Nagising ako na nasa higaan na ako.
"Buti naman at gising kana. Saan mo ba balak pumunta? Akala mo ba makakalayo ka sa lagay mo na yan?" Sabi ng lalake na nasa tabi ng higaan ko. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa akin. Napakunot ang noo ko.
"Sino ba tong lalake na ito?" Bulong ko ng maalala ang nangyari sa akin. Nagibg alerto ako. Aktong tatayo sana ako ng makaramdam ako ng kirot sa tiyan ko. Napahawak ako dito. Napakunot ang noo niya.
"Wag mong sabihin na nararamdaman mo ngayon ang sakit samantalang kanina gusto mo pang lumabas kung hindi ka lang nawalan ng malay baka nakalayo kapa." Inis na sabi nito. Napakunot ang noo ko. Nais ko sana siyang sagutin pero sobra talagang kirot ng sugat ko. Huminga siya ng malalim saka pinindot ang botton. Maya maya nagdatingan na ang mga doctor at Nurse.
"Hindi ba pwedeng dagdagan ang dosage ng pain reliever niya?" Sabi nito sa doctor ko.
"Pasensiya na Sir pero hindi na natin pwedeng dagdagan ang dosage na pangpakalma na binibigay ko sa kanya."
" Kung ganun pwede bang palitan niyo kasi parang walang epekto namimilipit parin siya sa sakit." Sabi nito uli.
" Pinalitan ko na po ang pain reliever na tinurok ko sa kanya. Kapag kumirot parin ang sugat niya mamaya pabibigyan ko na lang siya uli ng Pill. " Sabi ng doctor.
" Kumusta na ang pakiramdam mo? " Tanong sa akin ng doctor ng lumapit ito sa akin.
" Ayos na po doc. " Sagot ko dito. Medyo kumalma na ang sakit.
" Natural lang na sasakit yan kasi bumukas uli ang sugat mo dahil sa pwersahang pagkilos mo. Kaya hangat maari bawal kang magkikilos kung hindi rin naman talaga kailangan. Kinabitan ka namin ng folley catheter. Para hindi mo na kailangan tumayo para sa pagihi mo." Sabi niya sa akin. Tumango ako sa kanya. Nagpaalam na ito sa amin.
" Bakit kaba kasi bumaba sa higaan mo kanina? " Tanong ng isang lalake. Napalingon ako dito ngayon ko lang siya napansin. Naalala ko may dalawa nga palang lalake ang dumating kanina bago ako mawalan ng malay.
" Kung ganun sila yun." Bulong ko sa isip ko. Huminga ako ng malalim saka kwenento ang nangyari kanina. Ngumise ang lalake na nasa tabi ng kama ko.
"Pano mangyayari yun samantalang wala naman kaming nakita na nanggaling dito na tao. Tanging nakita namin ikaw na palabas ng pintuan." Sabi nito saka nakakunot ang noo nito na nakatingin sa akin.Hindi ako nakaimik. Napapaisip ako sa sinabi niya.
"Pano nangyari yun? Samantalang kalalabas niya lang sa pintuan ng dumating sila." Bulong ko sa isip ko.
Nagpaalam ang isang lalake sa amin. Lumabas ito ng silid. Nakaramdam ako ng pamimigat ng talukap dahil siguro sa gamot na tinurok sa akin.
Nagising ako na ang matanda na uli ang kasama ko. Wala na ang dalawang lalake.
"Kumusta na iha ang pakiramdam mo?" Tanong nito sa akin.
"Ayos na po." Sagot ko dito. Inangat niya ang higaan ko.
"Nagugutom kana ba? Ipapakuha ko na ang pinaluto ni Kian na sabaw. Pinaluto niya yun kanina kaso hindi kapa nagigising kaya binilin niya na lang na ipakain sayo pag nagising ka na." Sabi niya sa akin.
" Nandito si K.. Kian? " Tanong ko sa kanya.
" Oo iha, dumating siya kanina dito kasama niya ang pinsan niyang si Reeve. Hindi ba kayo nagkausap? " Tanong ng matanda sa akin. Napaisip ako.
" Kung ganun siya pala yung masungit na yun." Sabi ko. Natawa ang matanda.
" Kung ganun nagkita na nga kayo." Sabi ng matanda na tumatawa.
" Talaga bang ganun yun lola. Parang pinaglihi sa sili at sa sukang paumbong." Sabi ko sa matanda natawa ito sa sinabi ko.
"Bakit naman sa sili at sa sukang paumbong mo naisip na pinaglihi ang fiance mo? " Tanong niya sa akin.
" Pano kasi mainit agad ang ulo niya parang pag nakakain ka ng sili umiinit ang pakiramdam mo kaya kailngan mong uminom ng tubig. Suka naman kasi laging hindi maipinta ang mukha niya. Kahit sino ang kausap niya lagi na lang nakaganito ang mukha niya. " Sabi ko saka ginaya ang pagkakakunot ng kilay ni Kian. Tawa ng tawa ang matanda.
" Naisip ko tuloy ngayon. Pano ko kaya siya nagustuhan. Hindi kaya ako natakot sa kanya kaya sinagot ko siya at pumayag ako na magpakasal sa kanya. " Sabi ko uli sa matanda. Tawa uli ng tawa ang matanda.
" Haay, ikaw talagang bata ka. Hindi mo talaga naalala ang fiance mo. Kasi hindi mo nga alam kung pano ka napasagot niya. " Sabi ni lola Amor na natatawa parin sa akin.
" Hindi nga lola. Iniisip ko kung saang banda ko nagustuhan si Kian? " Tanong ko uli dito. Natawa ito.
" Bakit hindi kaba na gwagwapuhan sa kanya? " Tanong nito sa akin. Napaisip ako inalala ko kung ano ang itsura niya.
"Gwapo naman po siya mukha nga po siyang model diyan sa mga magazine ay hindi pala mas gwapo pa pala siya diyan sa mga model diyan." Sabi ko na seryoso. Totoo naman talaga yun sa totoo lang ng makita ko siya lumakas agad ang t***k ng puso ko.
" Ganun naman pala e. Baka yun ang dahilan kung bakit napasagot ka niya." Sabi ng matanda na natatawa sa akin.
" Pero nakakatakot talaga siya pag tumingin lola. Lalo na kapag nagsasalita. Ni hindi nga po ngumingiti." Sabu ko uli dito. Natawa uli ang matanda.
" Bakit ano ba ang nangyari ng magkita kayo? " Tanong niya sa akin. Nagkwento ako sa matanda. Napatakip ito sa bibig niya.
" Talaga ganun ang nangyari? Kaya pala nagtataka ako kung bakit puno ng bantay sa labas ng silid mo ng dumating ako kanina." Sabi niya. Napatingin ako sa kanya.
" Kaya pala kasi ganun pala ang nangyari. Maaring nagalala lang yun sayo. " Sabi ni lola Amor sa akin.
" Pero parang hindi naman ganun ang ang tingin ko sa mga sinasabi niya lola. Parang pinaparatangan niya ako na tatakas. " Sabi ko uli sa matanda.
" Bakit niya naman iisipin yun. Saka saan ka naman pupunta e hindi mo nga naalala kung sino ka. Yung bahay mo pa kaya. " Sabi ng matanda. Hindi ako umimik dahil totoo naman wala talaga akong naaalala maliban sa pangalan ko.
" Haay, wag mo na ngang isipin ang apo ko na yun ganun talaga ang ugali nun. Pero mabait yun. Matigas lang ang ulo pero mabait yun. Makikita mo makikilala morin siya. " Sabi ng matanda sa akin. Hindi na lang ako umimik. Dahil kung ako ang tatanungin ayoko ng makita siya. Sa totoo lang nagtataka talaga ako kung papano ko siya naging fiance. Dahil sa tingin ko hindi kami magkakasundo nun.
Wala kaming ginawa kundi magkwentuhan ni lola Amor. Kung ano ano lang ang kwenekwento niya sa akin.
Tawa siya ng tawa sa akin.
" Nakakatuwa ka talaga kausap. Hindi ako naiinip pag nandito ako sa hospital." Sabi nito. Pagdating ng hapon sinundo ito ng driver niya akala ko sila Pat ang papalit na magbabantay sa akin. Pero laking gulat ko ng makita si Kian. Kausap nito ang doctor ko sa labas ng silid ko.
"Tingnan mo ang lalaking to. Nakakunot na naman ang noo. Para talagang pinaglihi sa sukang paumbong." Bulong ko habang nakatingin sa magazine.
"Bakit gising kapa? Dapat nagpapahinga kana diba para mabilis ang pag galing ng mga sugat mo." Sabi nito na ikinagulat ko.
"Ay lalaking kamukha ng suka!" Sabi ko saka nabitawan ang magazine na hawak ko. Napatingin ako sa kanya. kagaya ng inaasahan ko nakakunot na naman ang noo nito.
"Hindi pa ako inaantok." Sabi ko na lang.
"Pano ka aantukin ung ano ano ang ginagawa mo. Diba sinabi na sayo na bawal kang magkikilos." Inis na sabi nito.
"Hindi ko alam kung bakit mainit ang ulo nito sa akin. Nagtataka talaga ako kung papano ko naging fiance ito.Dahil sa tingin ko may lihim na galit ito sa akin. Hindi kaya nagbreak na kami nito bago pa sumabog ang condo niya? " Bulong ko sa isip ko. Huminga ako ng malalim.
"Kaya nga hindi ako tumatayo at nagkikilos para hindi na dumugo ang sugat ko." Sabi ko dito.
"Kaya pala hawak mo ang magazine. Wag mong sabihin na may kakayahan kana na palapitin ang mga bagay sayo." Sarkastiko na sabi nito. Inis na tiningnan ko ito.
"Pag sinabi ko na Oo maniniwala ka ba? Hindi diba. Kasi sa mga kwento lang yun nangyayari. Hindi ko alam na mahilig ka pala sa mga fantasy novel. Pasensiya na hindi ko kasi naalala kung ano ang mga hilig mo. Sa totoo lang iniisip ko pa nga kung papano kita naging fiance. Kasi sa tingin ko.." Sabi ko hindi kona natuloy pa ang iba ko pang sasabihin ng makita na titig na titig siya sa akin habang nakakunot ang noo. Ang lakas ng t***k ng puso ko.
"Sa tingin mo ano?" Tanong niya sa akin na seryosong seryoso. Napalunok ako. Lumakad siya papalapit sa akin. Kinabahan ako.