Chapter 12

1045 Words
Pagdating namin sa airport may nagaabang a sa amin na sasakyan. "Nasa saang lugar po tayo lola?" Tanong ko kah lola Amor. "Nasa Davao tayo ngayon. Sa mansion nila Kian ka muna mag stay. Habang hindi pa bumabalik ang alala mo doon ka muna para malalayan ka ni Kian." Sabi ni lola sa akin. "Ayos lang po ako. Kaya wag niyo na pong abalahin pa si Kian." Sabi ko kay lola. Napatingin ako sa tabing upuan ko nakita ko na ang sama ng tingin nito sa akin. Agad na iniwas ko ang tingjn ko sa kanya. "Ano bang problema ng lalakeng ito?Lagi na lang mainit ang ulo." Sabi ko sa isip ko. "Haay, ano ka ba Iha sino bang nagsabi na abala ka para sa kanya." Sabi ni lola sa akin. "Ag ibig ko pong sabihin lola. Di po ba businessman si Kian kaya siguradong marami siyang inaasikaso sa opisina. Kaya ayos lang po hindi na niya ako kailangan alalayan naiintindihan ko po siya." Sabi ko sa kanya. Hinawakan ni lola ang kamay ko. "Nakakatuwa ka naman. Kaya siguro ikaw ang napili ng apo ko. Kasi naiintindihan mo siya. Masmatutuwa siya kung gagaling kana ng lubusan. " Sabi nito. Napalunok ako. " Ako napili ng apo niyo?" Tumingin ako sa katabi ko na busy na sa pakikipag usap sa phone. "Ewan ko lang ha.,baka wala lang siyang mapagbuntunan ng inis niya " Bulong ko aa isip ko.Nakatulog ako sa biyahe. Nagising ako sa paghinto ng sasakyan namin. " Buti naman gising kana. Akala ko kailangan pa kitang buhatin papasok ng bahay. " Sabi ni Kian napatingin ako sa kanya. Nagsalubong ang mukha namin.Nanlake ang mata ko ng makita na halos gadangkal na lang ang layo ng mukha niya sa mukha ko. Doon ko lang nakita na nakasandal pala ako sa balikat niya. Napalayo ako agad sa kanya. Umayos ako bg upo. "Sorry." Sabi ko habang lihim na hinawakan ko ang dib dib ko ang lakas lakas ng t***k ng puso ko. Hindi siya umimik. Napatingin ako kay lola busy ito sa pakikipagusap sa phone. Tumingin ako sa labas nakita ko na pumasok kami sa malaking gate. Tuluyan ng kumalma ako ng makita ko ang tanawin sa labas. Labis akong humanga sa pagkakadesenyo ng mga halaman. Ibat ibang klase ito. Halatang alaga ang mga ito. Magmula sa gate ilang minuto pa bago ko nakita ang malaking bahay. Napanganga ako sa laki nito. Huminto ang sasakyan namin. Nagkakalat ang mga tauhan sa labas. Pinagbuksan kami ng mga ito. Lumabas ako saka sumunod kay lola. Nakita ko na nagusap si Kian at yung isang tauhan. "Nely, paki akyat na ang mga gamit ng ma'am niyo sa silid niya." Sabi ni lola sa isang katulong na sumalubong sa amin. "Gusto mo bang magpahinga muna iha?" Tanong sa akin ni lola. Tumango ako. "Halika at ituturo ko ang silid mo." Sabi niya saka hinawakan ang kamay ko. Umakyat kami sa malaking hagdan na nasa bungad ng pintuan. Pagdating namin sa taas kumaliwa kami. Ilang pintuan pa ang nalampasan namin bago kami huminto. "Eto ang magiging silid mo." Sabi niya sa akin. Saka binuksan ito. Pumasok kami sa loob. Malaki ito at napaka ganda halata na mamahalin ang mga gamit dito. "Maiwan na kita iha para makapagpahinga kana. Ipapatawag ka na lang namin kapag nakahanda na ang hapunan." Sabi niya sa akin. Tumango ako. Ng maiwan ako linibot ko ang silid. Pagbukas ko ng isang pintuan nagulat ako ng makita na closet ito nakalagay na ang mga gamit ko na iilang piraso. Katabi nito ang banyo. Pumasok ako dito natuwa ako ng makita ko ang malaking bath tub. Nilagyan ko ito ng tubig at tinimplahan ng sabon saka tuwang tuwa na lumublub dito. Saktong katatapos ko lang magasikaso ng sarili ko ng may kumatok sa pintuan ko. "Ma'am kakain na daw po sabi ni seniorito." Sabi ng katulong sa akin tumango ako. Sumama na ako dito pababa. Pagdating namin sa dining area nakita ko na nakupo na si lola at may kasama ito na dalawang lalake at isang babae na may edad na. "Halika na iha kain na." Sabi nito, ngumiti ako saka umupo sa tabi niya. Kakaupo ko lang ng pumasok si Kian. Naupo ito sa tabi ko. "Si Matilde nga pala Tita ni Kian kapatid ng mama nila, ito ang asawa at anak niya.Si Max at Rey. Eto naman si Alona fiance ni Kian." Pakilala ni lola sa amin. Nginitian ko sila. " M.... Magandang.... G.... Gabi... M... Miss... Alona. " Hirap na bigkas ni Rey. Napatingin ako dito. " Pasensiya na miss Alona may sakit na Autism spectrum disorder or ASD ang anak ko. Kaya hirap siyang kumilos at magsalita. " Sabi ni tita Matilde. napatingin ako kay Rey. Ngumiti ito sa akin. Natigilan ako parang nakita ko na ang mukha niya. Hindi ko lang maalala. Natigilan lang ako sa kakaisip ng magsalita si lola amor na nasa tabi ko. "Papasok kaba sa opisina mo bukas?" Tanong ni lola dito. Tumingin siya sa akin. "Hindi po lola. Aalalayan ko po muna ang fiance ko." Sabi niya napalingon ako sa kanya. Seryoso siyang nakatingin sa akin. Umiwas ako ng tingin. "Ayos lang hindi mo na ako kailangan alalayan kaya ko naman ang sarili ko. Pumasok kana sa opisina bukas. " Sabi ko sa kanya. Tumingin ito sa akin. "I said aalalayan kita and besides hindi mo na kailangan alalahanin ang trabaho ko sa opisina. Sinabi ko na sa assistant ko na magbabakasyon ako. Kaya masasamahan kita. " Sabi niya sa akin. " Hindi mo na naman ako kailangan alalayan hindi na naman ako bata. Kaya ko na ang sarili ko." Sabi ko uli sa kanya. " Hindi bata lang ang inaalalayan kahit matanda na. Isa pa kailangan kitang bantayan dahil baka kung ano ang gawin mo. Marami ka pa naman hindi naalala sagutin ko pa kung ano ang mangyari. " Sabi niya. Inis na tiningnan ko siya. "E di lumabas din ang totoo,". Bulong ko. "What?" Tanong niya sa akin. Nakakunot na naman ang noo. "Sabi ko, wag kang magalala kahit wala akong maalala hindi ako gagawa ng ikapapahamak ng iba. Hindi naman ganun kakitid ang utak ko no." Inis na sabi ko sa kanya. Magsasalita pa sana ito pero nagsalita na si lola para matigil kami sa pagbabangayan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD