Chapter 21

1081 Words
Kinabukasan dumating ang mga tauhan ko. "Boss D, Kami po ang pinapunta ni James dito." Sabi ni Leonard. Tumango lang ako sa kanya. "Gusto ko bantayan niyo ang paligid." Sabi ko sa kanila. "Yes Boss." Sabi nito saka ikinalat ang mga tauhan namin. Paakyat na ako ng tumunog ang Phone ko. Napakunot ang noo ko ng makita na number lang ang nakalagay sa screen. "Hello?" Sabi ko ng sagutin ko ito. "Hello? Seniorito si kanor po ito." Sagot nito sa akin. Napaisip ako. "O, mang Kanor napatawag ka?" Tanong ko dito na nagtataka. Ngayon lang kasi may nagkalakas ng loob na tumawag sa akin na tauhan namin. "Seniorito pasensiya na po kung sa inyo ako tumawag. Hindi ko po kasi makontak si Seniora. Ang mga tanim po sa may hangganan nasunog po lahat." Sabi nito. Napakunot ang noo ko lalo. "Ano? Pano nangyari yun?" Tanong ko dito. "Wala po kasing nagsasalita sa mga tao dito puro po sila natatakot." Sabi ni mangkanor. Huminga ako ng malalim saka napatiim bagang. "Tinawagan niyo na ba sila Primo?" Tanong ko dito. "Opo parating na po sila." Sagot nito. "Sige hintayin niyo kami diyan pupunta kami diyan." Sabi ko sa kanya. "Salamat seniorito." Sabi nito at nagpaalam na sa akin. Pumasok ako ng bahay. Pinuntahan ko si lola sa silid niya.Nakita ko na nakahiga pa ito sa kama niya. "La, masama po ba ang pakiramdam niyo?" Tanong ko dito?" Ng mapansin na matamlay ito. " Wala ito kunting pahinga lang ito. Ganyan talaga pagtumatanda na. " Sabi nito sa akin. "tssk, ipapatawag ko ang doctor natin para matingnan ka. Siya nga pala aalis muna ako pupunta ako ng Hacienda. May konting problema dun tumawag si mang kanor sa akin. Kanina pa daw siya tumatawag sa inyo kaso hindi niya daw kayo makontak. " Sabi ko sa kanya. Napatingin ito sa akin. " Bakit ano daw ang nangyari sa Hacienda? ' Tanong nito sa akin. "Nanggugulo na naman yung mga tao ni Samañego. Kaya pupuntahan ko muna lola." Sabi ko dito. Hinawakan nito ang kamay ko. "Kailangan ko pa bang sumama?" Tanong nito sa akin. "Hindi na lola. Magpahinga na po kayo dito para makabawi po kayo ng lakas niyo." Sabi ko sa kanya. "Ipangako mo muna sa akin na magpapakahinahon ka dun." Sabi ni lola sa akin. Ngumiti ako dito. "Wag kayong magalala lola hindi lang naman ako ang nandun. Parating narin sila Primo." Sabi ko sa kanya. "Wala din akong tiwala sa mga pinsan mo na yun. Minsan sila pa ang nangbubuyo sayo sa gulo." Sabi ni lola. Hinawakan ko ang kamay niya. "Wag na po kayong magalala lola. Pangako hahayaan ko sila Primo na makipagusap sa kanila." Sabi ko kay lola. Tumingin lang ito sa akin. "Haay, ano paba ang magagawa ko. Nanghihina talaga ako ngayon. Hala sige na at baka kailangan nga ng mga tao dun ng tulong." Sabi niya sa akin. "Siya nga pala Isasama mo ba si Alona?" Tanong nito. Huminga ako ng malalim. "Kahit gustuhin ko pang isama yun siguradong hindi yun sasama sa akin. Kita niyong umiinit agad ang ulo nun makita lang ako." Sabi ko kay lola. Tumawa si lola. " Ikaw naman kasi wala kang gawin kundi bwisitin ang tao." Sabi ni lola sa akin. "Hindi naman kaya lola. Talaga lang pinaglihi yata sa lion ang babae na yun. Kahit pakitaan mo na ng mabuti lagi paring galit ang hirap paamuhin." Sagot ko kay lola. Natawa uli ito. " Hindi mo lang kasi siya nakikilala pero oras na makilala mo siya makikita mo na mabait at malambing si Alona." Sabi ni lola napapalatak na lang ako. Nagpaalam na ako dito saka humalik sa kanya. Umiling na lang ito. Pagdating ko sa Hacienda Sinalubong ako ni mangkanor. "Kumusta na mang kanor?" Tanong ko dito. "Buti naman at dumating na po kayo Seniorito." Sabi nito sa akin. "Nandiyan na naman ang mga tauhan ng mga Samañego tinatakot na naman ang mga tao natin sa may hanganan." Sabi nito. Napakunot ang noo ko. "Sige po mang kanor pupuntahan ko po sila." Sabi ni mang kanor. Saka sumakay uli ako sa sasakyan ko. Pagdating ko nagkakagulo ang mga tao dun sa hangganan. Pagbaba ko nakita ko na nagiiyakan ang mga pamilya ng isang matandang trabahador. "Anong nangyayari dito?" Tanong ko ng lapitan ko sila. "Seniorito, buti po dumating kayo. Somusobra na po ang mga tauhan ng mga Samañego na yan. Hindi na po namin kinakaya ang ginagawa nila sa amin. " Sabi ng matandang babae. " Ano po ba ang ginawa nila sa inyo? " Tanong ko sa kanila. " Pagkatapos nilang sunugjn ang mga tanim namin kagabi. Kaninang umaga naman binalikan nila kami dito at pinatitigil nila kami sa pagtatrabaho. Pero hindi kami tumigil sa paglilinis ng mga sinunog nila na mga tanim namin. Ang ginawa nila binugbog nila ang asawa ko. Tinatakot nila ang mga tao dito na kapag hindi tumigil sa pagtatrabaho bubogbugin nila kami hangang hindi na kami makakilos. " Sabi ng matanda napatiim bagang ako. Sa narinig. Napakunot ang noo ko. Lumakad ako pabalik sa sasakyan ko. Kinuha ko ang baril ko saka siniksik sa bewang ko. "Seniorito, hindi niyo po ba aantayin sila seniorito Primo?" Tanong ni mang kanor sa akin. " Hindi na. Dalahin niyo sa ospital ang tauhan na nasaktan. Paalisin niyo po muna ang mga tao dito. Dalahin niyo muna sa ibang lugar at doon niyo pagtrabahuin. Wag na muna silang babalik dito hangat hindi ko sinasabi. Aayusin ko lang ang problema dito.Sabi ko kay mang kanor. Kinabahan si mang kanor. "Pero seniorito baka po magalit si seniora at ang mga elder sa gagawin niyo?" Sabi ni mang kanor. " Mang kanor sino po ba ang kausap niyo ngayon? Sa palagay niyo po ba may pakialam ako sa galit ng mga elder. Isa pa binigyan ko na po sila ng babala. Ipapakita ko lang sa kanila na ang black ship ng Villa real ay hindi nakikipagbiruan sa kanila.Kaya pagdumating sila Primo sabihin niyo nauna na ako sa kanila kasi ang babagal nila kumilos." Sabi ko saka naglakad na papunta sa likod ng mga bahay kasama ko ang mga tao ko. Napakamot na lang sa ulo si mangkanor. " Na lagot na. Mali ata na siya ang tunawagan ko. " Bulong ni mang kanor. Saka kinausap ang mga tao. Pagdating ko sa likod ng mga bahay nakita ko ang bakod na sinira ng mga tauhan ng mga Samañego. Walang ano ano akong pumasok dito naka sunod ang mga tauhan ko sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD