***ALONA POV#***
Nagising ako na nauuhaw ako. Kaya lumabas ako ng silid ko bumaba ako sa ibaba. Nasalubong ko ang tita ni Kian na kausap ang isang katulong.
" O, Iha may kailangan kaba?" Tanong nito sa akin.
"Ah, wala po nauuhaw lang po ako kaya po bumaba ako." Sabi ko sa kanya.
"Gusto mo bang kumain? Ipaghahain kita. Hindi ka kumain kanina. Iinitin ko lang ang pagkain." Sabi nito na aktong pupunta ng kusina.
"Ay hindi na po Tita, salamat na lang po hindi po ako nagugutom nauuhaw lang talaga ako. " Sabi ko sa kanya. Tumango siya sa akin.
"Sige ikaw ang bahala . Mauuna na ako sayo kung ganun." Sabi niya Tumango na lang ako saka ngumiti diro. Tiningnan ko siya na naglakad papunta sa silid nila.
Pumasok na ako ng kusina. Binuksan ko ang ref. Nakita ko na iisa na lang ang bottle water dun. Kinuha ko yun saka binuksan at ininom. Naubos ko ito sa uhaw ko. Tinapon ko ito sa basurahan. Ng aktong hahakbang na ako. Nakaramdam ako ng hilo. Napahawak ako sa isang bangko.
" Teka bakit parang nahihilo ako." Sabi ko at biglang nagdilim ang lahat sa akin.
Nagising ako na nasa sili ko na ako. Napahawak ako sa ulo ko nagulat ako ng makita na nakaswero ako.
"Anong nangyari sa akin bakit naka swero ako?" Tanong ko. Ng maalala ko ang nangyari.
"s**t! May naglagay ng pampatulog sa tubig." Sabi ko sa isip ko. Naikuyom ko ang kamao ko.
"Pero bakit naka swero ako nakatulog lang naman ako. " Bulong ko sa isip ko.
Aktong babangon na ako ng bumukas ang pintuan ng silid ko. Napakunot ang noo ko ng pumasok si Kian.
"Buti naman gising kana?" Sabi nito sa akin.
"Anong ginagawa mo dito?" Inis na tanong ko sa kanya. Tumingin siya sa akin.
"Dinalahan ka ng pagkain mo dahil kanina ka pang umaga walang kain." Seyosong sabi niya saka nilapag ang tray. Napatingin ako dito. Nakaramdam ako ng gutom. Pero ng maalala ko ang nangyari sa akin. Natigilan ako.
"Bakit ka ba kasi tumalon sa pool hindi ka naman pala marunong lumangoy? Nagpapakamatay ka ba? Alam mo ba kung gaano kalalim ang pool." Sabi niya sa akin napatingin ako sa kanya.
"Sino ang tumalon sa pool ako?" Tanong ko sa kanya.
"Alangan naman ako. Sino ba ang nakahiga sa atin at nalunod? Wag mong sabihin na nakalimutan mo agad ang nangyari." Sabi nito sa akin. Napaisip ako. Hindi ako pwedeng magkamali. Na walan na ako ng malay ng makaupo ako sa bangko.
"Hindi ako tumalon sa pool." Sabi ko sa kanya.
"Kung hindi ka tumalon sa pool bakit nakalubog ka sa tubig ng makita kita at wala ka ng malay dahil sa pagkalunod." Sabi niya sa akin. Napatanga ako sa kanya.
"Sa susunod pagisipan mo muna ang gagawin mo bago mo gawin. Pano kung nahuli ako ng dating e di wala kana ngayon." Sabi niya uli sa akin. Inis na tiningnan ko siya.
" Hindi sabi ako tumalon sa pool. Bumaba ako kagabi para uminom ng tubig sa kusina. Kaso pagkatapos kong inumin ang nagiisang bote ng tubig sa ref nakaramdam ako ng hilo. Kaya naupo ako sa bangko at tuluyan na akong nawalan ng malay. Isa pa hindi ako malulunod kasi marunong ako lumangoy. " Inis na sabi ko sa kanya. Natigilan siya. Napakunot ang noo niya.
" Kung ganun bakit sa pool kita nakita? " Tanong niya sa akin.
" Malay ko hindi ko alam nawalan nga ako ng malay diba? " Sabi ko sa kanya.Tinitigan niya ako.
" Kumain kana para makabawi ka ng lakas mo. " Sabi niya sa akin. Tiningnan ko lang ito. Nagaalangan akong kumain kahit nagugutom na ako.
" Wag kang magalala walang lason yan. Gusto mo tikman ko pa. " Sabi nito na aktong titikman nga ang pagkain. Agad na kinuha ko ang tray.
" Hindi na kailangan. " Sabi ko sa kanya saka sumubo na. Napatingin siya sa akin.
" Lalabas na ako ilagay mo na lang diyan sa tabi mo ang tray ipapakuha ko na lang yan. Wag ka munang bumangon kung hindi mo pa kaya. " Sabi niya sa akin. Saka lumabas na ng silid ko.Napapaisip ako sa sinabi niya.
"Pano ako napunta sa pool?" Tanong ko sa isip ko.
Huminga ako ng malalim. Napatingin ako sa relos na nasa ding ding. Nakita ko na gabi na pala.
"Isang buong maghapon pala ako nakatulog." Bulong ko sa isip ko.
"Siya na naman ang nakakita sa akin. Bakit sa tuwing may nangyayari sa akin siya ang unang nakakita sa akin?" Bulong ko. Hating gabi na pero gising pa ako. Bumangon ako at tinanggal ko ang swero na nakakabit sa akin. Pumunta ako ng banyo. Pabalik na ako ng higaan ko. Ng makarinig ako ng ingay sa labas. Napakunot ang noo ko.
Dahan dahan akong pumunta sa pintuan at pinihit ito. Nakita ko ang taong nakaitim na papasok sa silid ni lola. Kinabahan ako. Kaya kahit nanghihina pa nagmamadali akong pumunta dun. Pagbukas ko naabutan ko ito na may ituturok kay lola. Agad na sinipa ko ito. Bumalandra ito sa gilid. Nabitawan nito ang bagay na iiniject niya sana kay lola tumalsik ito sa gilid. Pareho kaming napalingon dun. Nagulat ako ng dambahin niya ako. Natumba ako. Agad na dinaganan niya ako at sinakal. Sinuntok ko siya sa tagiliran pero hindi niya ito ininda. Nauubusan na ako ng hangin. Nangapa ako wala akong mahawakan. Kaya pilit kong inabot ang mata niya saka pinisil ito.
Nabitawan niya ako. Habol ko ang hininga ko itunulak ko siya. Hawak niya ang mata niya. Nagmamadali siyang lumabas ng silid. Hawak ko ang leeg ko na tiningnan siya. Gustuhin ko mang habulin siya naubos na ang lakas ko. Ilang minuto din akong nakahiga. Ng makabawi bumangon ako. Agad na nilapita ko si lola. Nakahinga ako ng makita na tulog lang ito. Saka kinuha yung tumalsik sa gilid ng silid. Napakunot ang noo ko.
"Kung ganun hindi lang ako ang nagnganib sa amin pati si lola." Bulong ko.
"Lola ano ba talaga ang totoong nagyari noong matagpuan niyo ako?" Tanong ko sa isip ko. Huminga ako ng malalim.
"Kailangan kong malaman kung sino sila. Ibang tao ang nagtangka kay lola kesa sa lalakeng gustong pumatay sa akin. Bakit gusto nilang patayin kami ni lola?" Bulong ko. Nalilito na ako sa mga nangyayari. Binulsa ko ang ang injection na nakuha ko. Nanghihina pa ako. Kaso nagaalala akong iwan si lola. Kaya kumuha ako ng bangko at naupo sa tabi ng kama ni lola. Hindi ko namalayan na nakatulog ako dito.