Chapter 7

1065 Words
Hindi mapigilan ni Yuri ang masuka sa nakita. Tila nakukuryente ang katawan nito sa sobrang pandidiri, ngunit mas matindi parin ang kilabot na nararamdaman nito. Agad siyang tumakbo palayo ng maalala ang mga kaibigan. “Sandy ! Elena! Delo! “ Sigaw ni Yuri habang tumatakbo paakyat sa silid ng mga kaibigan. Pawis na pawis ito at halos dinig na niya ang t***k ng kanyang puso sa labis na takot. Ilang hakbang nalang ngunit bago pa man tuluyang makaakyat ay nagulat nalang ito nang may biglang humarang sa dinaraanan niya. “Ahhh!” Napaupo nalang si Yuri sa sahig nang makita si Delia. “Aling Delia?” Nanginginig na sabi nito Isang misteryosong ngiti naman ang pinakawalan ng may edad na babae habang nakatitig kay Yuri. Bigla ay puminta naman sa isip ni Yuri ang sinapit ni Brix. “Halimaw ka! anong klaseng nilalang kayo? Anong ginawa niyo kay Brix?” Galit na sigaw ni Yuri. “Mga aswang kami, mga nilalang na naghahangad ng laman at dugo at ang nangyari sa kasintahan mo ay siya ring mangyayari sayo at sa mga kaibigan mo!” Napaatras bigla si Yuri. Bigla namang nanginig ang tuhod nito sa labis na takot. “Hindi! Delia please. Let us go.” Mangiyak-ngiyak na sabi ni Yuri “Paumanhin ngunit ako at ang buong lahi ay nasasabik na sa laman mo! Ang tagal naming naghintay, alam mo bang tuwing kapiyestahan nalang kami uli nakakatikim ng laman at dugo tao?. Hindi ko hahayang palagpasin ang pagkakataong ito Yuri.” Nanlaki ang mga mata ni Yuri ng makitang ang unti-unting pagbago ng anyo ni Delia, dahan-dahang tumubo ang kulay itim na balahibo sa buong katawan nito, tinubuan ng pakpak na tila hawig sa pakpak ng isang paniki. Humaba din ang mga kuko at buhok nito at naging kulay pula ang lente ng kanyang mga mata. . “No! No!” Nanginginig na sigaw ni Yuri nang makita ang anyong aswang ni Delia. “Handa ka na ba sa iyong kamatayan Yuri?” Nakangiting sabi ng halimaw . Unti-unti namang inangat ni Yuri ang sarili at sinubukang tumakbo. “Ahh!” Ngunit bago pa man niya magawa iyon ay mabilis namang nahablot ni Delia ang kanyang buhok. “Tulong, Elena, Sandy!” Sigaw nito. “Tingin mo ba maririnig ka nila? O tingin mo ba ay buhay pa sila sa mga oras na ito?” Pabulong na sabi ni Delia. “Bitiwan mo ako halimaw ka!” Nanlaki bigla ang mga mata ni Yuri ng maramdaman ang kamay ni Delia na nakapulupot na sa kanyang leeg. Pilit niyang hinabol ang kanyang hininga at kahit na hirap ay pilit niyang inangat ang kamay ni Delia at madiin na kinagat iyon. “Ahhhhh!” Agad namang nabitawan ni Delia ang kanyang leeg kaya sinamantala ni Yuri ang pagkakataon upang makatakbo. “Tulong!” Sigaw nito. ....................... Isang malapad na ngiti ang puminta sa mukha ni Casandra. “ Maraming salamat. Hindi mo alam kung paano mo pinasaya ang buong lahi” Masayang sabi nito sa kanyang alagad. “Walang ano man Casandra, Ngunit gusto ko sanang panatilihing lihim ito sa aking mga kaibigan, Hindi na siguro mahalaga na malaman nila ang ugnayan natin at ang totoong dahilan kung bakit nandito sila sa baryo.” Pag-aalala ng alagad “Asahan mo iyan, wala ni isa sa mga kaibigan mo ang makakalabas ng buhay dito sa baryo. Isang araw nalang at makakamtan mo na rin ang iyong nais.” Nakangiting sambit ni Casandra .................................... Kahit anong lakas ng sigaw ni Yuri ay wala ni isa man sa kanyang mga kaibigan ang nakarinig sa kanya. Kaya naisip nito na lumabas sa pinto at tumakas mag isa. Pagka bukas ng pinto ay nagulat ito ng makita na nadoon na si Delia. Nanlilisik ang mga mata nito at lumalawit pa ang mahaba nitong dila. Muling napaatras si Yuri palayo ngunit biglang nahablot ni Delia ang kanyang braso. “Bitiwan mo ako” Muli ay naramdaman nito ang kamay ng halimaw sa kanyang leeg at naramdaman nalang niya ang biglaang paglutang ng kanyang katawan sa ere. “Hindi mo ako matatakasan dayo!” Pilit na inaalis ni Yuri ang ang kamay ng halimaw ngunit nabigo ito. Maya-maya pa ay naramdaman nalang nito ang paglipad ng kanyang katawan at tumilapon sa matigas na semento. “Ahh!” Ramdan ni Yuri na tila nababasag ang kanyang mga buto at napangiwi nalang ito sa sakit. Bigla niyang naramdaman ang pagdaloy ng mga sariwang dugo sa kanyang ulo. at kasabay noon ay ang unti-unting paglabo ng kanyang paningin. Muli niyang naramdaman ang presensya ni Delia na nakatayo sa harapan niya. “Delia, spare me. Delia buntis ako.” Nanghihinang sabi ni Yuri. Unti-unti namang inilapit ni Delia ang kanyang mukha kay Yuri at sinabi. “Wala na sa sinapupunan mo ang bata Yuri. Unang araw mo palang dito ay naamoy ko na ang nilalang sa loob ng iyong tiyan. Huwag ka nang mag-abalang magtanong dahil sigurado akong pinagpipyestahan na siya ng aking mga kabaryo, Ang laman ng isang musmos ay ang espesyal na pagkain na hindi pinapalagpas ng mga aswang.” Giit ni Delia na napadila pa. Napahagulhol nalang si Yuri sa narinig. Sa oras na iyon ay tanging sa pag-iyak nalang niya ibinaling ang bigat ng kanyang nararamdaman. “Ha-yop ka! Mga halimaw kayo.” Ilang saglit pa ay nagtaka naman ito ng mapansin ang isang pamilyar na mukha na unti-unting humahakbang palapit sa kanila. Nang makalapit ay agad itong tumayo sa tabi ni Delia habang pinagmamasdan ang kanyang kalagayan. Nakaramdam ng kaunting pag-asa si Yuri ng makita ang kanyang kaibigan. “Tu...tulong..” Nanghihina na sambit ni Yuri. Ngunit nakatitig lang sa kanya ang kaibigan na tila hindi man lang nakaramdam ng awa. Hindi iyon umimik bagkos ay bahagya pa itong ngumiti. “How can you do this to us?” Nanginginig na tanong ni Yuri. Maya-maya pa ay nagulat nalang ito ng pumaibabaw si Delia sa katawan niya. “Ahhhh” Bigla itong napasigaw ng maramdaman ang kamay ng halimaw na tila binubutas ang kanyang tiyan. Maya-maya pa ay naramdaman nalang nito ang paglabas ng kanyang mga lamang loob habang hinihila ni Delia, Bago pa man tuluyang mawalan ng malay ay muli nitong pinagmasdan ang kaibigan. Napansin niya na may hawak itong camera na tila kinukunan ang nakakadiring paraan ng kanyang kamatayan. Hindi na ito nakapagsalita hanggang sa tuluyan na itong naubusan ng hininga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD