Chapter 22

1548 Words
Sinalubong ako ng dalawang tauhan. Agad na sinuntok ko isa sa mukha bumagsak ito. aktong tutukan ako ng baril ng isa. Nahawakan ko kamay nito saka pinilipit ng maagaw ko ang baril pinukpok ko sa kanya. tulog ito na bumagsak. sumalubong pa sa amin ang iba pa pero agad na tinutukan ng baril ng mga tauhan ko ang mga ito saka inagawa ang mga baril nila at pinukpok sa mga ulo nila. mga tulog na bumagsak ang mga ito. Pinabubog ng mga tao ko ang iba pang tauhan. "Nasan ang leader niyo?" Sabi ko sa kanila. "N... Nasa loob." Sagot nito. binit bit ko ang mga ito. Naglakad amo papunta dun. Pagdating ko sa may pintuan sinipa ko ang pinto. Nagulat ang leader nila. Magagalit pa sana ito pero agad na hinampas ko ng baril ito sa mukha. "Sinabi ko na diba na wag niyo ng guguluhin ang mga tao namin diba?" Sabi ko dito. Saka hinampas ko uli ito sa mukha.Saka tinutukan ko ito sa ulo. "Pasensiya, Napagutusan lang po kami." Sabi nito na nanginginig sa takot. "Ayoko ko ng makikita pa ang pagmumukha niyo dito. Naiintindihan niyo? Sabihin niyo sa magaling niyong amo. Sa susunod na guluhin niya pa ang mga tauhan namin hindi lang yan ang aabutin niyo sa akin At hindi lang ito ang gagawin ko." Sabi ko sabay tinadtad ko ng bala ang mga sasakyan nila. Pagbalik ko nakita ko sila Primo na kararating lang. "Haays, Siguradong hindi na maayos ito." Sabi ni Reeve ng silipin nila ang mga nasa iniwan ko. puro bugbog sarado ang mga ito at mga walang malay. "Ano na naman ang ginawa mo?" Tanong ni Zuriel sa akin. "Wala, Nagpakilala lang ako sa Samañego na yun." Sagot ko kay Zuriel. "Hanep ang pagpapakilala mo ah, Halos hindi na makilala ang pagmumukha ng mga tauhan niya e." Sabi ni Neal. Natawa si Reeve sa sinabi nito. "Buti nga yan. Nauubusan narin ako ng pasensiya sa Samañego na yan. Matagal na tayong hinahamon niyan. Ayaw lang kasi naming patulan kasi ayaw ng gulo ng mga Elder." Sabi ni Reeve aa akin. " Pero ngayon sa ginawa ni Xian. Parang hinamon na natin sila. " Sabi ni Zuriel. " E di maganda ng magkaalaman na." Sabi ni Reeve. Hindi ako umimik. " Pano naman ang mga tauhan natin? " Tanong ni Primo sa amin. " Pinadala ko na muna kay mang Kanor sa gitna ng Hacienda ang mga tauhan natin. Sabi ko doon na muna sila hangat hindi pa natatapos ang gulo dito. " Sabi ko sa kanila. " O wala na palang problema sa mga tauhan natin." Sabi ni Neal. " Ang tanong sino ang magbabantay dito sa hangganan. siguradong gaganti ang mga yan sa ginawa ni Xian. " Sabi ni Zuriel. " Wag kayong magalala iiwan ko ang mga tao ko dito para magbantay. " Sabi ko sa kanila. " O wala na palang problema." Sabi ni Reeve. " Ano pang ginagawa natin dito. Pinapunta niyo pa ako dito. Sabi ko na sa inyo si Xian ang kailangan niyong dalahin sa mga Samañego na yan. Dahil ang balita ko mga pasaway daw talaga ang mga yan. Kaya hindi yan makukuha sa maayos na usapan na kagaya ng gusto niyo. Bagay sa kanila si Xian.Dahil siguradong ibibigay ang gusto nila. " Sabi ni Neal sa kanila na natatawa. Niyaya nila ako sa malaking bahay. Naginuman kami dun. " Kumusta na yung fiance ni Kia" Tanong ni Neal sa akin. " Ayun, pinababantayan ko nga ngayon yun. Kasi mukhang may gustong pumatay dun. Kaso hindi ko lang malaman kung sino ang kalaban namin." Sabi ko sa kanila. " Speaking of kalaban. May sasabihin din pala ako sayo. " Sabi ni Reeve sa akin. " Ano yun? " Tanong ko sa kanya. " May nalaman pala ako tungkol sa pagkamatay ng magulang mo." Sabi ni Reeve sa akin. Napakunot ang noo ko. "Anong ibig mong sabihin? " Tanong ko sa kanya. " Nalaman ko na yung sasakyan ng magulang mo nawalan pala ito ng preno. Isa pa nagkaroon ng tagas ang langis ng sasakyan nila. Ang pinagtataka ko matagal ng driver ng magulang mo ang driver na yun. Nakakapagtaka naman na hindi man lang niya napansin na may tagas ang langis. " Sabi niya sa akin napaisip ako. " Anong ibig mong sabihin may pumatay din sa mga magulang nila." Sabi ni Neal. " Maari. " Sagot naman ni Reeve. "Kung ganun maaring ang pumatay sa magulang nila ang siyang pumatay kay Kian." Sabi naman ni Zuriel. Napatingin ako dito. May punto siya. "At maaring ito rin ang gustong pumatay kay Alona ngayon." Bulong ko sa isip ko. Napatayo ako. "O saan ka na naman pupunta?" Tanong ni Reeve sa akin. "Uuwi na ako. Kung tama kayo sa sinasabi niyo. Nagaalala ako kay lola." Sabi ko sa kanila. " Sus ang sabihin mo nagaalala ka sa fiance ni Kian." Sabi ni Neal. " Gago ginaya mo naman ako sayo na walang pinipili basta babae." Sabi ko dito. Nagtawanan sila Reeve. " Uy, Maselan kaya ito no." Sabi naman ni Neal. " Maselan ka diyan. Kung sino ang lumapit sayo sa Bar pinapatulan mo agad. " Sabi ni Zuriel. " Alam mo bro may kasabihan nga tayo na masama ang umaayaw sa grasya." Sabi naman ni Neal. " Grasyahin mo mukha mo. Mamaya diyan imbis na grasya ang makuha mo diyan disgrasya ang abutin mo.Tingnan ko lang yang pagiging palekero mo. " Sabi ni Reeve dito. " Bakit ba ako ang nakita niyo. Wag kayong magalala hindi pa pinapanganak ang babae na pipikot sa akin. Bakit hindi etong si Zuriel ang hanapan niyo. Ni hindi ko man lang nabalitaan na nagkababae yan. puro papel na lang ang inaatupag niyan baka mamaya diyan tumandang binata yan sa kababasa ng mga kaso. " Sabi na naman nito na itinuro si Zuriel. " Loko baka gusto mong makatikim kay tita at kay Agatha pagnarinig sayo yan. Alam mo naman na bantay sarado nila si Zuriel. " Sabi ni Primo. Natawa kami. Dahil kilala namin ang mama ni Zuriel at kapatid masyadong mataas ang pamantayan nila pagdating sa magiging babae ni Zuriel. Kaya nga naghiwalay si Zuriel at ang unang nobya nito. Dahil inayawan ng Mama at kapatid niya yun. Gusto ng Mama ni Zuriel kasing yaman namin at kilala din sa lipunan ang babae na makakatuluyan nito. Kung hindi hindi sila palayag. Kaya nailing na lang ako. Nagpaalam na ako sa kanila. Gabi na ako dumating sa bahay. Sinalubong ako ni Leonard ang tauhan ko na pinagbantay ko kay Alona habang wala ako. " Kumusta siya? " Tanong ko dito. " Ayos lang siya Boss. Nasa silid niya na." Sagot nito sa akin. Tumango ako. " Magpahinga kana ako na ang magbabantay sa kanya. " Sabi ko saka pumasok na sa loob ng bahay. Nahbihis lang ako at lumabas ng silid ko. Naupo ako sa sofa na malapit sa terrace.May dala akong wine. Nakakailang baso palang ako ng makita ko siyang lumabas ng silid niya. Napakunot ang noo ko. Bumaba siya ng hagdan. Tiningnan ko lang siya. Nakarami na ako wala pa siya napakunot ang noo ko. Kinabahan ako tumayo ako at bumaba. tiningnan ko siya sa kusina wala siya. Tiningnan ko siya sa dining area wala rin siya. Tiningnan ko siya sa sala wala rin siya. Nang makarinig ako ng tunog ng tubig. Napalingon ako sa pool. Pumunta ako dito. Nagulat ako ng makita na bakalubog ito sa tubig habang nakapit . Tumalon ako agad sa tubig at nilapitan ito. Nataranta ako ng hindi ko siya magising. hinila ko siya sa taas saka inahon. "s**t! Alona gumising ka." Sabi ko habang tinatapik ang pisngi niya. pero wala parin itong malay. Pinump ko ang dib dib nito saka binigyan ng mouth to mouth resuscitation. Bumuga ito ng tubig saka umubo ng umubo. Nakahinga ako ng maluwag. Pero na walan ito ulit ng malay. Kaya nataranta ako. Lalo na ng maramdaman na mahina ang pulso niya. Tumawag ako sa pamily doctor namin. Binuhat ko siya sa silid niya. Kaso ng nasa silid na kami. Nagdalawang isip ako kung papano ko siya papalitan ng damit. Kasi basang basa ito. Pero pag hindi ko ito binihisan baka magkasakit ito. Kaya napamura ako. Pumasok ako ng closet niya. Kumuha ako ng damit niya. Saka bumalik ako sa tabi niya. "Bahala na nga." Bulong ko habang nanginginig ang kamay ko. "s**t! Bakit ba kinakabahan ako. Bibihisan ko lang naman siya." Bulong ko sa isip ko. Saka tinanggal sa pagkakabuhol ang robe niya. Napalunok ako ng tumambad sa akin ang manipis na pantulog niya. "s**t! Pasensiya na bro kailangan ko siyang bihisan." Bulong ko saka nagmamadali na hinubaran ko siya at pinalitan ng damit. Pawis na pawis ako nagpalita lang naman ako ng damit niya. Ng matapos ako kinumutan ko siya sakto namang dumating ang doctor. Napabuga ako ng hangin. "Kumusta doc?" Tanong ko sa doctor. "Ayos na siya. Buti nabigyan mo siya ng first aid. Humina ang pulso niya kasi natagalan siya sa tubig. Wag kang magalala maayos na ang fiance mo. Kunting pahinga lang mababawi niya rin ang lakas niya." Sabi ng doctor nagpasalamat ako dito. Nagpaalam na ito. Tinawag ko si Leonard at pinagbantay ko muna siya saka pumasok ako sa silid ko para maligo at magpalit ng damit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD