Chapter 5
Monina's P. O. V
Kinabukasan ay alas-tres ako nagising dahil sa ulan. Pumapatak ang tubig ulan sa butas ng bubong namin at nababasa ako sa pwesto ng tulog. Tumulala lamang ako sandali at saka naghanda ng mampaligo.
Napahikab ako at nagtungo sa kubo nang tumila ang ulan. Lumiliyab na ang mga kahoy at naririnig ko na ang pag-init ng takuri. Sobrang lamig kasi maligo ng alas-singko ng umaga kaya't nagpapakulo ako ng tubig. Wala kaming tubig sa banyo namin kaya kailangan pa mag-ibig mula sa poso sa tabi ng building nila Mr. Jallorina. Si Papa at kuya ang nag-iigib.
"Oh, ang aga mo," ani Papa.
Napangiti ako. Hindi na sila galit sa akin dahil sa ginawa ko.
"Ikaw rin, Pa. Ang aga mo gumising," sabi ko.
"Pupunta ako ng pier. Magtatanong ako ng mga loteng pwede natin tirhan," ani Papa.
Nawala ang ngiti sa labi ko.
"S-sorry, Pa," tanging nasabi ko.
"Wala 'yon. Alam ko rin naman na hindi tayo titira rito habambuhay," aniya at kumuha ng mug para magtimpla ng kape.
Nang tumunog ang takuri ay dinala ko na ito sa banyo upang makaligo na ako.
*************
Nang matapos ang klase ko ay sabay-sabay kami nina Crystal, Ben at Jorgie maglakad palabas ng campus.
"Ang hirap talaga ng nursing," reklamo ni Ben.
"Ngayon ka pa gaganyan kung kailan magiging nurse ka na," ani Jorgie.
"Oo nga," sang-ayon ko.
"Una na ako, nandito na si Mama," ani Crystal.
Tumingin kami sa kaniya at kumaway na siya sa amin sabay sakay sa motor nila.
"Mauna na din kami ni Ben. Mag-aabang ka ng jeep?" tanong ni Jorgie sa akin.
"Oo, may dadaan naman dito, uwian kasi," sabi ko.
Tumango sila. Walking distance lang kasi ang bahay nila kaya sabay sila umuwi at pumasok.
Maglalakad na sana ako patawid ng kalsada pero biglang may bumusina na sasakyan sa tapat ko. Napakunot naman ang noo ko.
"Busina ng busina, nasa tapat ng skwelahan," irita kong sabi at tumapat na sa pedestrian lane.
"MONINA!"
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Boses iyon ni Khayne kaya agad akong napalingon at nakita ko siyang lumabas ng kotse, sa kaniya pala ang kotseng bumusina kanina.
"Khayne?" bulong ko.
Tinuro niya ang kotse at agad siyang pumasok.
"Anong ginagawa niya dito?" bulong ko sa sarili ko.
Tumakbo ako sa kotse niya at sumakay sa passenger seat.
"Ibang kotse na naman?" bungad ko at hinila ang seat belt.
Ngayon ay marunong na ako sumakay ng kotse. Nakakatuwa. Kahit ba nakikisakay lang ako.
"Y-yeah..." naiilang niyang sambit.
"Bakit nandito ka? Hindi ba umuwi ka na ng Maynila kahapon?" tanong ko.
"Masama bang bumalik?"
"Matagal ang byahe, nasa walong oras--"
"I don't care, as long as I can see you," nagulat ako sa sinabi niya.
"H-ha?"
"W-wala. Uuwi ka na, hindi ba?"
Tumango ako. Napahawak ako ng mahigpit sa bag ko.
"I'll drive you home," aniya at hindi tumitingin sa akin.
"Hhmm, bakit bumalik ka? 'yong totoo?" tanong ko.
"I am here to announce that..." pabitin niya.
"Ano?"
"I will no longer sell the land," aniya.
Para bang lumaki ang tenga ko sa narinig ko.
"YES! YEHEY!" sigaw ko.
Sa sobrang tuwa ay hindi ko napigilang hindi yakapin si Khayne.
Naramdaman ko naman ang biglang pag-uga ng sasakyan kaya napalayo ako kaagad sa kaniya.
"Mababangga tayo!" inis niyang sabi sa akin.
"Hala! Sorry naman. Natuwa ako masyado!" sabi ko at napatakip ng bibig. "Hindi mo na talaga ibebenta?"
"Kulit mo, gusto mo bang bawiin ko--" mabilis kong tinakpan ang bibig niya.
"Oo na! Huwag mo na bawiin. Hindi mo na pwede baguhin yung sinabi mo--" hinawi niya ang kamay ko.
Agad niyang pinunasan ang bibig niya.
"Ano ba 'yan, may laway," bulong ko at pinunasan ang kamay ko.
"I already told your family," sabi niya.
"Bakit nagbago isip mo?" tanong ko.
"M-my client had a problem so he will not buy it," aniya.
Napakamot ako sa ulo ko.
"Akala ko naman dahil naawa ka sa amin. Sipain kita diyan e," inis kong sabi at napatingin sa bintana.
Kung hindi nag-back out ang kliyente niya, ibebenta niya pa rin yung lupa? Ganoon ba?
Nang makarating kami sa isla ay nauna akong bumaba dahil nag-park pa si Khayne sa loob ng resort. Sinabi kong huwag niya iwanan sa highway ang kotse.
Pagdating ko sa bahay ay maganda ng mood ni Mama at Papa.
"Anak! Kanina ka pa hinihintay ni Mr. Jallorina, tanghali siya dumating dito at binalita na hindi na niya ibebenta ang isla!" masiglang sabi ni Mama.
"Ha? Hinihintay ako? Tanghali pa lang?" tanong ko.
"Oo, gusto niya daw na siya ang magsabi sa 'yo, kaso may pasok ka kaya naghintay pa siya, sinundo ka ba niya? Sabi niya kasi pupuntahan--" napatigil si Papa sa pagsasalita. "Mr. Jallorina! Tuloy kayo sa munti naming bahay."
Nanlaki ang mga mata ko.
"Salamat po," ani Khayne.
"Nangongo-po ka na?" gulat kong tanong.
Hindi siya magalang kahapon, nagbago bigla.
"Yna!" saway sa akin ni Mama at kinurot ang tagiliran ko.
Napadaing naman ako.
"Uuwi ka na ba kaagad o dito ka magpapalipas ng gabi?" tanong ni Mama.
"Bukas na po ako uuwi ng Manila," sagot ni Khayne.
"Mabuti, baka may gusto kayong ipaluto, magaling magluto ang asawa ko, nang makapaghanda ng hapunan," ani Papa.
Hay naku, napakabibo ni Papa kay Khayne. Mas matanda siya pero mas ginagalang niya si Khayne. Hindi ko na pinansin sila at nagtungo ako sa kwarto namin. Kumuha ako ng damit na daster.
"Pusit? Masarap magluto ang asawa ko noon!"
"Mangunguha na po ako ng mga kahoy, Ma, Pa."
"Samahan mo na ako, Alberto, ikukuha natin ng sariwang pusit itong si Khayne."
Napakunot ang noo ko. Napaka-espesyal naman ng trato nila kay Khayne. Akala mo ay santo na sinasamba nila.
Hinubad ko ang uniform ko.
"Moni--"
"HOY!" napasigaw ako nang makita si Khayne.
Bigla siyang pumasok sa kwarto, kitang-kita ko ang panlalaki ng mga mata niya habang nakatitig sa katawan ko.
"BASTOS!" sigaw ko dahilan para mapatalikod siya.
"SORRY! B-BAKIT BA KASI WALANG LOCK ANG PINTO NG KWARTO NIYO--LALABAS NA AKO!" natatarantang sigaw ni Khayne.
Mabilis akong nagbihis. Nang matapos ako ay pinuntahan ko si Khayne na nasa kubo at nakaupo.
"Khayne," tawag ko.
Tumingin ito sa akin at agad na umiwas ng tingin. Namumula ang mukha nito.
"Nakakainis ka! Nakita mo yung--AAAA bwisit ka!" sigaw ko at saka siya akmang sasampalin pero hinawakan niya kaagad ang kamay ko.
"It's an accident!" aniya.
"Mamboboso," inis kong sabi.
Napabuntong hininga siya.
"Look, wala akong intensyon sa katawan mo. I have seen lots of bodies before," aniya.
Nanlaki ang mga mata ko at napayakap sa sarili ko.
"Jina-judge mo ba 'yong katawan ko?" tanong ko at tinaasan siya ng kilay.
"N-no--it's not like that!" sigaw niya.
Inirapan ko siya. Naglakad na ako patungo kay kuya na may dalang batya na may lamang balat ng buko.
"H-hey! Monina!" tawag sa akin ni Khayne pero hindi ko siya pinansin.
"Meron pa ba?" tanong ko kay kuya.
"Oo, madami pa. Mga binilad ko kahapon," aniya nang madaanan ako.
Nagtungo ako sa bilaran namin ng mga balat ng buko saka kumuha ng plastik para ipunin ito.
"Ako na," biglang sabi ni Khayne mula sa likod ko.
Tinaas niya ang long sleeve niya hanggang siko at nagsimulang pumulot ng balat ng buko.
"Wala kayong parang black? Ginagamit do'n 'yon. Sinusunog."
Napakunot ang noo ko.
"Uling?" tanong ko.
"Yes, uling. Why don't you use that?"
"Nandito na nga 'tong mga buko, maghahanap pa ba ng iba? Hindi na kailangan gumastos para sa uling," sabi ko.
Napatango lang siya at binuhat na ang plastik. Kumuha ako ng mga natirang kahoy at dinala iyon.
"You shouldn't carry heavy--"
"Kaya ko, ako pa," sabi ko at inunahan si Khayne maglakad.
*************************