Chapter 4

1284 Words
Chapter 4   Monina's P. O. V   "Yna! Naiwanan mo na naman ang ulam!" sigaw ni Mama.   Napahinto ako sa paglalakad at agad na bumalik sa kubo para kuhanin ang tupperware na baon ko para sa lunch.   "Salamat po! Aalis na ako."   Patakbo akong lumabas patungo sa highway. Pinagpag ko ang mga paa ko. Kumuha ako ng bimpo para punasan ang mga paa kong napuno ng buhangin. Naupo ako sa malaking bato saka nagsuot ng medyas.   Habang nagsasapatos ako ay may kotse na huminto sa harapan ko at bumusina ito.   "Monina," napalingon ako sa boses na narinig ko.   Unti-unting bumaba ang bintana ng kotse at napangiti ako nang makita ko si Khayne na nagmamaneho nito.   "Come, I'll give you a ride," aniya.   Agad kong kinuha ang sapatos ko saka sumakay sa kotse ni Khayne.   "Wow! Anong klaseng kotse ba ito?" tanong ko.   "Xpander."   "Nasaan ang mga body guards mo?" tanong ko pa dahil walang tao sa likod at kami lang sa kotse.   "The one is going to take the Ford car, kailangan ipagawa ang gulong and side mirror, my other guard took the lawyer home. That's why I'm alone," sabi niya.   Napatango naman ako. Biglang tumunog ang sasakyan niya napalingon ako sa kaniya.   "Your seat belt," aniya.             Kinuha ko ang seat belt at hinila. Ngumiti ako ng pilit kay Khayne dahil sa totoo lang ay hindi ko alam kung paano ito gamitin. Never pa ako nakaupo sa passenger seat ng sasakyan. Ngayon pa lang.   "You need to pull it and put it here," aniya sabay hila ng seat belt.   Napasandal naman ako nang lumapit siya sa akin.   "There you go," aniya at pinaandar na ang kotse.   Sinuot ko naman ang sapatos ko.   "Uuwi ka na ba? Dadaan ba tayo sa school ko? Saan ka sasakay? Sa Roro?" sunod-sunod kong tanong.   "I'm going back to Manila. I use waze to locate your school. It's the Guimaras State College, right?" tanong niya.   "Oo, ang galing mo naman," sambit ko.   "Not really, we have yatch at iyon ang gagamitin ko pabalik ng iloilo," aniya.   "Napakatagal ng byahe mo. Mag-iingat ka ha. Nga pala, nakapag-isip ka na ba? Hindi mo na ba ibebenta 'yung isla?" tanong ko.   Tumingin ako sa kaniya at ngumiti habang naghihintay ng sagot.   "I'm still thinking-"   "Tagal naman. One week nga lang palugid mo sa amin e," inis kong sabi.   "Ikaw pa talaga ang nagrereklamo--"   "Friends naman na tayo 'di ba? Nagkwentuhan nga tayo kagabi," sabi ko.   "I know, I know."   Napansin ko namang naghighway pa rin si Khayne pero may shortcut sa looban.   "Liko ka sa susunod na kanto. Mas malapit doon," sabi ko.   "Okay."   "Wala bang tugtog 'to? Paano ba magbukas ng radyo?" tanong ko.   Nanlaki naman ang mga mata ko nang pinindot niya ang screen at tumugtog na ang radyo.   "Hala! Ang angas!" bati ko.   Sobrang ganda ng klase na ito ng sasakyan. Touchscreen pa ang radyo, hindi tulad sa ibang kotse.   "Paano ilipat?" tanong ko.   "Click the arrow," tinuro niya ang arrow.   Pinindot ko ito at nalipat sa isang kilalang tugtog. Ang huling el bimbo. Napa-indak naman ako sa intro pa lang nito. Nakita ko namang ngumiti si Khayne.   "Alam mo ba 'to? Legendary song 'yan!" sabi ko.   Tumango lang si Khayne. Nagsimula na ang kanta kaya sinabayan ko ito.   "Kamukha mo si... Paraluman," nagkunwari pa akong nagtatambol habang sinasabayan ang kanta.   Khayne's P. O. V   I looked at the side mirror when I realized that I am smiling again. She's so loud and immature but so happy, nahahawa ako sa energy niya. Puyat pa siya sa lagay na 'yan.   "Ayan na!" ani Monina.   "You arrived at your destination," sabi ng Waze mula sa cellphone.   Nag-park ako sa tabi. Tumingin ako kay Monina na sinakbit na ang bag at inayos ang buhok niya.   I wonder if she already have a boyfriend, bakit mukhang nagpapaganda siya?   "Paano tanggalin 'to?" tanong niya sabay turo sa seat belt.   "O-ow.." bulong ko at tinanggal ang seat belt niya.   May kung ano akong nararamdaman na nagpipigil sa aking tanggalin ang seat belt niya.   "Salamat sa long ride, Khayne," aniya at ngumiti ng matamis sa akin.   Napatulala naman ako dahil sa ganda niya lalo pa't naka-ayos ang buhok niyang mahaba na nakalugay. Kahapon kasi ay nakapusod ito.   Binuksan niya ang sasakyan. Bigla akong naalarma.   "MONINA!" sigaw ko.   Napahinto siya at lumingon sa akin. Nanlalaki ang mga mata niya.   "A-ano... Do you have a boyfriend?" tanong ko.   "Lagot ako kay kuya at Papa kung meron. Strikto sila, no boys allowed," aniya at ngumisi. Akmang isasarado niya ang pinto pero pinigilan ko ito at hinawakan ang pinto ng kotse.   "How about a suitors?" tanong ko.   "Manliligaw? Meron, madaming nagtangka. Marami na ring sumuko dahil kay Papa," aniya.   "Ahh." I nodded, "How about--" napatigil ako nang tumunog ang bell mula sa school.   "Hala! Bye na, Khayne. Maraming salamat! Ingat ka sa byahe mo pamaynila!" sigaw niya at mabilis na sinarado ang pinto.   Wala akong nagawa. Binaba ko ang bintana ng kotse ko at pinanood siyang tumakbo papasok ng campus.   "Baka madapa ka pa..." bulong ko.   Nang mawala siya sa paningin ko ay nagsimula na akong muli mag-drive.   Napatingin ako sa radio at pinatay ito, sanay ako sa tahimik na byahe lamang. Nang makarating ako sa pier ay binigay ko na sa body guard kong nag-aabang sa akin ang kotse para isakay ng barko.   "Sir, dito po ang daan patungo sa yate niyo," aniya.   Bigla namang may babaeng lumapit sa akin.   "Mr. Khayne! Pa-picture po!" aniya at tinapat kaagad ang camera sa akin at kinuhanan ako ng picture.   "No pictures, Miss," saway ng body guard ko.   Nang makarating kami sa yate ay sinakay na niya ako roon. Mayroong personal driver ang yate namin. Nakaupo lang ako sa bandang likod ng yate at nakatingin sa alon ng tubig.   "Sir, baka po gusto niyo ng pagkain," ani ng batang lalake na kasama ng driver namin.   I think that's his son.   "No, thanks."   Tumingin ako sa tubig. Bigla kong nakita ang mukha ni Monina na nakangiti. Agad akong napakusot sa mga mata ko.   "I must be tired," bulong ko.   Pumasok ako sa loob ng kwarto ng Yatch at humiga sa kama saka nagbukas ng cellphone para mag-check ng emails at messages.   ****** Nang makarating ako sa Manila. Hinatid na ako ng body guard ko sa building ng company namin. Sinabi sa akin ng secretary ko na nasa business trip si Mom and Dad kung kaya't hindi ko sila makakausap tungkol sa isla.   That island will be sold in 5 Million Dollars. Dahil kay Monina ay nagdadalawang isip ako.   "Tell Mr. Kavuski that I will call him tonight," sabi ko sa secretary ko.   "Yes, sir."   "Prepare a lunch for me," utos ko.   "Yes, sir."   Lumabas na ang body guard ko at napatingin naman ako sa window glass. Tumayo ako at lumapit doon. Kitang-kita ko ang madaming building at madaming tao dito sa Maynila.   "Ibang-iba ang tanawin kaysa sa Guimaras. If I sold it, mawawalan ng tirahan sila--" napatigil ako.   Napakamot ako sa ulo ko.   "Why do I care? Anong pakialam ko kung wala silang matitirhan, ang mahalaga mabenta ko ang isla--" napatigil ako at napapikit ng mariin.   "No... I must not sell it, right? Monina."   Tumingin ako sa gilid ko. She's not here. I suddenly felt sad.   Ang dating katahimikan na nagsisilbing comfort zone ko ay tila ba nasira ng ingay ni Monina na ngayon ay hinahanap ko.   "I didn't even get your number, nor your parents number. You said that you don't have social media accounts so how can I contact you, Monina?" tanong ko habang nakatingin sa mga building na nakapaligid sa amin.   "I should have record your voice instead. What did you do to me, why am I like this, Monina?" ***************************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD