"Ah, ewan ko sayo." Sabi ko saka nagmamadali na humiga at tumalikod na sa kanya.
"Bwisit na lalake talaga ito." Bulong ko sa isip ko habang nakapikit. Pinakiramdaman ko siya. Narinig ko na huminga siya ng malalim maya maya may narinig na akong kausap ito sa phone niya. Nakatulugan ko na lang siya.
Kinabukasan umaasa ako na si Lola Amor na ang bantay ko. Kaya napangiti ako ng bumukas ang pintuan. Pero agad ding nawala ng makita ang pumasok at may dala ng tray ng pagkain ko.
"Buti naman gising kana. Kumain kana kung may kailangan ka sabihin mo lang." Sabi niya saka nilapag ang pagkain sa lamesa na malapit sa akin. Hindi ako umimik. Naupo na siya sa sofa na nasa kabilang side ng kwarto. Napatingin ako sa pagkain na nasa tabi ko. Ng aktong tatayo ako napakislot ako ng makaramdam ako ng kirot. Nagulat ako ng may humawak sa balikat ko.
"Bakit hindi mo sinabi na hindi mo pa kayang kumilos." Sabi niya sa akin. Saka tinulungan niya akong humiga uli. Inis na tuningnan ko na lang siya. Inadjust niya ang higaan ko saka niya kinuha ang maliit na mesa nilagay niya sa harap ko bago niya nilagay ang tray ng pagkain.
"Kaya mo bang kumain magisa?" Tanong niya sa akin. Tumango na lang ako. Kasi naiilang ako sa kanya. Hangat maari ayaw kong lalapit siya sa akin. Tiningnan niya ako nagsimula na akong kumain.
Huminga siya ng malalim.
" Kung may kailangan ka tawagin mo lang ako. " Sabi niya sa akin. Tumango na lang ako. Bumalik na siya sa kinauupuan niya kanina.Lihim ko na lang siyang pinagmasdan. Nakita ko na nagbasa ito ng news paper habang umiinom ng kape.
" Talaga bang fiance ko siya? " Bulong ko sa isip ko. Kasi pakiramdam ko pareho lang kaming napipilitan na pakisamahan ang bawat isa. Ng makita kong lilingon siya sa akin. Agad na binaling ko ang paningin ko sa pagkain ko. Ng matapos akong kumain. Kukunin ko na sana ang tray para ilagay sa lamesa na nasa tabi ko ng may maunang kumuha nito sa harap ko.
"Ako na. Wag ka ng kumilos."Sabi niya sa akin. Napatanga na lang ako sa kanya. Magsasalita pa sana ako ng tumunog ang phone niya. Nagpaalam siya sa akin. Saka lumabas ng silid ko. Tiningnan ko na lang siya habang palabas ng silid. Natapos ko ng basahin ang mga magazine na nasa tabi ko hindi parin siya bumabalik. Hangang sa nakatulugan ko na lang.
Nagising ako na may ibat ibang libro na nasa tabi ng mesa ko. Natuwa ako dahil sa wakas may mababasa na akong iba. Sa totoo lang mahilig talaga akong magbasa.
"Naku ma'am Alona, gising na po pala kayo. Ano pong gusto niyong kainin? Sabi po kasi ni Sir Kian tanungin ka daw namin kapag nagising ka." Sabi ni Pat sa akin ng pumasok sila ni Tintin. Nakahinga ako ng maluwag ng sila ang makita ko. Ibig sabihin hinfi na siya ang makakasama ko.
" Ayos lang Pat hindi ako nagugutom. " Sabi ko dito.
" Naku hindi po pwede yun baka pagalitan kami ni Sir. Kabilin bilinan niya na pakainin ka daw namin pag nagising ka." Sabi nito. Huminga ako ng malalim.
" Sige kahit ano na lang. Lahat naman kinakain ko. " Sabi ko sa kanila.Ngumiti sila sa akin. Tumawag sila sa telepono na nasa gilid.
"Salamat at dinalahan niyo ako ng mga libro. Nagsasawa na ako sa mga magazine." Sabi ko sa kanila habang kumakain ng sandwich na inorder nila.
"Naku ma'am hindi po kami ang may dala niyan si Sir po dala niya po yan kanina ng bumalik siya kaso tulog pa kayo." Sabi nito. Hindi na lang ako umimik.
"Sabi niya baka daw po nanawa na kayo sa kakabasa ng mga magazine kaya dinalahan niya kayo ng mga libro. pansin niya daw po na mahilig kayo magbasa." Sabi uli ni Pat. Hindi ko alam na pinagmamasdan niya ako.
"Masyadong nagaalala sa inyo si sir. Nagdala pa siya ng magbabantay sa inyo magdamag." Sabi nito uli napatingin ako sa kanya.
" Magbabantay? " Tanong ko sa kanya.
" Opo nagpadala po siya ng mga tauhan kay sir Reeve." Sabi uli nito.
" Kung ganun naniwala na din siya na may pumasok nga dito nung nakaraan. Kaya pala hindi siya masyadong masungit kanina." Bulong ko sa isip ko.
Ilang araw na hindii nagpakita sa akin si Kian. Si lola Amor ang lagi kong kasama. Kaya natuwa ako.Tinanggal na ang Catheter sa akin. Nagising ako na naiihi ako. Kailangan ko ng tumayo at pumunta sa banyo kaso hirap parin akong kumilos dahil naka benda pa ang kamay ko. Napatingin ako sa higaan sa tabi ko. Wala si lola.
"Siguro lumabas siya. Pano bato naiihi na ako." Bulong ko. Kaya nagpilit akong tumayo. Saktong nakakatayo ako ng madulas ang kamay ko na nakahawak sa gilid ng kama. Masosob sana ako pero imbis na sa sahig ako bumagsak sa matigas na dib dib ako napasob sob. Nabigla ako sa nangyari kaya hindi ako nakakilos agad.
"Bakit kasi hindi ka tumatawag ng tutulong sayo. Balak mo palang tumayo. Saka bakit ka tumayo saan mo na naman balak pumunta?" Inis na sabi niya. Doon ko lang napansin na nakayakap siya sa akin. Agad na naitulak ko siya pero hawak niya ako ng mahigpit.
"Pwede bang kumapit ka. Baka mamaya matumba ka pa ng tuluyan bumukas uli yang mga sugat mo." Sabi niya. Saka itinayo niya ako ng maayos. Huminga na lang ako ng malalim.
"S..Sorry nababanyo kasi ak Top o." Sabi ko habang hindi ako makatingin sa kanya. Naiilang ako sa ayos namin. Huminga siya ng malalim.
"Kaya mo bang maglakad?" Tanong niya sa akin. This time kalmado na siya pero nakakunot parin ang noo niya. Hindi ako agad nakaimik pero ng aktong kakargahin niya ako nataranta ako.
"Hindi! A.... Ang ibig kong sabihin kaya kong maglakad." Sabi ko sa kanya. Tumango siya saka inalalayan niya ako na maglakad papunta sa banyo. Pagpasok ko saka lang ako nakahinga ng maayos. Palagay ko na sosuffocate ako habang nakadikit siya sa akin. Ang lakas ng t***k ng puso ko. Napahawak ako sa dib dib ko.
"Tawagin mo ako pag tapos kana." Sabi niya sa akin sa labas ng pintuan. Huminga ako ng malalim saka ako nagdahan dahan sa pagkilos ko.
"Haays, bakit ba kasi siya pa ang nagbabantay sa akin ngayon." Bulong ko saka napapikit na lang.