Mabilis namang nakapasok sa sasakyan sina Elena at Delo.
Agad na pinaandar ni Delo ang sasakyan at mabilis na pinatakbo iyon.
Sa side Mirror ng sasakyan ay nanlaki naman ang mga mata ni Elena nang makita ang isang nakakatakot na nilalang na patuloy lang sa paghabol sa kanila.
“Come on Delo, Bilisan mo!”
Sigaw nito.
“I’m trying okay!”
Sigaw naman ni Delo na natataranta na din.
“What is that? Bakit ka niya hinahabol?”
Tanong ni Elena.
“Hindi ko alam, halimaw o engkanto o baka aswang!”
Napakunot noo naman si Elena at nagtaka.
“Aswang?”
Bigla namang bumakas ang takot sa mukha ni Delo.
“We have to leave this place right now.”
Giit ni Delo.
Napatingin naman si Elena sa kanya at napa-isip.
“Wait, hindi ba tayo babalik sa Villa? Paano si Sandy?”
Pag-aalala nito.
“Hindi ko alam kong magiging safe pa tayo dun, But I know for sure that the best option now is to leave this place right away.”
Sambit ni Delo.
...........................
Nagmamadaling inayos ni Sandy ang kanyang mga gamit.
wala ng ibang pumapasok sa kanyang isipan kundi ang makalayo sa lugar na iyon.
Maya-maya pa ay naayos na rin ang kanyang mga gamit.
Paalis na sana ito ng biglang maalala ang kanyang mga kaibigan.
sumilip siya sa magkakatabing silid ngunit wala pa ang mga iyon doon.
Kaya naisipan nalang nito na lumisan na at iligtas ang kanyang buhay.
Aktong papalabas na sana siya ng pinto nang bigla nalang siyang nakarinig ng boses mula sa kanyang likuran
“Sandy?”
Nanlaki ang mga mata niya ng marinig ang isang pamilyar na boses
“Delia?”
Maya-maya ay humarap ito at pilit na itinatago ang kaba.
“Bakit dala-dala mo yang mga gamit mo? May pupuntahan ka ba?”
Seryosong tanong ni Delia.
“Ako? Hin-hindi. Dadalhin ko lang sana sa kwarto ni Elena, dun kasi ako matutulog ngayon.”
Pagdadahilan nito.
Isang misteryosong ngiti naman ang pinakawalan ni Delia habang ang mga mata ay mariing nakatingin sa mga mata ni Sandy.
...................
Sa bilis ng kanilang takbo ay nakahinga din nang maluwag sina Elena at Delo nang mapansin na wala na ang halimaw na sumusunod sa kanila.
Hindi maiwasan ni Elena ang maluha habang iniisip parin ang maaring sinapit ng kanyang mga kaibigan.
“Yuri and Brix were gone, maaring wala na an mga kaibigan natin Elena, maaring pinatay sila, pinatay sila ng mga halimaw na aswang.”
Sabi ni Delo na puno ng takot ang boses.
Sa pagkakataong iyon ay mas lumakas pa ang hagulhol ni Elena.
“Hindi, Huwag mong sabihin yan.”
Sabi ni Elena.
“Mag-isip ka nga Elena, hindi sila mawawala basta-basta kung walang kumuha o pumatay sa kanila. Kung hindi tayo makaka-alis dito ay malamang ay wala ni isa sa atin ang makakaligtas ng buhay.”
Sigaw ni Delo.
Maya-maya pa ay napatigil naman si Delo nang napansin ang isang lalaki na tila nakaharang sa dinaraanan nila.
“Franco?”
Mahinang sabi ni Elena
“Aswang! Hold on Elena.”
Sigaw ni Delo.
Mas lalo pa nitong binilisan ang takbo ng sasakyan upang masagasaan ang nasabing lalaki.
“Delo, Stop!”
Sigaw ni Elena.
Ngunit hindi naman nagpatinag si Delo hanggang sa tuluyan na nitong binangga si Franco.
Kitang-kita ng mga mata nila na tumilapon ang katawan ng lalaki sa hindi kalayuan.
Nakahandusay iyon sa kalsada at tila wala ng buhay.
Bigla namang itinigil ni Delo ang sasakyan nang makita ang sinapit ng lalaki.
“What have you done? He’s a friend.”
Nanginginig na sabi ni Elena.
“We can’t trust anyone right now. “
Mahinang sambit ni Delo.
“No, kilala ko siya, We can still save him.”
Bababa na sana ng sasakyan si Elena ngunit agad naman itong napigil ni Delo.
“Kung bababa ka, hindi kita pipigilan, I can leave this place alone. Make your choice Elena.”
Seryosong sambit ni Delo.
Bigla namang nanlumo si Elena habang tinititigan ang nakahandusay na katawan ni Franco.
...........................................
Ilang minuto pa ay natanaw narin nila ang kalsada palabas ng baryo.
Patuloy lang sa pagmamaneho si Delo.
Ngunit bago pa tuluyang makarating sa labasan ay napansin ni Elena na tila may kumakalampag sa bubong ng sasakyan na tila.
“What the hell?”
Bigla naman itong naalarma nang mas lalo pang lumakas ang pagkalampag sa kanialng bubong.
“Delo! bilisan mo, nasundan tayo!”
Sigaw ni Elena.
Nagulat nalang silang pareho ng makita ang halimaw na nasa harapan na sasakyan nila at nakasabit sa may bintana.
“Ahhh!”
Napasigaw silang pareho.
Iniliko-liko ni Delo ang sasakyan upang malag-lag ang halimaw.
Ngunit mabilis naman iyong nakakapit sa side mirror.
Maya-maya pa ay nagulat nalang si Delo ng basagin ng halimaw ang salamin sa gilid niya.
“Ahhh!”
Sigaw nito
Lalo pang nanlaki ang mga mata ni Delo ng mahablot ng halimaw ang ulo niya.
Bigla namang inagaw ni Elena ang manubela upang hindi sila mabangga.
Habang si Delo ay pilit na nilalabanan ang halimaw, ngunit kahit anong laban niya ay ayaw magpatinag ng halimaw na kasalukuyang umaatake sa kanya.
Hindi nagtagal ay nanlaki naman ang mga mata ni Elena ng muling makarinig ng mga kalampag.
Napasigaw nalang ito ng makita ang isa pang aswang na nasa harapan ng sasakyan.
“Oh my God!”
Ilang saglit pa ay sinundan pa ito ng isa pang aswang na kumapit naman sa side mirror habang binabasag din ang salamin sa gilid ni Elena.
“s**t!”
Pilit naman iyong binalewala ni Elena at nagpatuloy lang sa pagliliko ng manubela.
Maya-maya pa ay tuluyan ng nabasag ng halimaw ang bintana sa gilid nito at nahablot ang kanyang buhok kaya bahagya niyang nabitawan ang hawak niyang manubela.
Sa labis na takot ay nawalan ng kontrol si Elena at hindi napansin ang isang malaking puno na halos nasa harapan na ng kanilang sasakyan.
“Elena!”
Sigaw ni Delo.
Nanlaki nalang ang kanilang mga mata .
Pilit na inabot ni Delo ang manubela ngunit huli na biglang nawalan ng preno ang sasakyan at tuluyan ng bumangga sa isang malaking puno.