Chapter 8

1138 Words

Chapter 8   Monina's P. O. V Nang magising ako ay napangiti ako nang makita ang message ni Khayne sa akin. Isang linggo na ang nakakalipas, tanging text ang komunikasyon naming dalawa. Dahil pareho kaming busy ay sa gabi na lamang kami nakakapag-call, bago matulog.   "Oh, ang ganda naman ng ngiti mo, Yna," bati ni Papa nang makita ako.   Tumayo ako sa papag at nag-inat ng buto-buto.   "Uuwi si Khayne mamaya!" masaya kong sabi.   "Uuwi?" ani Kuya.   "Uuwi sa 'yo?" nakakalokong sambit ni Papa.   Pakiramdam ko naman ay namula ang mukha ko sa pang-aasar nila sa akin.   "Pa! Hindi pa nga natin kabisado ang Khayne na 'yan tapos sinusulsulan mo si Yna sa kaniya," inis na sabi ni Kuya.   "Mas strikto pa ang kuya mo kaysa sa Papa mo ha," kumento ni Mama na nagliligpit ng pinaghig

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD