Chapter 10 Khayne's P. O. V Lumipas ang ilang buwan. Naging stable ang pasikreto naming relasyon ni Monina kahit ba hindi na ako madalas nakakabalik sa isla ay naiintindihan ako ni Monina. Ako na din ang sumusuporta sa pag-aaral niya para hindi na mahirapan ang magulang niya. Seryoso na ako kay Monina, siya ang gusto kong makasama habambuhay. Hindi pa lang ako makakuha ng tyempo pero balang araw ay maisisigaw ko sa buong mundo na si Monina ang nilalaman ng puso ko. Pumasok bigla si Dad sa opisina ko kaya agad kong pinatay ang cellphone kong si Monina ang wallpaper. "KHAYNE!" sigaw ni Daddy at hinampas ang table ko. Nainis naman ako sa inasta nito kaya napatayo ako. "BAKIT NGAYON KO LANG NALAMAN NA HINDI NATULOY ANG PAGBENTA MO NG LUPA SA GUIMARAS!?" sigaw nito.