Pagdating namin Nakita ko na tulog na tulog si Liam katabi ang mga bata. Napangiti ako. Nilapag namin ang pagkain na dala namin sa lamesa. Hinubad ko ang Jacket ko at sapatos ko. Saka ako nahiga sa gilid.
"Hindi kana kakain?" Tanong niya sa akin.
"Hindi na busog ako." Sagot ko sa kanya.
"Sige ikaw ang bahala. Ako din busog din. Tulog na lang tayo." Sabi nito sabay tabi sa akin at yumakap sa akin. Napailing na lang ako dito.
Nagising ako sa ingay nila.
"Ayan gising na si ate Alona." Sabi ng isang bata. Pagtingin ko nagkakatuwaan si Liam at chloe.
"Alona nagyaya si Chloe na manood ng sine." Sabi ni Liam.
"Mukhang malaki ang kinita nito kagabi." Sabi uli nito. Bumangon na ako.
"Sige na, isama natin ang mga bata." Sabi ni chloe. Tumango na lang ako saka kumuha ng damit at tuwalya at pumasok sa banyo. Tuwang tuwa sila.
Harutan sila ng harutan habang nasa mall kami. Nanood kami ng sine. paglabas namin kumain kami sa labas. Maya maya sinisiko ako ni Liam. Napatingin ako sa kanya. Nginuso niya sa akin ang palapit sa amin. Napakunot ang noo ko ng makita si Kaizar.
"Mukhang malaki ang kinita natin ah!. Nagpapakasaya tayo ngayon ah. " Sabi nito sa akin.
" Ah, Oo naman sa totoo lang may balak pa nga akong bumili ng gamit sa bahay namin mamaya bago ako umuwi. " Sabi ko dito. Tinitigan niya ako inis na tinitigan ko din siya.
" Bakit may problema ba Kaizar? " Malambing na tanong ni Chloe dito.
" Hanggang nagyon kasi iniimbistigahan pa namin kung sino ang nakapasok sa Planitarium at nilimas ang laman nito noong isang gabi. " Sabi nito.
" Talaga? May lead na ba kayo kung sino ang pumasok dito? " Malambing na namang tanong ni Chloe dito.
" Sa ngayon wala pa. Pero alam ko na makakakuha din ako ng ebedensiya na magtuturo sa gumawa nun." Sabi niya sa amin habang nakatingin sa akin.
" Pano mo mahahanap kong nandito ka sa mall at nakikipag kwentuhan pa sa amin." Sarkastika na sabi ko dito. Inis na tiningnan niya ako. Saka nagpaalam na kay Chloe.
" Alam mo may gusto na yata sayo yun e. " Sabi ni Liam.
" Gago! " Sabi ko dito. Tumawa ito ng tumawa. Hapon na ng umuwi kami.
***XIAN POV#***
Hindi na ako nakauwi ng pilipinas dahil naging sunod sunod ang shipment ko.Hindi pa may nanggugulo na grupo sa business ko. Kaya marami akong kailangan asikasuhin.
"Kuya kailan ka ba uuwi dito ng pilipinas napakarami ng naiwan na obligasyon nila Papa sa akin wala akong makatulong dito." Sabi ni Kian sa akin tumawag ito para magpatulong sa akin.
"Anu ka ba. Alam ko na kaya mo yan. Saka sabi ko naman sayo diba na kung nalilito ka tumawag ka lang sa akin tutulungan kita. Pero hindi ako pwedeng umuwi diyan alam mo naman ang dahilan diba saka naandiyan naman si Lola at sila Reeve para somoporta sayo." Sabi ko sa kanya. Hindi ito umimik.
" Hey! Alam ko na kaya mo yan. May tiwala ako sayo, Idol kaya kita. " Sabi ko sa Kanya. pumalatak ito. Natawa ako.Alam ko na nagtatampo na ito sa akin.
Mabilis lumipas ang panahon nalaman ko na nakilala na sa mundo ng business ang Pangalan ng kapatid ko. Pero kagaya ng Lolo ko walang nakakakilala ng itsura niya. Ganyan ang mga Villa real kilalang kilala ang ipilyido namin sa lahat ng sulok ng mundo pero walang nakakakilala sa mga batang Villa real Ayaw namin may makakilala sa amin dahil gusto namin na malaya kaming nakakakilos ng hindi kami pinangingilagan ng mga tao. Kagaya ko may kanya kanya ding agenda ang mga pinsan at Kapatid ko.
"Nabalitaan ko na nangunguna na naman sa stack market ang business mo ah." Sabi ko dito.
" Utang ko yun sayo kuya. Kung hindi mo ako tinuruan kung ano ang gagawin ko hindi ako ang mangunguna at hindi ko makukuha ang mga bigating investor."
Sabi nito sa akin. Real state kasi ang business namin. Mas napalago niya ito kilala na ngayon ang pangalan ng company namin sa buong mundo. Isa na siya sa kilala na batang bata na business tycoon. Kaya pinagmamalaki ito ng Lolo namin.
"Ang sabihin mo talagang matalino ka lang. Kaya nga may tiwala kami sayo lahat." Sabi ko dito saka nagtawanan kami.
"Kuya kailan ka ba uuwi dito sa pilipinas?" Tanong nito sa akin. Napaisip ako. Sa bagay maayos na naman lahat dito.
"Sige uuwi ako diyan bago matapos ang taon na ito." Sabi ko sa kanya.
"Sigurado na yan kuya ha?" Sabi niya sa akin.
"Bakit ba gusto mo parin akong umuwi diyan?" Tanong ko sa kanya.
"Gusto ko na kasing magpropose kay Alona. Gusto ko nandito ka sa kasal ko." Sabi niya sa akin. Napaisip ako hindi kasi siya nagkwekwento tungkol sa private life niya sa akin.
"Eto ba ang bago mong Girlfriend ngayon?" Tanong ko sa kanya.
"Ano ka ba kuya ilang buwan narin naman kami ni Alona. Pag nakilala mo siya siguradong magugustuhn mo siya masyado siyang malambing." Sabi niya sa akin.
" Kung ganun seryoso ka na talaga sa kanya. Mukhang tinamaan na ni kupido ang kapatid ko ah." Biro ko sa kanya. Tumawa siya.
" Sige makauwi nga diyan ng makilala ko naman ang magiging hipag ko at mabistahan ko narin ang pamilya niya." Biro ko uli dito.
"Ano ka ba kuya wala na siyang pamilya. Ulila na si Alona kapareho natin. " Sabi nito. Napaisip ako.
" Parang gusto kong makilala yang girlfriend mo na yan. " Sabi ko sa kanya. Tumawa siya.
" Sige aayusin ko ang mga schedule ko para makapagbakasyon ako diyan. " Sabi ko uli.
" Sige sasabihin ko sa kanya." Tuwang tuwa na sabi niya sa akin. Napangiti na lang ako sa kanya.
Inayos ko ang mga kailangan kong ayusin.
" Talagang uuwi ka ng pilipinas Boss? " Tanong sa akin ng tauhan ko.
" Oo. Ng magkita naman kami ng kapatid ko." Sabi ko dito.
" Wag kang magalala Boss hindi namin pababayaan ang negosyo natin dito. " Sabi nito. Alam ko naman yun kaya nga ako kampante. Na iwan sila at umuwi sa pilipinas. Dahil alam ko na mapagkaktiwalaan ko sila.