Pumasok na ako sa bahay. nakita ko si lola Amor.
"O,Iha nandiyan ka pala nagalmusal kana ba?" Taanong ni lola sa akin.
"Hindi papo lola." Sagot ko dito niyaya ako nito sa tabi ng poll pinaupo niya ako sa isang bangko. Doon na ito nagpahain ng almusal namin.
"Kanina pa kita hinahanap sabi kasi ni Pat nakita ka daw nila na lumabas ng bahay." Sabi ni lola Amor sa akin. Tumango ako sa kanya.
"Naglakad lakad po ako sa labas. Napad pad po ako sa kwadra marami po palang kabayo dito." Sabi ko kay lola habang nagpapalaman ng tinapay.
"Ay. Oo. Parehong mahilig sa kabayo ang magkapatid na Kian at Xian. nagmana sila sa Papa nila." Sabi ni lola Amor.
"Mahilig ka rin ba sa kabayo?" Tanong ni Lola sa akin.
"Siguro po. Kasi natuwa po ako ng makita ko po ang mga kabayo sa likod bahay." Sabi ko kay lola Amor.
"Maamo naman ang mga kabayo diyan, maliban kay Max si Xian lang ang kilala ng kabayo na yun. Masyadong mailap ang kabayo na yun. Kaya bihira lang mailabas sa kwadra. Dahil si Kian lang ang nakapagpapasunod dun maliban kay Xian. Pero madalas talaga moody ang kabayo na yun. kaya magiingat ka sa kabayo na yun." Sabi ni lola Amor sa akin.
"Para pala yung isang tao dito." Bulong ko sa isip ko.Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain ng dumating ito.
"O Kian, buti dumating kana kumain kana." Sabi ni lola Amor dito. Tumingin ito sa akin saka naupo sa tabi ko. Tinawag ni lola Amor ang mga katulong nagpahain pa ito ng pagkain para kay Kian.
"Gusto ko sanang bisitahin ang hacienda ngayon. Maari mo ba kaming ipagdrive?" Sabi ni lola Amor dito.
"Sino po ang kasama niyo?" Tanong niya kay lola.
"Gusto ko sanang isama si Alona. Para makita niya ang Hacienda." Sabi ni lola Amor. Tumango ito. Hindi na ako nakatutol. Nagbihis na ako pagkatapos naming kumain.
Pagdating namin sa Hacienda. May sumalubong sa amin. Na isang mayedad na lalake.
"O mang kanor kumusta na po dito?" Tanong ni lola dito.
" Ayos naman po Dona Amor."Sagot nito.
"Siya nga po pala nandito po si sIr Primo. Dumating po kanina." Sabi nito uli.
"Nandito po seniorito Primo?" Tanong niya.
"Opo seniorito." Sagot nito.
"Nasan po siya mang Kanor?" Tanong nito .
"Nagiikot po sakay ng kabayo niya." Sagot uli nito.
"Kung pupuntahan mo siya bakit hindi mo isama si Alona para makapasyal dito." Sabi ni lola Amor. Gusto ko sanang tumutol sa sinabi ni lola Amor. Pero tumingin siya sa akin. Isa pa iniwan na kami ng mga ito. Niyaya na ni lola Amor ang matandang lalake. Tinawag niya ang isang lalake. Nagpakuha siya ng kabayo dito.
" Marunong kaba sumakay ng kabayo?" Tanong niya sa akin.. Tumango ako. Naalala ko pa kung papano sumakay sa kabayo. Dumating na ang lalake na may dalang dalawang kabayo. Isang puti at isang kulay brown. Linapitan ito ni Kian. Binigay niya sa akin ang kulay brown.
hindi ko na hinintay na alalayan niya pa ako. Walang kahirap hirap na sumakay ako sa kabayo. Napakunot ang noo niya. Nilingon ko siya.
"Titingnan mo na lang ba ako?" Tanong ko sa kanya.
"Kailan ka pa natutong sumakay ng kabayo. Tanong niya sa akin.
" Malay ko. Hindi ko nga naalala kung paano ako natutong sumakay ng kabayo kailan pa kaya. " Sabi ko sa kanya. Huminga siya ng malalim. Bago sumakay sa kabayo niya. Pinatakbo ko na ang kabayo ko. Nauna siya sa akin. Sinisundan ko lang siya. Bawat dinadaanan namin napapatingin sa amin. Pero parang walang pakialam ang kasama ko. Tinitingnan ko siya. Nalilibang naman ako sa mga puno na nakikita ko. Huminto kami sa isang lugar. May kinausap siya na lalake. Tinuro nito ang manggahan. Pinatakbo niya uli ang kabayo niya sumunod lang ako sa kanya. Pagdating namin dun. Nakita nakita ko na nilapitan niya ang lalake na nakasakay din sa kabayo. Nagbatian sila nito. Saka tumingin ito sa akin. Gwapo din ito. Kapareho din ni Xuan seryoso din kung makatingin.
"Si Alona. Alona si Primo pinsan ko." Pakilala niya sa amin.
"Hi! Nice to meet you." Sabi nito. Nginitian ko lang siya. Nagusap sila ni Kian.
"Buti naisip mo na bumisita dito. Mga bata pa tayo ng huli mong pagbisita dito." Sabi ni Primo sa kanya.
"Kaya pala hindi siya kilala ng mga tao dito." Bulong ko sa isip ko. Tinawag ni Primo ang isang lalake may sinabi ito dito.Umalis ito.
"Buti sinama ka ni Kian dito." Sabi niya saka tumingin kay Kian.
"Sa totoo lang si lola Amor ang nagsama sa akin dito." Sabi ko sa kanya. Tumawa si Primo.Lumapit sa akin ang isang lalake at binigyan ako ng buko. Nagpasalamat ako dito. Inikot pa nila ako sa taniman. Kahit saan kami pumunta binabati kami ng mga tauhan. Ng hacienda. Nagtataka sila kung sino kami. Hapon na kami umuwi may mga dala kaming mga prutas.
"Nag enjoy ka ba sa pagiikot sa Hacienda iha?" tanong ni lola Amor sa akin. Opo lola.
"Inikot kaba nila Kian at Primo?" Tanong niya uli sa akin.
" Opo lola." Sagot ko sa kanya.
"Mukhang maayos naman po ang Hacienda wala naman pong problema." Sabi ni Kian.
"Sa ngayon wala namang problema. maayos naman ang lahat." Sabi ni Lola.
Nakikinig lang ako sa kanila Habang nakatingin ako sa labas. Dumaan kami sa isang restaurant dito na kami kumain.
Dahil sa pagod sa kakabayo nakatulog ako. Nagising ako na parang nakalitang ako. Laking gulat ko ng pagdilat ko buhat buhat ako ni Kian.
"Ano bang ginagawa mo? Ibaba mo nga ako." Inis na sabi ko sa kanya.
"Buti naman at gising kana." Sabi niya at nilapag niya ako.
"Bakit mo ba kasi ako binuhat?" Inis na tanong ko dito inayos ko ang sarili ko
"Pano po kanina pa po kita ginigising. hindi ka magising gising. Alangan namang iwan ka namin dun. Kaya binuhat na lang kita." Paliwanag niya sa akin.
"Imposible naman na hindi ako nagising kung ginising mo ako." Sabi ko sa kanya.
" Ginising kita kaso Mantika ka lang talaga matulog." Sabi niya.
" Ah ewan ko sayo." Inis na tinalikuran ko siya.
" Ang sama talaga ng ugali nito imbis na magpasalamat nagalit pa. Hoy! Hindi ka kaya masarap buhatin. " Sabi niya hindi ko na siya pinansin. Derederetso ako sa hagdan.
" Ano yun? " Rinig kong tanong ng isang katulong.
" Haay, nagbabangayan na naman si Seniorito Kian at si miss Alona." Sabi naman ni Pat.
"Talaga yung dalawa na yan kung titingnan mo hindi mag fiance. Wag lang magkita parang asot pusa." Sabi ng isang katulong.
"Sinabi mo pa. Hindi ko pa sila nakita na nagusap ng mahinahon." Sabi naman ni Pat. Napailing na lang ako sa mga narinig ko.
"Sino naman kaya ang hihinahon sa lalake na yan." Bulong ko sa isip ko.