Chapter 11

1074 Words
" Anong nangyari bakit hindi mo siya nailigpit. Alam mo ba na ang dami na ngayong bantay sa labas ng silid niya. Mahihirapan kana makahanap ng pagkakataon ngayon dahil ang kapatid ni Kian ang nagbabantay na sa kanya." Sabi ng girlfriend ko na nurse sa ospital. Huminga ako ng malalim. "Inaasahan na namin na mangyayari ito." Sabi ko sa kanya. "Hayaan mo na hahanap na lang kami ng ibang pagkakataon. Magiingat ka diyan. Baka mahalata ka nila." Sabi ko sa kanya. Tumango siya saka nagpaalam na. Ilang lingo din ang lumipas nalaman namin na lalabas na siya ng ospital. Napangiti ako. "Sa wakas malapit na kaming magkita. " Bulong ko sa isip ko. Saka napangiti ako. ****ALONA POV#**** Maaga pa nakabihis na ako inasikaso na ng dalawang katulong ang mga gamit ko. Susunduin nila ako, ngayon ang labas ko ng ospital. Kinakabahan ako kasi sa mansion daw ako nila Kian dadalahin ibig sabihin magkikita na kami madalas. Naalala ko nitong nakaraang araw hindi ako makahinga nung nandito siya. Pakiramdam ko binabantayan niya ang bawat kilos ko. Saka naiilang ako kapag nasa tabi ko siya. "N.. Natural lang siguro tong nararamdaman ko sa kanya kasi fiance ko siya." Bulong ko sa isip ko habang nakaupo ako sa kama ko. "P.. Pero naiilang talaga ako sa kanya. Sana hindi siya ang sumundo sa amin." Bulong ko uli. "Ayaw ko talaga siyang makita." Bulong ko uli saka kumuha ng Magazine at nagsimulang magbasa. "Ma'am nandiyan na po ang sundo ntin." Sabi ni Pat. Napalingon ako sa pintuan. Nakahinga ako ng wala akong nakita. "Buti naman hindi siya ang sundo namin siguro driver lang." Bulong ko. Saka huminga ng malalim. Kinuha na ni Pat ang mga gamit ko. Tumayo na ako sa kama ko saka aktong lalabas na ng matigilan ako ng marinig ko na may kausap si Pat sa pintuan. Napatingin ako dito. Nanlumo ako ng makita ko siya. Kagaya ng dati seryoso na naman ang itsura. "Ano pang hinihintay mo diyan? Ayaw mo pa bang lumabas O baka naman gusto mo pang buhatin kita?" Sabi niya na naka kunot na naman ang noo. Inis na kinuha ko ang bag ko saka nagmamadali akong lumabas ng silid. Sumunod ako kay Pat. "Bwisit talaga ang lalaking ito." Bulong ko nakita ko na sumakay sa isang van si Pat. Akttong sasakay ako dito ng pigilan ako ng isang tauhan. "Ahhm, ma'am Alona sa kotse po kayo ni Boss sasakay." Sabi nito saka tinuro ang kotse na nasa unahan. Napatingin ako doon nakita ko na pinagbuksan ng driver si Kian. "Ahh. Pasensiya na." Hingi ko ng paumanhin. Saka naglakad ako papunta sa unahan. Pinagbuksan ako ng pintuan ng driver. Tahimik na pumasok ako. Nakita ko na nakupo na siya sa loob. Naka kunot na naman ang noo. "Mukhang ayaw mo yatang kasama ako sa sasakyan?" Tanong niya napatingin ako sa kanya. "Pasensiya na hindi ko naman alam na dalawa pala ang sasakyan." Sagot ko sa kanya. Napatingin siya sa akin. Umiwas ako ng tingin. "Bakit sa palagay mo sasakay ako sa sasakyan kasama ang mga katulong?" Tanong niya uli. Napatingin ako uli sa kanya. Nakita ko na seryosong nakatingin siya sa Cellphone niya. Napakunot ang noo ko. " Oo naman, ano naman ang masama kung kasama mo sila? " Tanong ko sa kanya. Tumingin siya sa akin. Umiwas ako ng tingin tumingin ako sa labas. Ewan ko ba hindi ko kayang makipag titigan sa kanya. Lumalakas ang kabog ng dib dib ko. Hindi siya umimik. Pero pakiramdam ko nakatingin parin siya sa akin. Maya maya huminga siya ng malalim. Wala na kaming imikan. Nakatulog ako sa biyahe. Nagising ako na may tumatapik sa akin. Nagulat ako ng makita ang driver. " Ma'am nandito na po tayo. " Sabi niya napatingin ako sa labas ng bintana. Nakita ko na nakahinto na kami. Wala ni si Kian sa tabi ko. Nagmamadali akong lumabas ng sasakyan. Nakita ko si lola Amor na kausap ni Kian. Napatingin ako sa paligid . " Alona iha! " Tawag sa akin ni lola Amor ng makita ako nito. "Kumusta na ang pakiramdam mo ayos ka lang ba?" Tanong nito sa akin ng lapitan ako nito. "Ayos lang po lola." Sagot ko sa kanya. "Buti naman. Halika mauna na tayo sa kanila." Sabi nito at hinawakan nito ang kamay ko. Sabay na kaming pumasok sa airport. Sumakay kami sa privete plane nila. Inalalayan kami ng mga tauhan nila. "Pasensiya kana hindi na kita na sundo sa ospital may dinaanan pa kasi ako. Kaya si Kian na lang ang pinasundo ko sayo." Sabi niya sa akin ng maupo kami. "Ayos lang po yun lola." Sagot ko sa kanya. Saka ngumiti dito. "Ang mahalaga nandito kana. At least hindi lang yung lalake na yun ang kasama ko sa buong biyahe." Bulong ko sa isip ko. "Wag kang magalala siguradong magugustuhan mo ang bahay nila Kian. " Sabi niya sa akin. "Ahhm, lola doon ka din ba nakatira?" Tanong ko dito. "Actually hindi ako doon nakatira sa Hacienda ako nakatira. Pero kung gusto mo sasamahan kita doon. Doon na muna ako titira hangat wala ka pang naalala. Tutal naiinip din naman ako sa Hacienda. Maganda ngat kahit papano may nakakausap ako. " Sabi niya sa akin. Natuwa ako. " Salamat naman. Akala ko si Kian lang ang makakasama ko. " Sabi ko sa kanya.Natawa siya. "Bakit ayaw mo ba na ako ang kasama mo? Natatakot ka ba?" Tanong nito na ikinagulat ko. Hindi ko napansin ang pagdating nito. Naupo ito sa tabi ko. Alanganin akong ngumiti. "Hindi, bakit naman ako matatakot sayo?" Tanong ko sa kanya. Tinitigan niya ako. Hindi ko na lang siya pinansin. "Ikaw talaga Kian. Kaya naiilang sayo si Alona. Hayaan mo na lang siya Iha, naiinis lang yan kasi hindi mo siya maalala." Sabi ni lola sa akin saka hinawakan ang kamay ko. "Pero lola, masaya talaga ako na kasama kita sa mansion. Kasi sa totoo lang natatakot talaga ako sa apo niyo." Bulong ko sa matanda. Natawa ito sa sinabi ko. "Wag kang matakot sa kanya. Ganyan lang talaga yan pero mabait yan at nagaalala sayo yan.Ganyan lang talaga ang apo ko hindi marunong magpakita ng totoong nararamdaman niya." Bulong din nito sa akin. Napatingin ako dito. Tumingin din ito sa akin. "What?" Tanong nito na nakakunot ang noo. "Wala. Masama bang tingnan ka." Inis na sabi ko dito. Huminga ito ng malalim. Hindi ko na lang siya pinansin nagkwnetuhan na lang kami ni lola amor.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD