Chapter 8

1023 Words
Nagising si Sandy sa nakakasilaw na liwanag. Mula sa malawak na binata ay tanaw na tanaw niya ang kaibigang sina Elena at Delo mula sa baba. Mabilis itong pumanaog upang makipag kwentuhan sa mga kaibigan, at pagdating doon ay naabutan niya si Delo na tila inaayos ang kanilang sasakyan, habang si Elena naman ay tila may malalim na iniisip at hindi mapakali. “What’s going on here?” Tanong ni Sandy “San, buti’t nagising ka na” Tugon ni Elena na tila may pag-aalala sa boses. “Bat parang balisa ka na naman?” Pabirong tugon ni Sandy kay Elena “We can’t find Yuri, naikot na namin ang buong Villa but she’s nowhere to be found.” Sambit naman ni Delo. Bahagya namang natahimik si Sandy at nag isip “Hindi kaya bumalik na siya ng Manila? She was too worried last night.” Kabadong tugon ni Sandy. “I don’t think so.” Misteryosong sabi ni Elena “What do you mean?” Tanong ni Delo “I think we have to leave as soon as possible!” kabadong tugon ni Elena “What? bakit naman?” Pagtataka ni Sandy “I don’t know, pero iba ang pakiramdam ko sa lugar na toh, I don’t want to think about it, pero pakiramdam ko may nangyaring masama kela Brix at Yuri!” Takot na sabi ni Elena “If that what you are thinking, mas lalong hindi tayo pwedeng umalis, We can’t just leave them there. Kailangan natin silang mahanap.” Pag-aalala ni Sandy. “Okay, Let’s find them, aayusin ko lang tong sasakyan para mas madali natin silang mahanap.” Sambit ni Delo ..................... Nakarating sa sentro sina Elena at Delo kasalukuyan silang naglilibot upang mahanap ang mga kaibigan. Habang nasa isang tindahan ay napansin ni Elena na tila nakapako ang tingin ng mga residente na nandoon sa kanila. Nagtataka man ay pilit naman niyang binalewala ang mga iyon. Habang nasa loob ng sasakyan ay bigla namang napansin ni Elena si Franco na naglalakad bitbit ang ilang mga sako na hindi niya alam kung ano ang laman. Agad naman nitong sinabihan si Delo na ihinto ang sasakyan. Napatigil naman si Franco at mariin silang tinitigan. “Magandang araw Franco, mukhang busy ka ata.” Bati ni Elena. Ilang segundo din bago tuluyang sumagot ang lalaki. “Bukas na ang piyesta, kaya abala ang lahat sa paghahanda sa mga alay.” Seryosong bigkas ng lalaki. Napansin naman ni Elena na hindi man lang tumitingin ang lalaki sa kanyang mga mata. “Sorry sa abala. Pero hinahanap kasi namin sina Yuri at Brix, baka lang napansin niyo?” Bigla namang natigil si Franco at napatingin sa malayo. “Hindi, malamang lumuwas na sila sa bayan at kung ako sa inyo aalis na rin ako bago pa sumapit ang piyesta.” Misteryosong sambit ng lalaki. .............. Mabilis na natapos ang araw. Madilim na ang paligid at napansin ni Sandy na tila walang tao sa loob ng Villa. Ilang saglit pa ay naisipan nitong mag-ikot at nagbakasali na mahanap pa ang mga nawawalang kaibigan. . Sa kanyang paglalakad ay may napansin itong isang silid. Ngayon lang niya napansin ang silid kaya bahagya niyang sinilip ang loob nun. Doon ay nakita niya ang dalawang babae seryosong nag-uusap. Napangiti pa siya nang makita sina Casandra at Delia na tila ay nasa kalagitnaan ng malalim na diskusyon. Idinikit naman niya ang kanyang kaliwang tenga sa pinto upang mas lalo pang marinig ang pag-uusap ng dalawa. “Anong balak mo sa mga natitirang dayo Casandra? Ang ating mga kalahi ay umaasa sa malaking handaan.” Tanong ni Delia Ngumiti si Casandra at ininom ang isang kulay pulang likido na nakalagay sa isang wine glass. “Wala tayong ibang gagawin Delia, kundi ang patayin sila, wala tayong ititira, Ang tao ay pagkain, sila ay buhay na biyaya, hindi dapat inaaksaya, hindi dapat pinapakawalan.” Seryosong tugon ni Casandra. “Ano na ngayon ang plano mo Cassandra? Ilang oras nalang ay kapiyestahan na.” Tanong ni Delia. Napatingin si Casandra dito bago nagsalita. “Tawagin ang mga malalakas na kalahi at ilang mga kagawad, panahon na upang tugisin ang mga bagong alay!” Nakangiting sambit ni Casandra. Pagkatapos marinig ang misteryosong usapan na yun ay napatakip naman ng bibig si Sandy, nanginig ang buong katawan nito at sa labis na takot ay napatakbo ito palayo sa pinto. .................................... Habang nagmamaneho pabalik ng Villa ay nagtaka naman si Elena nang biglang inihinto ni Delo ang sasakyan. “Oh bakit?” Nakakunot noong tanong ng babae. “Teka, Ji-jingle lang ako. Di ko na kaya.” Nakangiwing sabi ni Delo. Napakamot naman ng ulo si Elena at sumagot. “Dito pa talaga. sige bilisan mo ha.” Agad namang lumabas ng sasakyan si Delo at patakbong pumasok sa masukal na damuhan sa loob ng gubat. Sa kailaliman ng gabi ay namayani ang katahimikan. Naiwang mag-isa si Elena sa loob ng sasakyan. Ilang minuto pa ang lumipas ay nagtaka naman ito nang hindi parin bumabalik sa loob si Delo. Hanggang sa isang malakas na sigaw ang narinig nito. “Tulong!” Napakunot noo naman si Elena at nakaramdan ng kakaibang kaba. “Delo?” Mabilis itong bumaba ng sasakyan upang sundan ang kaibigan. Kabado man ay pilit parin nitong nilakasan ang loob at hinakbang ang mga paa at sinundan ang pinang-galingan ng boses na kanyang narinig. “Delo!” Sigaw nito. Bigla namang nanayo ang kanyang mga balahibo nang muling makarinig ng ingay mula sa loob ng gubat. “Errr!” Dali-dali itong humakbang ngunit hindi pa man tuluyang nakapasok sa loob ng gubat ay agad naman siyang napatigil nang makita ang kaibigang si Delo na tumatakbo palapit sa kanya. “Delo?” Duguan ang katawan nito at tila may malalaking kalmot sa kanyang dibdib. . Bakas sa mukha nito ang kakaibang takot. “Elena, Get in the car!” Sigaw ni Delo sa nasisindak na boses. Maya-maya pa ay napansin nalang ni Elena ang isang kakaibang nilalang na kasalukuyang nakasunod sa likuran ng kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD