" Tiyak na magugulat sila Papa pag nagpangap ka na si Kian. " Sabi ni Zuriel.
" Alam ko. Kaya kayo na ang bahala magpaliwanag sa kanila." Sabi ko sa kanila. Tumango sila.
" Paano ang fiance ni Kian siguradong kilala niya si Kian. " Sabi ni Neal.
" Sabi ni lola may temporary amnesia daw ito. Pero hindi ako naniniwala." Sabi ko sa kanila.
" Kaya ba nais mong magpangap na si Kian dahil sa kanya? " Tanong ni Reeve.
" Isa lang siya sa dahilan. Nais kong malaman kung talagang na wala ba talaga ang memorya niya o may kinalaman siya sa nangyari sa kapatid ko." Sabi ko sa kanila.
" Kung ganun ihahanda ko na ang mga kailangan mo sa pagpapangap mo bilang Kian." Sabi ni Zuriel.
" Sigurado ka ba sa balak mo? " Sabi naman ni Primo sa akin. Tumango ako.
" Kung ganun sasabihan ko na ang mga elder. Siguradong magaalala sila dahil ikaw na ang hahawak ng company niyo. Sa bagay maganda narin yun ng makilala nila ang totoong Xian. " Sabi ni Primo na natatawa. Huminga na lang ako ng malalim sila lang ang totoong nakakakilala sa akin. Kasama na ang kapatid ko.
" So paano mauna na kami. Hindi kapaba sasabay sa amin? " Sabi ni Reeve.
" Mauna na kayo. " Sabi ko sa kanila. Tumango na lang sila.
" Kian, sorry nahuli ako ng dating. Hindi na tayo nagkita ng personal. Alam ko na malaki ang pagkukulang ko sa inyo nila Mama. Pero pinapangako ko sayo na pagbabayarin ko ng malaki ang gumawa sayo nito. Hindi ako titigil hangat hindi ko nalalaman ang dahilan ng kamatayan mo. " Bulong ko habang nagtatagis ang bagang ko. Naalala ko yung huli naming paguusap. Napaka saya niya nun dahil magkikita na kami. Excited pa siya na ipakilala sa akin ang fiance niya. Nagtagis ang bagang ko. Huminga ako ng malalim. Kailangan kong maging mahinahon. Kailangan kung malaman kung sino ang pumatay sa kapatid ko. Doon man lang makabawi ako sa pagkukulang ko sa kapatid ko. Kinuha ko ang Cell phone ko at may tinawagan.
" James, ikaw na muna ang bahala diyan mukhang matatagalan ako bago makabalik. May importante lang akong tatapusin dito. " Sabi ko sa kanang kamay ko.
" Ayos lang D wag kang magaalala. Ako na ang bahala dito." Sagot niya sa akin.
"Salamat. Pag may problema tawagan mo ako." Sabi ko sa kanya.
"Areglado." Sagot niya uli. Pinatay ko na ang phone ko. Lumabas na ako ng sementeryo. Agad na bunuksan ng tauhan ko ang pintuan ng sasakyan.
"Saan tayo Boss?" Tanong nito sa akin.
"Sa ospital." Sagot ko dito. Habang nasa daan nagiisip ako ng susunod na gagawin ko. Kung saan ako maguumpisa. Wala silang nakuhang ebedensiya.
"Malinis magtrabaho ang gumawa. Mukhang bihasa na siya. Alam na alam niya na walang kasamang driver ang kapatid ko nung araw na yun.
Pati ang CCTV nung araw na yun sinira niya. Pinasabog niya ang lugar para walang maiwan na ebedensiya. Pero ayon kay Reeve may tama ng bala ang kapatid ko sa dib dib. Maaring patay na ito bago pa sumabog ang lugar. Kaya may posibilidad na may kinalaman ang fiance niya."
Bulong ko sa isip ko.
"Pero sabi ni Reeve sa tabi ng bintana natagpuan ang bangkay ng kapatid ko. May posibilidad daw na buhay pa ito at ito ang nagpatakas sa fiance niya bago pa sumabog ang lugar." Bulong ko uli.
Pero naniniwala talaga ako na may kinalaman siya sa pagkamatay ng kapatid ko.
" Kaya humanda ka babae. Ayusin mo ang pagarte mo yung mapapabilib mo ako. " Bulong ko saka naikuyom ko ang kamao ko.
" Xian! " Tawag sa akin ni lola ng makita niya ako.
"Buti naman at naisipan mong dalawin ang fiance ng kapatid mo." Sabi ni lola sa akin. Sinama niya ako sa room nito.Nagtagis ang bagang ko ng makita ko na nakahiga ito. May mga benda ito.
"Kumusta na ang lagay niya?" Tanong ko sa lola ko.
" Ayos na ang lagay niya. Kaso may temporary amnesia siya. " Sagot ni lola sa akin.
" Siguradong nagpapangap lang siya. " Bulong ko. Sinabi ko ang balak ko kay lola. Napatingin siya sa akin.
" Sigurado ka ba apo sa balak mo? " Tanong niya sa akin. Tumango ako. Huminga siya ng malalim.
" Ikaw ang bahala sana nga mahuli niyo ang tunay na may gawa nun sa kapatid mo. " Sabi ni lola sa akin.
" Wag kayong magalala lola hindi ako titigil hangat hindi ko siya nahuhuli. " Sabi ko kay lola. Nagpunas ito ng luha. Nagpaalam na ako sabi ko babalik na lang ako may aasikasuhin pa kami nila Reeve.
Kinabukasan naging bisita ko si Reeve at si Zuriel.
Nasa isang condo ako ni Kian.
"Yan ang nakuha ng mga doctor na nasa kamay ng fiance niya ng isugod ito sa ospital." Sabi ni Zuriel.
Napakunot ang noo ko.
"Sa tingin ko buhay pa ang kapatid mo bago sumabog ang lugar. Siya ang nagpatalon sa fiance niya sa bintana." Sabi ni Reeve sa akin. Huminga ako ng malalim.
" Nakita mo na ba ang fiance mo? " Tanong nito sa akin. Napakunot ang noo ko.
" Di ba ikaw na si Kian mula ngayon? So fiance mo na ang fiance niya. " Sabi nito. Hindi na ako umimik alam ko na iniinis niya lang ako. Tumawa si Zuriel.
" Dapat masanay ka na. Saka hindi ba dapat ikaw ang nagbabantay sa kanya.
Mamaya makahalat yun na hindi ikaw si Kian. Dapat nandun ka sa tabi niya dahil ikaw ang fiance niya. " Sabi uli nito. Napaisip ako sa sinabi niya. Pero parang ayaw kong makita ang babae na yun. Umiinit lang ang ulo ko. Naiisip ko na siya ang may kasalanan kung bakit wala na ang kapatid ko. Dahil kung hindi sa kanya hindi luluwas ng maynila ang kapatid ko. Buhay pa sana ito. Naikuyom ko ang kamao ko.
"Relax, tandaan mo hindi na ikaw si Xian ngayon ikaw na si Kian ang kapatid mo. Kaya dapat kang magiingat sa ikikilos mo." Sabi ni Zuriel sa akin. Huminga ako ng malalim.
"Hindi ko alam kung papano ako hihinahon sa tuwing naiisip ko ang nangyari sa kapatid ko umiinit na agad ang ulo ko." Sabi ko. Huminga sila ng malalim.