Chapter 15

1158 Words
****XIAN POV#**** Nasa terrace ako ng makita ko siya na palabas ng bahay. Napakunot ang noo ko. "Saan naman kaya pupunta ang babaeng ito?" Tanong ko sa isip ko. Nakita ko na naglakad ito papunta sa gilid ng bahay. Napaisip ako. Lumabas ako ng silid ko saka bumaba. Paglabas ko hindi ko na siya nakita. Napakunot ang noo ko. "Nakita niyo ba si Alona?" Tanong ko sa tauhan ko. "Pumunta po sa likod bahay Boss D." Sagot nito sa akin napakunot lalo ang noo ko sa sinabi nito. "s**t!" Bulong ko ng maalala na nandun ang kwadra ng mga kabayo. Naalala ko yung isang Video nila ni Kian na pinanood ko. Nakatalikod siya noon nasa kwadra sila. Takot na takot siya habang pinipilit siya ni Kian na lumapit sa kabayo niya. Kaya nagmamadali akong pumunta sa likod bahay. Napakunot ang noo ko ng makita na hinihimas nito ang mukha ng kabayo ni Kian. Habang kausap nito sila Tito Max at Rey. Nagulat ako ng ipakita ni Rey ang kabayo ko. Sa lahat ng kabayo dito sa kwadra si Max ang pinaka mailap. Walang nakakalapit dito maliban sa amin ni Kian. Kaya nataranta ako ng lapitan ito ni Alona. "Wag mong hawakan yan." Sabi ko pero huli na nahawakan na niya ito. Napakunot ang noo ko. Hindi dahil hindi siya takot sa kabayo kagaya ng alam ko. Kundi, dahil hindi nagwala sa kanya si Max ang kabayo ko nagpahimas ito sa kanya. Sinita ko siya sa ginawa niya. Dahil dun nagbangayan na naman kami at iniwan niya ako na inis na inis siya. Inis na tiningnan ko si Rey. "Hindi mo dapat tinuro sa kanya si Max. Alam niyo naman na si Max ang pinakamailap sa lahat ng kabayo dito. " Sabi ko sa kanya. Yumuko siya. "S.... Sory K... Kian.... H... Hindi k... Ko... Alam.. Na la.. Lapit... Si.. Alona." Sabi nito. Nanghingi ng pasensiya sa akin si tito Max. Hindi na lang ako umimik. Pinakain ko na lang ang kabayo ko. Nagpaalam na sila sa akin. Narinig ko na sinermunan nito ang anak.Hindi ko talaga nagustuhan ang ginawa nila na hiinayaan nila si Alona na lumapit kay Max. "Pano kung nagwala si Max.Maaring masaktan nito yung babaeng yun. E di nagalit pa sa akin si Kian." Bulong ko sa isip ko. Huminga ako ng malalim. Pagkatapos kong magpakain ng kabayo ko bumalik na ako sa loob ng bahay. "Manang nasan si lola?" Tanong ko sa matandang katulong. "Nasa may pool po seniorito kasama po si ma'am Alona." Sagot nito sa akin. Tumango na lang ako. Saka ako pumunta dun. Nakita ko na aliw na aliw na naman ang lola ko sa pakikipagkwentuhan sa girlfriend ng kapatid ko. "O, nandito na pala si Kian. Halikat kumain kana." Sabi ni lola sa akin ng makita niya ako.Lumapit ako sa kanila.Binati ko ang lola ko saka humalik dito.Saka naupo na sa tabi ni Alona. Nagpakuha pa ng isang pingan si lola. Nagsalin ako ng kape sa mugs na nasa lamesa. "Gusto kong bumisita sa Hacienda." Sabi ni lola. Napatingin ako dito. "Gusto ko na ipagmaneho mo kami." Sabi uli ni lola sa akin. Napakunot ang noo ko. " Sino po ang kasama mo lola?" Tanong ko dito. "Isasama ko si Alona para naman makapasyal ito. Baka naiinip na siya dito." Sabi ni lola saka tumingin kay Alona. "Masyado nang napapalapit si Lola sa babaeng ito. Pero alam naman siguro ni lola na hindi pwedeng makarating sa malaking bahay si Alona dahil maari niyang malaman kung sino ako." Bulong ko. Saka tumango. Kailangan ko talagang sumama dahil kasama niya ito wala parin akong tiwala dito. Pinagmaneho ko sila iniwan ko muna ang mga tauhan ko sa bahay. Nagderetso kami sa Hacienda. Pagdating namin dun sinalubong kami ni mang Kanor. Kinabahan ako. "MagandangTanghali Seniora, Senorito." Bati nito sa amin ni lola kinamayan ko ito. "Buti po napasyal kayo." Sabi uli nito. "Nandito din si seniorito Primo." Sabi ng kasama niyang lalake. Natuwa ako dahil hindi ako maboboring may makakausap ako na medyo matino.Nakita ko na nagusap na sila lola at si mang Kanor. Tinanong ko kung nasaan si Primo. "Naglilibot po seniorito." Sagot nito sa akin. Tumingin sa akin si lola. "Kung pupunta ka dun isama mo si Alona para naman makapamasyal siya dito." Sabi ni lola sa akin. " Maganda yun para mabantayan ko siya." Bulong ko sa isip ko. Tumango na lang ako kay lola. Iniwan na kami nito. Nagpakuha ako ng kabayo sa lalake. Pagbalik nito may dala ng dalawang kabayo. Hindi na ako nagulat ng makita na marunong itong sumakay ng kabayo. Napapakunot ang noo ko habang pinagmamasdan ko siya kung paano magpatakbo ng kabayo. Halatang sanay na sany ito sumakay ng kabayo. Iba sa dinalang report sa akin ni Reeve tungkol sa kanya. "Sino ka ba talaga Alona? Ikaw ba talaga ang Alona na fiance ng kapatid ko?" Tanong ko habang nakatingin sa kanya. Kanina pa kami nagiikot hindi pa namin nakikita si Primo kaya napilitan na akong magtanong. "Nasa may manggahan po Seniorito." Sagot ng lalake na tinanungan ko. Napakunot ang noo ko. Nagtaka ako kung bakit niya nalaman na isa ako sa apo ng may ari ng Hacienda. Pero binalewala ko na lang. dumeretso kami sa may manggahan. Nakita ko na may kausap si Primo. Nilapitan ko ito. "X..Kian!" Sigaw nito ng makita ako. Bumaba ako ng kabayo at inalalayan ko sa pagbaba si Alona. Nilapitan ako ni Primo. "Kumusta? " Sabi niya sabay yakap sa akin. " Muntik kana ah." Bulong ko sa kanya. "Sorry,nakakalimutan ko ang drama mo." Bulong uli nito.Saka tumingin kay Alona. "Si Alona, Alona si Primo Pinsan ko." Pakilala ko sa kanila. "Hi! Buti naman sinama ka dito ni Kian." Sabi ni Primo dito ng lapitan niya ito at kamayan. "Si lola Amor ang nagsama sa akin dito." Sagot ni Alona kay Primo. Natawa si Primo. "Bakit hindi mo niyaya sa malaking bahay si Alona Kian?" Sabi ni Primo sa akin. Sinamaan ko ng tingin si Primo. Natawa lang ang loko. "Hinihintay lang namin si lola uuwi na din kami agad. Saka na lang." Sagot ko dito. Tumango lang ang gago. KInausap nito ang isang lalake nagpakuha ito ng buko para kay Alona. "Kumusta dito?" Tanong ko sa kanya. Para maiba na ang usapan. "Ayos naman ang Anihan. Kaso nanggugulo na naman ang mga Samanego. Ginugulo nila ang mga tauhan natin sa may hangganan." Sabi nito. "Matagal na yang problema na yan ah. hangang ngayon ba naman nanggugulo parin sila sa atin. " Sabi ko kay Primo. " Nagusap na ang mga elder at ang matandang Samanego dati kaya natigil na yan. Pero ngayon ang anak na ang namamahala ng Hacienda nila kaya naguumpisa na naman sila." Sabi ni Primo. Napakunot ang noo ko. " Gusto mo ba kausapin natin siya?" Tanong ko dito.Huminga ito ng malalim. "Kailangan natin pagusapan nila Reeve ito pagbalik ko sa maynila." Sabi niya. "Sige pasabihan mo na lang ako." Sabi ko sa kanya.Tumango siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD