people who will hurt you the most. This is the only way para matapos na ang lahat. I’ll make sure that after all of this ay bagong Sandy na ang makikilala ng lahat, titingalain nila ako, they will praise my name and I will be known as a hero.”
.
Hindi naman namalayan ni Elena ang unti-unting pagpatak ng kanyang mga luha habang nakikinig sa bawat salitang binitiwan ng kaibigan.
“Ganun nalang ba yun Sandy? Is that reasonable to you? isusugal mo ang mga buhay namin? alam mo kung ano ang naiisip ko ngayon? mas masahol ka pa sa mga aswang na pumapatay ng mga inosenteng tao! Kung may halimaw man sa lugar na ito ay ikaw yun!”
Nanginginig na bigkas ni Elena.
Bigla namang napangiti si Sandy sa narinig.
“I don’t mind and don’t waste your time talking too much. Dahil wala ka ng magagawa Elena. It’s all over”
Sambit ni Sandy sa misteryosong tono.
Napayuko nalang si Elena na tila wala na ring nagawa.