Chapter 6 Khayne's P. O. V Nakatitig lang ako kay Monina na ngayon ay nagsusulat sa buhangin sa dalampasigan. Naupo naman ako sa buhangin at dinama ang malamig na hangin kasabay ang hampas ng alon. "Monina," tawag ko. Madilim na at ang malaki na buwan ang nagbibigay ng liwanag. Full moon ito at sobrang ganda pagmasdan. "Bakit?" tanong ni Monina saka tumayo at lumapit sa akin. Napangiti ako nang umupo siya sa tabi ko. "Nothing, what did you wrote?" tanong ko at sinilip ang sinulat niya. Bumilis naman ang t***k ng puso ko nang makita ang pangalan ko roon. "Khayne. Tama naman ba ang spelling?" Napatingin ako sa kaniya. As usual, she's smiling like an angel. Ang mood niya ay tila ba walang pinoproblema sa mundo, siguro ay dahil bata pa siya. She's only e