Chapter 10

810 Words
Tahimik lang na nakadungaw sa labas ng bintana si Casandra habang dinadama ang malamig na hangin na dumadampi sa kanyang balat. “Napakaganda ng iyong kasuotan Casandra” Nakangiting papuri ni Delia “Bagay lang ito sa pagdiriwang Delia, dahil nalalapit na ang pagsapit ng araw ng pag-alay.” Nakangiting sambit ni Casandra “Hindi na ako pakapag-antay, akoy lubos na nasasabik sa masarap na hapunan.” Tugon ni Delia “Handa na ba ang lahat sa darating na piyesta bukas?” Tanong ni Casandra. “Handang-handa na Casandra.” Nakangiting sabi ni Delia. ........... Nagising si Delo sa isang maliwanag na kwarto. Ngunit nagulat nalang iyon ng mapansin ang ilang mga kagamitang panluto ang nakapaligid sa kanya. Nakahiga siya sa isang malapad na lamesa at napapalibutan ng mga sangkap pangluto at mga gulay. Masakit ang kanyang katawan ngunit pilit parin itong bumangon. Ilang saglit lang ay nakaramdam naman ito ng kirot sa kanyang paanan. “Ahhhh” Napasigaw ito ng maramdaman ang labis na hapdi. “Elena?” Sigaw nito. Mabilis niyang inalis ang kumot na nakatakip sa kalahati ng kanyang katawan. Nang maalis iyon ay nanlaki nalang ang kanyang mga mata sa nakita. “Ahhh!” Muling sigaw nito ng makita na wala na ang kanyang kanang binti. Huminga ito ng malalim at napa-iyak nalang sa kanyang sinapit. Pilit nitong iginalaw ang kanyang natitirang binti ngunit ramdam parin niya ang kirot mula doon. “No!” Napailing nalang si Delo at halos hindi parin makapaniwala sa kanyang nakita. Ilang saglit pa ay may biglang pumasok na isang gusgusing bata sa loob ng silid. Nakangiti iyon sa kanya habang nakatingin sa kanyang paanan. Tiningnan niya ng mariin ang gusgusing bata at nanlaki nalang ang mga mata nito nang makita ang hawak-hawak nito sa kanyang kanang kamay. Ang kanyang putol na binti. “Hindi! Put that down.” Napasigaw nalang ito nang biglang kinagat ng bata ang putol na binti na hawak nito. ..................... Nagising nalang si Elena at natagpuan ang sarili sa isang madilim at abandonadong silid. Napadungaw ito at napansin na isang lampara lang ang nagbibigay liwanag sa paligid. Nakagapos ang kanyang katawan sa isang upuan. Mahigpit ang pagkakatali nun dahilan kaya hindi ito makagalaw. Sa isang iglap ay muling sumagi sa kanyang isip ang mga nangyari. Nagpumiglas ito at sumigaw ngunit walang ni isa ang nakarinig sa kanya. Maya-maya pa ay napatigil naman ito nang mapansin ang unti-unting pagbukas ng pinto. Napatingin nalang ito at bahagyang napatulala nang makita si Franco. Blanko ang mukha nito na tila ba ay walang ipinapakitang emosyon. “Franco! Tulungan mo ako.” Pagmamakaawa ni Elena. Hindi naman tumugon ang lalaki bagkos ay tahimik lang iyon habang nakatitig sa kanya. “Hindi ka niya tutulungan, dahil siya ang nakatakda na papaslang sayo.” Napa-angat naman ng tingin si Elena nang marinig ang isang pamilyar na boses. “Aling Delia?” Nanginginig na sabi nito. Habang pinagmamasdan ang may edad na babae na kasalukuyang papasok ng pinto. “Anong ibig sabihin nito?” Humakbang naman malapit si Delia at binigyan siya ng isang misteryosong tingin. “Ibig sabihin ay nahulog ka sa bitag Elena. Tama ang mga hinala mo at sana umpisa palang tumakas ka na.” Sambit ni Delia. “Isa ka sa kanila? Kayong lahat?” Panlulumo ni Elena. “Ang nalalapit na kapiyestahan ang dahilan ng lahat Elena. Taon-taon ay naghahandog kami ng alay para sa panginoon naming mga aswang. Salamat sa aming alagad at sa wakas ay maisasa-katuparan na rin ang aming ritwal. Isang mapayapang buhay ang maihahandog niyo sa aming mga aswang Elena. Isang masaganang taon para sa aming mga aswang.” Salaysay pa ni Delia. Napakunot noo naman si Elena at napatigil. “Alagad? Anong ibig mong sabihin.” Napangiti naman si Delia at tumugon. “Siya ang dahilan kung bakit kayo nandito. Siya na isa sa mga kaibigan mo.” Giit nito. Napailing naman si Elena at napa-isip. “That’s not true! Ang totoo pinatay mo ang mga kaibigan ko, pinatay ng mga kalahi mong halimaw!” Sigaw ni Elena. Maya-maya pa ay napatigil naman si Elena nang maramdaman ang muling pagbukas ng pintuan. Bungad nun ay isang pamilyar na mukha. Ang isang inosenteng mukha na mistulang hindi gagawa ng ano mang kasamaan. Napa-angat ng tingin si Elena. Tinitigan niya ito sa mga mata mariing sinuri iyon. Hindi naman nakapagsalita si Elena na tila hindi parin makapaniwala sa nakita. “Tama si Delia, ako ang dahilan kung bakit kayo nandito. I’m sorry Elena but I really have to do this.” Sambit ng alagad. Bigla namang nanlumo si Elena. Ilang saglit pa ay hindi naman nito namalayan ang pagdaloy ng kanyang mga luha. Muling niyang ini-angat ang kanyang paningin at pinagmasdan ang kaibigan. Dahan-dahan niyang ibinuka ang kanyang bibig at mariing sinambit ang pangalan nito. “San- Sandy.” Nanlulumong sabi nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD