Chapter 9 Monina's P. O. V Napahawak ako sa labi ko, sobrang lakas ng t***k ng puso ko habang inaalala kung paano ako halikan ni Khayne. "Masusunog ang kanin!" saway ni Mama sa akin sabay pitik sa tenga ko. "Aray! Ma!" daing ko at napahawak sa tenga ko. Kinuha ni Mama ang isang pirasong kahoy at nilusot sa handle ng kawali saka ito inangat. Sinilip ni Mama ang kanin. "Malapit na 'yan! Tanggalin mo na ang apoy, pabagaan mo na lang," ani Mama sabay abot sa akin ng kahoy. Mabilis akong tumango at yumuko para tignan ang mga kahoy. Tinanggal ko ang mga kahoy na umaapoy. Tanging may baga lamang ang itinira ko. "Monina!" sigaw ni kuya Steven sa hindi kalayuan. Patakbo itong lumapit sa akin. "Oh? Bakit?" tanong ko. "'Yung nobyo mo, pinagkakaguluhan doon