Chapter 13

1020 Words
"Hindi ganun ang ibig sabihin ni Kian iha, gusto ka niyang alalayan kasi hindi mo pa kabisado ang lugar na ito. Kapag may gusto kang puntahan nandiyan si Kian para samahan ka. Matanda na kasi ako iha kaya madali na akong mapagod. Kaya hindi kita masasamahan para mamasyal." Sabi ni lola sa akin. Hindi na lang ako umimik. Kumain na lang kami wala ng umimik sa aming dalawa. Tinitingnan kami ni lola. Ng matapos kaming kumain niyaya ako ni lola na mag tea sa terrace. "Iha, alam ko na naiilang ka sa presensiya ni Kian. Pero mas makakabuti na makasama mo siya dahil hindi lang maalayan ka niya. Dito mo rin makikilala siya at sigurado ako na magkakasundo kayo." Sabi niya sa akin. Napangiwe ako sa narinig ko. "Baka magpatayan na kami pag nagtagal pa kaming magsama nun." Bulong ko sa isip ko. "Maniwala ka sa akin iha. Mabait si Kian kaya siya ganun sayo kasi nagaalala siya sayo. Kung hindi, hindi ka nun pagaaksayahan ng panahon. Masyadong suplado ang apo ko na yun. Bihira lang ang kinakausap nun. Pero ikaw kahit lagi kayong nagbabangayan sa tuwing naguusap kayo. Kinakausap ka parin niya. Hindi lang yun inuna ka pa niya kesa sa business nila. Sa totoo lang hindi niya pa yan ginawa. Laging mahalaga sa kanya ang business. " Sabi ni lola na nangingiti. " E, kasi nga lola gusto niya akong bantayan dahil wala siyang tiwala sa akin. " Sabi ko kay lola. " Alam mo bagay talaga kayong dalawa hindi nagpapatalo. " Sabi ni lola na natatawa. Marami pa siyang kwenento tungkol kay Kian. "Naalala ko nung maliit pa yang si Kian at ang kuya niya. Hindi nagkakalayo ang ugali. Yang si Kian masyadong seryoso samantalang ang kuya niya masyadong namang suplado. Parehong may sariling mundo." Kwento ni lola. Napatingin ako sa kanya. " May kapatid si Kian? " Tanong ko kay lola.Tumango siya. Napakunot ang noo ko ngayon ko lang narinig ang tungkol sa kapatid niya. " Oo iha, si Xian." Sabi niya. " Kung ganun nasaan po siya? " Tanong ko uli. " Nasa malayo. Ayaw kasi ni Xian ang kinocontrol siya. Yan ang pagkakaiba nila ni Kian. Si Xian lumaki na malaya walang sinusunod. Kaya galit na galit sa kanya ang mga elder na Villa real. Hindi kagaya no Kian kung ano ang gusto ng kanilang magulang yun ang ginagawa niya. Ayaw niya na biguin ang mga ito kahit nasasakal na siya. Masyadong malihim si Kian sa totoong nararamdaman niya hindi kagaya ni Xian na walang tinatago. Si Xian lang ang tanging nakakakilala sa kapatid niya dahil sa kanya madalas maglabas ng sama ng loob ang kapatid. Sa totoo lang walang nakakaalam sa relasyon niyo ni Kian. Kahit ako hindi ko alam na may fiance na ito kundi kay Xian." Sabi ni lola. Napaisip ako. Naging interesado ako sa kapatid ni Kian. "Pero bakit ngayon niyo lang na bigkas sa akin siya lola?" Tanong ko sa kanya. Nagtaka ako ng makita ang lungkot sa mukha ng matanda. "Dahil ayaw ni Kian na pagusapan ang tungkol sa kapatid niya." Sabi uli ni lola. Napakunot ang noo ko. "Ang pangit talaga ng ugali, gusto niya siya lang ang paguusapan dahil gistong gusto niya na pinupuri siya." Inis na bulong ko. Hangang sa pagtulog iniisip ko ang tungkol sa kapatid ni Kian. Inis na inis parin ako kay Kian. Kahit ano siguro ang sabihin ni lola sa akin tungkol sa Kian na yun hindi na magbabago ang nararamdaman ko dun. " Kaya imposible talaga na siya ang fiance ko.Sa tingin ko hindi kailanman kami magkakasundo nun. " Bulong ko sa isip ko. Huminga ako ng malalim saka pumikit na. Kinabukasan naisipan kong maglakad lakad sa labas ng bahay. Napaaga ang gising ko. Binabati ako ng mga nakakasalubong ko nginingitian ko naman sila. Hangang napadpad ako sa likod bahay. Nakarinig ako ng ingay. Kaya sinundan ko ito. Sinundan ko ang ingay na naririnig ko. Nagulat ako ng makakita ako ng kwadra. Natuwa ako ng makita ko ang mga kabayo. "O, miss Alona." Sabi ni tito Max ng makita niya ako na palapit sa kanya. nagpapakain kasi siya ng kabayo. "M.... Magandang.... U... Umaga.... M... Miss... A... Alona." Bati sa akin ni Rey na nasa tabi pala ni tito Max may hawak na mga damo ito. "Magandang umaga din Rey. Magandang umaga tito Max." Bati ko sa kanila. "Mahilig ka pala sa kabayo?" Tanong ni tito Max sa akin ng hawakan ko ang mukha ng kabayo na isa. " Siguro, Ang gaganda ng mga kabayo na ito kanino ang mga ito? " Tanong ko sa kanya. " Kay Kian ang mga yan. " Sagot niya sa akin. Tumango ako. " Pero eti talaga ang paborito niyang sakyan sa lahat nv mga yan. " Sabi niya sa akin at tinuro ang kulay Brown na kabayo. "M ... Miss... A.... Alona... E... Eto.. S... Si..M... Max.. K.. Kapangalan.. N.. Ng.. PaPa.. Ko. " Sabi ni Rey at tinuro ang itim na kabayo. Natuwa ako dito. Nilapitan ko ito. Aktong hahawakan ko ito ng may nagsalita sa likod namin. " Wag mong hawakan yan. Masyadong mailap yan. " Sabi niya pero huli na nailapat ko na ang kamay ko sa kabayo. Umungol ang kabayo. Napalapit siya sa akin. Napalingon ako sa kanya. Nakaramdam na naman ako ng inis dito ng makita ko ito. Ewan ko ba kahit wala itong ginagawa sa akin. Na iinis ako sa tuwing nakikita ko siya. Umungol uli ang kabayo. Kaya napatingin ako dito. " Ssshh, " Sabi ko saka hinimas ko ang mukha nito nanahimik ang kabayo. Saka ko siya nilingon nakita ko na titig na titig siya sa akin. " Bakit?" Inis na tanong ko sa lanya. " Wala sa susunod wag kang basta lalapit lalo na kung kabayo. Dahil hindi lahat ng kabayo friendly. May mga maiilap na kabayo. " Galit na sabi nito. " Mukhang lahat naman ng kabayo dito frienly. Hindi kagaya ng iba dito na moody. " Inis na sabi ko. Saka nagpaalam na ako kay tito Max at Rey. Hindi ko kayang magtagal pa sa lugar na ito na kasama ko siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD