"Nagkaayos na yan dati. Ewan ko kung ano na naman ang problema ng anak niya." Sabi ni Primo.
"Kung ganun dapat tayong magusap usap ng mga anak niya." Sabi ko. Tumango siya. Napatingin ako kay Alona busy ito sa kakainom ng buko.
"Anong balak mo sa kanya?" Tanong ni Primo sa akin ng makita na nakatingin ako kay Alona.
"Anong balak? E di bantayan ang bawat kilos niya." Sagot ko sa kanya.
"Talagang interesado ka sa kanya ah. " Sabi ni Primo tumingin ako sa kanya. Napakunot ang noo ko. Alam ko na tinutudyo na naman ako nito.
" Wag mong bigyan ng kahulugan. Nagtataka lang ako sa kanya. Kasi iba ang nakikita kong pagkatao niya kesa sa files na binigay ni Reeve sa akin. "
Sabi ko.
" Pero nakakapag taka na walang litrato ang babae na yan. Kahit sa mga gamit ni Kian wala tayong nakita. " Sabi ni Primo.
" Dahil takot nga daw yan sa kamera. Meron naman siyang mga kuha kaso puro side view o kaya likod niya. " Sabi ko. Natawa si Primo. Huminga ako ng malalim.
"Oo nga, pati sa video nila naka sideview siya O kaya likod niya lang ang kita." Sabi ni Primo na tumatawa.
" Pero ibang iba siya sa Alona na sinasabi ni Reeve. Masyado siyang agrisibo. Parang walang kinatatakutan alam mo ba yun. " Sabi ko sa kanya.
" Bakit, dahil hindi man lang natatakot sayo. Sa bagay sabi nga ni Reeve lagi na lang daw kayong nagbabangayan niyan. Sabi niya pa nga nakahanap ka daw ng katapat. " Sabi nito na tawa na naman ng tawa. Hindi ako umimik. Niyaya niya ako na ilibot si Alona sa Hacienda at puntahan narin namin ang hanganan. Nakita ko na sira na ang bakod ng Hacienda.
" Sinisira nila yan. Dahil sakop pa daw nila dito. " Sabi ng isang tauhan.
" Masyado na silang nagiging agrisibo seniorito. Pumapasok na sila sa hanganan natin. Kapag umaangal kami sinasaktan nila kami. " Sabi ng isa ng tauhan na may edad na. Napakunot ang noo ko.
" I think habang naguusap kayo sa maynila sa dapat niyong gawin. Bakit hindi muna ako ang magmanage dito? " Tanong ko kay Primo. Napatingin ito sa akin.
" Siguradong hindi papayag ang mga elder. Alam mo naman ang mga yun ayaw ng gulo. Takot lang ng mga yun sa pwede mong gawin." Sabi ni Primo. Huminga ako ng malalim.
" Hindi naman ako manggugulo. Iaayos ko lang ang utak nila baka kasi na wala na sa linya." Sabi ko. Natawa si Primo. Saka tinapik ako.
"Hayaan niyo magpapadala ako ng tao dito para ayusin ang bakod at susubukan naming ayusin ang problema na ito." Sabi ni Primo sa mga tauhan.
Nagpaalam na kami. Bumalik na kami pagtingin ko kay Alona nakita ko na busy ito sa kakain ng prutas na binigay ng isang matandang babae. Nakikipag tawanan ito sa mga iyon.
"Kakaiba ang babae na ito ang bilis niyang nakukuha ang loob ng mga tao sa paligid niya." Bulong ko.
"Kaya magiingat ka baka mamaya mahulog din ang loob mo sa kanya. Kung hindi pa." Sabi ni Primo. Tiningnan ko ito ng masama. Tumawa lang ito saka niyaya na si Alona.
Pabalik na kami laman parin ng isipan ko ang problema sa Hacienda.
"Lola ano ang plano niyo sa problema ng Hacienda?" Tanong ko sa kay lola.
"Pinapaubaya ko na yan kay Primo alam na niya ang dapat gawin diyan. Mula ng ipasa sa kanya ng lolo niyo ang pamamahala sa Hacienda. Alam ko na naituro na nito kay Primo ang lahat. Lalo na sa problema na yan. " Sabi ni lola sa akin. Tumango na lang ako.
"Wag ka ng makialam sa problema na yan. Kian, ang problema ng kompanya niyo ang asikasuhin mo. May bagong investor na gustong sulutin ang mga costumer niyo. Pati ang mga Shareholders niyo. " Sabi ni Lola sa akin.
" Alam ko na po yan lola. Nakarating na sa akin yan at may naisip na akong plano dun lola. " Sabi ko sa kanya.Napatingin ito sa akin.
" Wag kang masyadong magpadalos dalos Kian. Minsan kailangan din ng konting pasensiya sa negosyo. " Sabi ni lola sa akin.
" Wag kayong magalala lola. Hangat hindi gulo ang hinahanap nila sa akin hindi ko sila bibigyan ng gulo. Kung patas sila lumaban bibigyan ko sila ng patas na laban. Mabait naman ako sa taong mabait sa akin. " Sabi ko kay lola. Umiling na lang ito. Nagulat ako ng mapasandal sa akin ang katabi ko. Pagtingin ko tulog na ito. Huminga ako ng malalim saka inayos siya ng pagkakasandal sa akin.
" Sana makatagpo ka ng taong magpapalambot sayo. " Sabi ni lola. Hindi na lang ako umimik.
Nakarating na kami sa bahay tulog na tulog parin ito. Tinapik ko ito. Pero hindi ito nagigising.
" Mukhang napagod siya sa pangangabayo. Mas mabuti pang buhatin mo na lang siya Kian. " Sabi ni lola at bumaba na sa kotse. Huminga ako ng malalim. Saka bumaba sa sasakyan. Aktong bubuhatin ko na ito ng mapabaling sa akin ang mukha nito. Napatanga ako. Napadako ang tingin ko sa labi niya. Napalunok ako.
"Kian, buhatin mo na yan at iakyay sa silid niya." Sabi ni lola. Bago naglakad na. Huminga ako ng malalim saka binuhat ko na siya. Ewan ko ba bakit ang lakas ng kabog ng dib dib ko ngayong ang lapit lapit niya sa akin. Amoy na amoy ko ang pabango na gamit niya. Nararamdaman ko ang hininga noya sa leeg ko.
"s**t! Ano bang nangyayari sayo Xian?" Bulong ko sa isip ko. Huminga ako ng malalim. Bago pa kami makarating sa pintuan kumilos ito. Saka unti unting dumilat.
"s**t! Nagising na siya. Siguradong magagalit ito." Bulong ko. Hindi nga ako nagkamali nagalit nga ito at nagpababa sa akin. Napagkamalan pa ako nitong Pervert. Inis na tiningnan ko na lang ito na pumasok sa loob ng bahay. Inis na dumeretso ako sa bar.
"Kainis talaga ang babaeng yun. Imbis na magpasalamat pinagbintangan pa ako. Akala niya naman type ko siya no. Kung hindi lang naman kay Kian hindi ko siya pagaaksayahan ng oras ko. " Inis na sabi ko. Saka tinungga ang isang baso ng rum. Para kumalma ang systema ko. Na kanina pa nagugulo ng dahil sa babaeng yun.
****KANE POV#***
Inis na inis akong pumasok sa loob ng kwarto ko
"Bwisit na lalake na yun. Palusot pa gusto lang naman niyang makaisa sa akin. Mantika daw akong matulog ang sabihin niya hindi niya talaga ako ginising." Inis na inis na sabi ko. Habang naliligo ako. Para kumalma ako. Hindi maalis sa isipan ko ang mukha niya. Ang lakas ng kabog ng dib dib ko. Pinilig ko ang ulo ko.
" Haays, ano bang nangyayari sayo.? " Bulong ko. Saka pinatuyo ang buhok ko.