Chapter 3
Khayne's P. O. V
Hawak ko ang cellphone ko habang nakaupo sa dalampasigan. Tinitignan ko lamang ang litrato ng yumao kong nakababatang kapatid na babae.
"I bet you're prettier than her if you're still alive," bulong ko.
Nag-scroll pa ako sa gallery ko at tinignan ang iba pa naming mga picture simula pagkabata. Mayroon akong ginawang album ng litrato niya lamang at litrato namin.
Kinuha ko ang soju sa tabi ko at ininom ito. Napakapayapa pakinggan ng alon. Sobrang nakakagaan sa pakiramdam.
"Kuya, pakibalik po ang bote at huwag iwanan sa dalampasigan--" napatigil si Monina sa pagsasalita nang humarap ako sa kaniya, "K-Khayne--ikaw pala 'yan."
Napakunot ang noo ko sa hawak niyang plato at baso ng tubig. Mabuti naman at hindi revealing ang suot niya ngayon dahil naka-Tshirt na siya at pajamas.
"Bati na ba tayo? Tatabihan sana kita--"
"I don't care, do whatever you want," inis kong sambit at tumingin sa dagat.
"Malapit na mag-high tide," aniya sabay upo sa tabi ko.
Hindi ko siya pinansin at muling tinignan ang litrato naming magkapatid.
"Sino 'yan?" tanong ni Monina.
Rinig ko ang pagnguya nito. Nainis naman ako sa ingay.
"Eat properly," sambit ko.
"Sorry na, gutom talaga ako, galit na galit sa akin si Mama at Papa, tinakas ko lang 'tong pagkain na bigay ni kuya. Mukhang dito ako matutulog sa dalampasigan kasi galit sila," kwento niya out of nowhere.
Hindi naman ako nagtatanong, she's too chatty.
"So?" tanging nasabi ko.
"Magkakatabi kasi kami sa papag, ang hirap no'n, katabi mo yung galit sa 'yo," sabi niya sabay inom ng tubig. "Palibhasa, ikaw kasi malamang lumaki ka na may sariling kama, never ko naranasan 'yon."
Napatingin ako sa kaniya. I will admit that she's pretty. A kind of morena woman. Bagay na bagay sa kaniya ang pagka-tan ng kutis niya. Pilipinang-pilipina. Hindi siya sobrang itim pero hindi rin maputi, nasa katamtaman lamang. Matangos ang ilong niya at katamtaman ang mga mata, may pagkapula ang kaniyang labi at may makapal na kilay at pilik mata.
"Bakit nakatitig ka? Gusto mo ba? Sorry, hindi na kita maalok kasi gutom talaga ako," paliwanag niyang muli.
I sighed, she never gets tired of talking.
"Alam mo ba, masarap tumira dito sa tabing dagat kaya huwag mo na ibenta. Sayang naman, may bahay bakasyunan ka rito--"
I cut her off.
"We own lots of island, hindi lang ito."
Halos mabulunan siya sa sinabi ko.
"Iyon naman pala! Huwag mo 'to ibenta, 'yong iba na lang para hindi na kami umalis. Marami ka naman pa lang isla," aniya at ngumiti ng nakakaloko sa akin.
Pakiramdam ko ay inuuto niya ako.
"We're not close. Stop talking--"
"Close tayo, oh." Lumapit siya lalo sa akin.
Nagdikit ang mga braso namin at ngumiti lamang siya. Kitang-kita ang mapuputi niyang mga ngipin. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti nang makita ang sungki nitong pangil, parehong-pareho sa kapatid ko.
"Hala! Ngumiti ka rin sa wakas! Achievement!" masigla niyang sabi at inubos ang kinakain niya.
"You're loud," sambit ko.
"Oo na, bale hindi mo na ibebenta 'to?" tanong niya.
"I don't know," bulong ko.
Napatingin ako sa alon ng dagat na halos tatama na sa paa namin. High tide na nga, tama siya.
"Pag-isipan mo, sayang din 'to. Balita ko may memories ka ng sea urchin dito, hindi ba?" bigla siyang ngumisi, "Hugasan ko lang 'to, huwag mo 'ko iiwan kasi babalik ako diyan." Tumakbo siya pabalik sa kubo nila.
Parang wala siyang sugat sa paa. Napakasigla niya.
"I need to sell this, or else, I will be called failure, again."
Napapikit ako ng mariin. Twenty-three years old na ako pero hindi pa rin ako makapag desisyon sa sarili kong buhay dahil sa magulang ko. Nasa akin lahat ng pressure dahil ako na lang ang anak nila. Masaya na rin ako dahil hindi mararamdaman ni Coleen ang pressure na nararamdaman ko ngayon. Nag-aral ako to be an entrepreneur, not to be a robot that my parents will control.
Sawang-sawa na akong marinig sa mga magulang ko na wala na akong maitulong sa kanila para sa businesses namin. Hindi lang nila alam na ginagawa ko ang lahat at nagpapakapuyat para sa marketing at mag-check ng financial stability namin.
"Khayne! Ano? Napag-isipan mo na ba?" bungad na tanong sa akin ni Monina saka umupo sa tabi ko.
Napansin ko ang hawak niyang tsi-tsirya. Binuksan niya ito.
"You think makakapag-isip at decide ako ng ganoon lang kabilis?" sarcastic na tanong ko.
"Huh? Gaano ba dapat katagal? Isang taon?" pamimilosopo niya.
"The heck.." bulong ko sa inis.
"Oh, kain ka. Pulutan 'yan," aniya sabay abot sa akin ng hawak niyang tsi-tsirya.
"I don't eat junk foods," sambit ko.
"Pero umiinom ka ng alak," kontra niya sa akin.
I sighed.
"So, sino nga kasi yung nasa picture?" muli niyang tanong.
"Can you please be quiet just for a second?" tanong ko.
"1, 2, 3..." bulong niya, napakunot ang noo ko. "Sabihin mo na kung sino, curious talaga ako," aniya.
"She's my sister," sambit ko para tumahimik na siya.
Minsan lang ako mapunta dito sa dalampasigan, hindi ko pa ma-enjoy dahil sa babaeng ito.
"Nasaan siya? Ilang taon na?" tanong niya.
"She's in heaven. Supposed to be, she should be eighteen but she only lived 13 years here on earth," malungkot na sambit ko.
We are partners in crime. She stole foods at night and come into my room to tell me a story, kahit anong makwento niya, I know every little details of her. I know everything.
"S-sorry... Sana pala hindi ko na tinanong, kaya pala ayaw mo ako sagutin. Sorry talaga," paumanhin ni Monina.
Yumuko ako at napabuntong hininga. I don't want to cry. Sa lahat ng babae sa mundo, si Coleen ang pinakaminahal ko, our Mom is rude to us, she never makes time that's why kami lang palagi ni Coleen.
I suddenly felt Monina's hands on my back. She softly and slowly tapped my back.
"I don't need your--"
She cuts me off.
"Ilabas mo lang. Kapag pinigilan mo, maiipon yung lungkot, baka kapag bumigat ay hindi mo kayanin," aniya.
Umiling ako.
"Okay lang, balita ko sikat ka dahil mayaman ka. Don't worry, wala akong social media kaya hindi kita mababalita sa mundo. Sa atin lang ang mga sinabi mo. Marunong akong magtago ng sikreto," aniya.
She's right. Hindi ko dapat ipunin.
"I actually saw her in you. Habang nakatalungko ka kanina sa tabi ng sink. You're pouring a water in your wounds. That s**t also happened to Coleen. Habang naglalaro kami sa ulan while my parents are away. Hinabol kami ng Yaya but suddenly nahiwa si Coleen sa paa. Iyak siya ng iyak habang nakatalungko at hawak ang paa niya. That was 10 years ago and I perfectly remembered it."
Napatingin ako kay Monina.
"Mahal na mahal mo siya, 'no?" aniya.
"Yes, I want to know what she will look like when she become eighteen," sambit ko.
"Eighteen din ako. Pareho kami, siguro napakaganda niya. Bukod sa syempre ang yaman-yaman niyo, malamang may pambili siya ng mga pampaganda," aniya.
"I bet she's prettier than you," nakangiti kong sambit.
"H-ha? Bakit naman? Maganda ba ako?" tanong niya.
Napatigil ako.
"U-umuwi ka na. It's already 11 pm," sabi ko at kinuha ang bote ng soju.
Napansin kong may laman pa ito kaya tinungga ko na.
"Oo nga, may pasok pa ako bukas. Kailangan ko umalis ng 6 am, kung hindi ay wala akong masasakyang jeep. Sige na, good night! Malamang tulog na sila Papa kaya makakatabi na ako doon," aniya at tumawa ng mahinhin.
"Good night," tanging sambit ko.
Pinanood ko siyang maglakad pabalik sa kubo nila. Napahawak ako sa labi ko.
"I am smiling? Really?"
****************************