Nagulat ako ng may bumuhat sa akin.
Napadilat ako. Nanlake ang mata ko ng makita na buhat ako ni Kian.
"Anong ginagawa mo ibaba mo nga ako." Inis na sabi ko sa kanya.
"Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Sinabi ko ng magpahinga ka. Gumala ka parin kahit nanghihina ka pa. Tinanggal mo pa ang swero mo." Galit na sabi nito. Inis na tiningnan ko siya.
"At sino naman ang nagsabi sayo na nanghihina ako?" Tanong ko sa kanya.
Hindi siya umimik. Pinasok niya ako sa silid ko.
"Ibaba mo na sabi ako. Hindi nga sabi ako nanghihina." Inis na sabi ko sa kanya. Nilapag niya ako sa kama ko. Laking gulat ko ng halikan niya ako Nanlake ang mata ko.
"Next time na hindi mo sundin ang sinabi ko hindi lang yan ang aabutin mo sa akin. Now stay and rest hindi yung pinagaalala mo ako." Sabi niya saka iniwan ako sa silid ko na nakatulala. Nang matauhan ako napatingin ako sa pintuan na nilabasan niya. .
"Hinalikan niya ba ako O namamalik mata lang ako?" Tanong ko sa isip ko saka hinawakan ang labi ko. Ng maalala ang nangyari inis na tiningnan ko ang nilabasan niya.
"Nakakainis talaga ang lalake na yun. Sabi ko na nga ba manyakis talaga yun." Inis na sabi ko. Saka nahiga na. Hindi ko alam kung bakit ang lakas ng kabog ng dib dib ko.
"Bwisit na lalake na yun." Bulong ko ng maalala ang nagyari kagabi natahimik ako.
"Kailangan kong malaman kung sino ang gustong pumatay sa amin." Sabi ko. Nagpahinga ako ng buong maghapon. Dinadalahan lang ako ng pagkain sa silid ko. Nagpasalamat ako na hindi na nagpakita sa akin si Kian. Pero hindi ako makalabas ng pintuan ko kasi kapag sinisilip ko nasa labas lang siya sa may terrace. Kaya inis na inis ako. Nagaalala na ako kay lola. Nagpahinga na lang ako. kinabukasan ng umaga. Naglakas loob na akong lumabas ng silid ko. Nagulat ito ng makita ako. Kinabahan naman ako ng makita siya sa dinning area. Pinaghila niya ako ng upuan.
"Kumusta na ang pakiramdam mo?" Tanong niya sa akin.
"Ayos naman." Sagot ko dito. Nang mapansin na wala si Lola sa upuan niya.
"Hindi pa ba magaling si lola?" Tanong ko.
"Lalo lang daw siyang nanghihina. Kaya kumuha na ako ng magaasikaso sa kanya." Sabi ni Kian. Hindi ako umimik.
"Wag kang magalala aayos din ang pakiramdam ni lola." Sabi niya sa akin.
Napatingin ako sa babae na nasa tabi ni Kian.
" Ah, Siya si Evanna ang personal na nurse ni lola. Evanna siya si Alona." Sabi ni Kian.
" Anna na lang po seniorito." Sabi nito. Saka ngumiti ito sa akin. Nginitian ko din siya.
"M... Miss A... Alona... E... Vanna..M... Maganda din... K.. Kagaya.. M.. Mo." Sabi ni Rey saka tumawa ito ng tumawa. Natawa ako dito. Namula naman si Evanna. Tama si Rey maganda ito. Kasing katawan ko at kasing taas ko.
Pagkatapos naming kumain umakyat ako sa taas pinuntahan ko si lola.
"Kumista na po kayo lola?" Tanong ko sa kanya.
"Maayos naman ang pakiramdam ko. Nanghihina lang ako." Sabi niya sa akin.
Nagstay ako sa room niya. Kwentuhan kami ng kwentuhan nito. Huminto lang kami ng paiinumin na siya ng gamot. Pagkatapos niyang uminom inantok ito kaya pinatulog ko muna bago ako lumabas ng silid niya.
"Ako na pala ang magdadala nito sa kusina." Sabi ko sa nurse ng makita ang pinagkainan ni lola. Aayaw pa sana ito pero nagpilit ako.
"Ako na lang pababa din naman ako. Para hindi kana bumaba." Sabi ko sa kanya. Tumango na lang siya at nagpasalamat sa akin. Dinala ko ang tray sa kusina. Ilalapag ko na lang ang tray sa sink. Ng may magsalita sa likod ko.
"Bakit ikaw ang may dala niyan?" Sabi ni Kian na ikinagulat ko. Kaya nabitawan ko tuloy ang tray at nagkalat ang laman nito.
"Tssk, wala ka talagang ingat kumilos kahit kailan." Sabi nito sa akin. Saka tinulungan ako magdampot ng gamit na nalaglag.
"Hindi kasi ito malalaglag kung hindi ka nanggugulat." Sabi ko aa kanya.
"Ow, nagulat ba kita? Hindi ko alam na magugulatin din pala ang Lion." Sabi nito ng ilagay sa sink ang mga kutsara. Inis na tiningnan ko siya. Ewan ko bat naiilang ako dito ngayon.
"Alam mo bagay sayong pangalan Liona imbis Alona. Kasi para kang Lion e ang hirap mong paamuhin." Sabi nito uli.
"Alam mo kung wala kang ibang sasabihin mabuti pa iwanan mo na nga ako kasi nakaka bweisit ka lang." Inis na sabi ko sa kanya. Ngumiti ito sa akin. Lumakas tuloy ang t***k ng puso ko.
"Sinabi mo e, Your wish is my command.
Ikaw pa takot ko lang sa lion." Sabi nito saka umalis na. Inis na tiningnan ko na lang siya paalis. Paglingon ko nakita ko na kinain ng pusa ang natapon na pagkain kanina.Aktong huhugasan ko ang mga pinagkainan ni lola pumasok si Pat.
"Naku, miss Alona ako na daw po diyan. Sabi ni seniorito." Sabi niya sa akin. Huminga na lang ako ng malalim at hinayaan na si Pat na maghugas ng pinagkainan ni lola. Aalis na sana ako ng makita ko ang pusa na kumakain ng pagkain na natapon nakatumba na ito sa pagkain. Napakunot ang noo ko. Nilapitan ko ito. Nagulat ako ng malaman na patay na ito.
"Lason." Wala sa sarili na nasabi ko.
Kinabahan ako. Agad na bumalik ako sa silid ni Lola. Pagtingin ko nandun ang doctor nito kausap ni Kian.
"Anong nangyari kay lola?" Tanong ko kay Kian.
"Inatake siya uli. Nahirapan huminga." Sabi nito.
"Wag ka ng magalala ayos na siya." Sabi ni Kian sa akin. Nagaalala na napatingin ako kay lola na tulog na tulog. Hinawakan ko ang kamay nito.
"Sorry lola, Hindi ko alam." Bulong ko sa isip ko.
"Wag kayong magalala aalamin ko kung sino ang may gawa nito." Bulong ko sa isip ko.
"Ahm, nurse Anna. Sino po ang nagbigay sayo ng pagkain ni lola kanina? " Tanong ko sa nurse nang kami na lang.
" Si manang po miss Alona. Bakit po? " Tanong nito sa akin.
" Wala po. Mukhang nagustuhan kasi ni lola. " Sabi ko na lang. Saka napaisip.