***XIAN POV#***
"Xian!" Tawag sa akin ni Lola ng makita niya ako. Sinundo ako ng pinsan kong si Reeve sa airport nagderetso na kami dito. Biglaan ang paguwi ko ng pilipinas dapat sa susunod na buwan pa ang pagbalik ko pero nakatangap ako ng tawa galing kay lola na may masamang nangyari sa kapatid ko.
Agad na yumakap sa akin ang lola ko habang umiiyak.
"Wala na ang kapatid mo Xian, wala na si Kian iniwan na niya tayo." Sabi ni lola habang umiiyak sa dib dib ko. Naikuyom ko ang kamao ko.
"Anong nangyari Lola?" Tanong ko habang nakatingin ako sa bangkay ng kapatid ko na hindi na makilala dahil sunog na sunod ito.
""Nagpaalam daw siya sa assistant niya na icancel ang mga meeting niya sa mga susunod na araw dahil nais niyang sorpresahin ang girlfriend niya sa anniversary nila at pinaready ang flight niya papunta dito sa maynila." Sabi ni Zuriel ang isang pinsan ko. Private lawyer siya ni Kian
" Nalaman na lang namin sa balita na sumabog ang condo niya dito sa makati at nakita na nahulog mula sa bintana nito ang katawan ng fiance niya at natagpuan ang bangkay niya sa loob ng condo na sunog na sunog." Sabi naman ni Reeve. Naikuyom ko ang kamao ko.
"Nasaan ang fiance niya?" Tanong ko sa kanila.
"Nasa ospital siya ngayon." Sabi ni Zuriel.
"May nalaman ba kayo?" Tanong ko uli.
"Wala kaming nakuhang ebedensiya na magtuturo sa suspect. Nasunog lahat. Malakas na pampasabog ang ginamit nila na naging dahilan ng pagkasunog ng buong palapag." Sabi ni Reeve.
"Meron ba siyang nakalaban sa negosyo na hindi ko alam?" Tanong ko kay Zuriel.
"Ang alam ko walang problema ang negosyo niya. Maganda ang takbo nito." Sagot ni Zuriel.
" Saka walang nakakakilala kay Kian maliban sa atin. Hindi pa siya lumalabas sa pobliko. Kahit ang mga Shareholders ng kompanya hindi lahat nakakakilala sa kanya. Kalaban pa kaya niya. Kaya papano siya gagalawin ng mga ito. " Sabi ni Zuriel.
Dahil laging ito at ang assistant ni Kian ang humaharap sa mga media at sa mga investor. Bilang private lawyer ni Kian.
"Kung ganun sino ang gumawa nito sa kapatid ko?" Bulong ko sa isip ko. Hinawakan ako sa balikat ni Reeeve.
"Anong plano mo ngayon?" Tanong nito sa akin.
"Aasikasuhin ko muna ang libing niya." Sabi ko sa kanila. Tumango sila.
"Zuriel asikasuhin mo ang paglilibingan niya. Gusto ko pamilya lang makakaalam at hindi ito malaman ng iba." Sabi ko sa kanya. Tumango siya.
"Anong binabalak mo apo?" Tanong ni lola sa akin.
"Sa ngayon lola hindi ko pa alam kung saan ako maguumpisa. Nais kong mahanap kung sino ang gumawa nito kay Kian. Pagbabayrin ko siya ng mahal lola." Sabi ko kay lola. Habang nagtatagis ang bagang ko. Niyakap ako ng lola ko.
Naiayos agad ang burol ng kapatid ko. Kagaya ng nais ko pamilya lang ang nakakaalam ng nangyari.
Tahimik lang ako sa tabi ng kabaong ng kapatid ko.
" Kung hindi pa mamatay ang kapatid hindi pa magpapakita. " Sabi ng isa sa mga kamaganak namin.
" Sssh. Tumigil ka nga. " Sabi ng isang uncle ko.
" Bakit totoo naman ang sinasabi ko. Namatay na lahat lahat ang hipag ko hindi man lang siya nagpakita. Tapos ngayon akala mo kung sino siyang nagluluksa sa tabi ng kabaong ni Kian. Samantalang hinayaan niya lang itong magisang balikatin ang lahat ng responsibilidad ng pamilya nila. " Sabi ng isang Auntie namin. Hindi ako umimik. Naiintindihan ko kung bakit sila nagagalit sa akin. Dahil kahit ako nagagalit din ako sa sarili ko. Hindi ko mapatawad ang sarili ko sa nangyari sa kapatid ko. Dahil kung nakauwi lang ako agad. Sana buhay pa siya. Hinawakan ng Lola ko ang kamay ko.
"Wag mo na lang sila pansinin." Sabi nito. Huminga na lang ako ng malalim. Maliban sa mga pinsan ko at kapatid isa si lola na nakakaintindi at nakakakilala sa akin. Kahit ang magulang ko galit sa akin. Kilala ako bilang black ship sa pamilyang Villa real. Dahil puro gulo lang ang dala ko sa kanila. Kaya nga nung magpakalayo layo ako. Hindi ko na ginamit ang Villa real para hindi na sila madamay sa mga ginagawa ko. Tinapik ako sa balikat ni Primo.
"Condolences, Pasensiya na nasa business trip ako nung araw na yun." Sabi nito. Isa ito sa sikat na sikat na binatang businessman maliban sa kapatid ko. Kung Real state ang business ng kapatid ko. Sikat naman ang business nitong Construction and designs.
"Ayos lang wala namang nakakaalam na mangyayari sa kanya yun. Kahit ako wala rin sa tabi niya nung oras na yun." Sabi ko dito. Tinapik niya ang balikat ko. Saka naupo sa tabi ko.
Pinagmasdan ko ang mga tao na dumarating.
Ng may makita ako na hindi ko kilala.
"La, sino sila?" Tanong ko kay lola.
"Ahh, kapatid ng mama mo. Galing pa sila ng probinsiya. Dumating sila nung mamatay ang mga magulang mo. Hindi ko na sila pinabalik dun para may makasama ang kapatid mo sa mansion." Sabi ni lola. Tumango ako. Naalala ko nga pala na may na bigkas na kamaganak si Kian sa akin. Dumating daw ito noong nakaburol ang mga magulang ko. Nagpaalam si lola na pupunta ng ospital. Siya ang personal na nagaasikaso sa fiance ni Kian dahil hindi namin kilala ang pamilya nito. Ang tangi ko lang alam ulila narin ito kagaya namin. Maliban dun wala na. Saka pinababantayan ko din siya kay lola dahil siya lang ang tangi naming witness sa pagkamatay ng kapatid ko at number one ding suspect.
"Sila pala yun." Bulong ko. Nakita ko na tahimik ang mga ito halata na galing ng probinsiya. May anak sila na may sakit sa pagiisip.
"Kanina ka pa tahimik?" Tanong sa akin ni Reeve ng lapitan niya ako.
"Iniisip ko lang. Walang ibang nakakakilala sa kapatid ko maliban sa mga tao na narito." Sabi ko sa kanya. Tiningnan niya ang mga bisita.
"Kaya pala kanina mo pa sila tinitingnan." Sabi niya sa akin. Uminom ako ng wine.Tiningnan niya isa isa ang mga tao.
"Wala namang nakakaalam na pumunta siya sa condo niya noong araw na yun maliban sa assistant niya at kay Zuriel." Sabi ni Reeve. Napatingin ako dito.
"Pero alam ko na walang kinalaman si Vince dito. Dahil nasa opisina siya noong araw na yun iniwan siya ni Kian para asikasuhin ang naiwan niyang gawain. " Sabi uli nito. Huminga ako ng malalim.
Ilang araw lang naming binurol ang kapatid ko nilibing din namin agad ito hindi man lang ako kinausap ng mga kamaganak namin. Inaasahan ko na yun.
" Anong balak mo ngayon? " Tanong ni Zuriel sa akin.
"Balak kung magpangap na si Kian." Sabi ko sa kanila. Napatingin sila sa akin.
"Pano mangyayari yun e kilala nila si Kian?" Tanong ni Neal sa akin.
" Naisip ko kasi tayo tayo lang ang nakakakilala sa kapatid ko. Maliban sa fiance niya. Imposibleng iisa sa atin ang gumawa nito sa kapatid ko.Galit man sa akin sila tita at tito alam ko na hindi nila pababayaan si Kian. Kung ibang tao ang gumawa ibig sabihin kilala niya ang kapatid ko at may motibo siya kung bakit niya ginawa. Oras na magpangap ako na si Kian siguradong magtataka siya. Nais ko ding malaman kung sino pa ang nakakakilala sa kapatid ko maliban sa atin. Dahil doon malalaman natin kung sino sino ang maaring maging suspect." Sabi ko sa kanila. Napaisip sila sa sinabi ko.