Chapter 4

1630 Words
***ALONA POV#*** Kanina pa kami nakatingin sa mga naglalakad pero wala akong makitang magiging biktima namin. Maya maya kinalabit ako ni Liam may inginuso sa akin. Napatingin ako sa tawid. Nakita ko na nakatingin na naman sa akin ang pulis na laging nakabantay sa akin. "Kung minamalas ka nga naman O. Maalat na nga may dumating pang asungot." Sabi ko saka tumayo sa kinauupuan ko. Natawa si Liam. "Ikaw naman alam mo naman na hindi kompleto ang araw niyan kung hindi ka nakikita." Sabi ni Liam. Mas lalong umasim ang mukha ko. Naglakad na ako palayo. " Hoy! Saan ang punta mo? " Tanong ni Liam sa akin. " Doon sa walang asungot na aalialigid. Baka malasin pa ang buong araw ko. Kawawa naman ang mga bata. " Sagot ko dito na hindi lumilingon. " Sige good luck na lang. " Sabi uli ni Liam sa akin. Kumaway na lang ako dito. Pumunta ako sa harap ng isang tower. Pinagmasdan ko ang paligid. Magdidilim na wala parin akong kita. Nakita ko na nalilibang ang guard sa pakikipagkwentuhan sa isang lalake. Mukhang driver yata ito. Lumapit ako malapit sa kanila bumili ako ng candy sa nagtitinda ng sigarilyo sa tabi ng pintuan. Ng mapalingon ako sa isang matanda na nagkakandahirap sa pagbitbit sa mga pinamili niya. Nilapitan ko ito. " Tulungan ko na po kayo. " Sabi ko dito. Tumingin ito sa akin. Saka tinitigan ako. nginitian ko ito. "Tulungan ko na po kayo. Paakyat din po ako sa taas." Sabi ko uli dito. "Ganun ba salamat ha." Sabi nito saka ngumiti sa akin at binigay sa akin ang ibang dala niya. Sumabay na ako sa kanya sa pagpasok sa loob.Binati siya ng guard ngumiti ito sa guard. Pagpasok namin nilibot ko ang paningin ko sa loob. Nakita ko na napapalibutan ito ng mga CCTV. "Dito ka din ba nakatira?" Tanong niya sa akin ng nasa elevator na kami. Napalingon ako sa kanya. Kami lang ang sakay ng elevator. "Hindi po, may dadalawin lang po ako na kaibigan ko." Pagsisinungaling ko. Tumango siya. "Bakit wala po kayong kasama?" Tanong ko dito. "Haay, may lakad kasi ang asawa ko. Hindi niya naman alam na pupunta ako sa anak namin. Napadaan kasi ako sa mga Sale sa mall naisip ko na bumili at dalahin dito sa anak ko." Sabi niya. Napatango na lang ako. Naisip ko tuloy masarap siguro magkaroon ng nanay na katulad niya hindi ko kasi naranasan. Paglabas namin naglakad pa kami sa hallway. Nakita ko na puro sarado ang mga pintuan. Puro kailangan ng card para mabuksan mo ang pintuan. Bawat pintuan pa may CCTV na naka lagay. "Mukhang mahihirapan ako dito. Mga mayayaman talaga ang mga nakatira dito kaya masyadong protektado ang paligid. Mukhang wala akong mapapala dito. " Bulong ko. Huminto kami sa isang pintuan. Nag buzzer siya maya maya may lumabas na isang babae na medyo bata pa. " Mommy! " Sabi nito kinuha ang nga dala ng matanda. Inabot ko sa isang may edad na kasama niya ang dala ko. " Bakit hindi na lang kayo tumawag sa akin? " Sabi ng babae. " Haay, nakalimutan ko na naman ang CP ko sa bahay. " Sabi ng matanda. "Hindi na naman kayo nagdala ng driver niyo no? " Sabi uli ng babae. Nilapag ko na ang mga dala ko sa sala. " Haay, Kaya ko naman magdrive. " Sabi uli ng matanda. Umiiling na lang ang babae ng mapatingin ito sa akin. " Ahhm. Aalis na po ako. " Sabi ko sa matanda. Napatingin ang babae sa matanda. " Nakasabay ko siya papasok dito. Nakita niya ako kaya tinulungan niya na lang ako sa mga dala ko. " Sabi ng matanda sa anak niya. " Nakakahiya naman mom. Nangabala ka pa ng ibang tao." Sabi uli ng babae. Ngumiti ako dito. " Ayos lang papasok din naman ako." Pagsisinungaling ko. Nagpaalam na ako sa kanila. Pinipilit nila ako na kumain pero tinanggihan ko. Hindi naman pagkain ang dahilan kung bakit ako sumabay sa matanda. Paglabas ko Sumakay ako sa elevator umakyat ako sa sumunod na palapag. Napanganga ako sa ganda ng paligid. Tiningnan ko isa isa ang mga CCTV pero wala akong nakikita na pintuan. Nawawalan na ako ng pagasa ng makakita ako ng pintuan sa dulo. Napangiti ako ng makita na nakabukas ito. Nakauwang ito ng konti. Mukhang hindi napansin ng may ari na hindi niya nailapat ang pintuan. Mabilis na pumasok ako sa loob. Nagulat ako ng makita na nakapatay ang ilaw. Hindi muna ako kumilos. Sinanay ko muna ang mga mata ko sa dilim bago ako kumilos. Nilabas ko ang maliit na penlight ko. "Lumabas siguro ang may ari akala niya naisara niya ng maigi ang pintuan ang hindi niya alam hindi naman niya nailapat ang pintuan." Bulong ko. Nilibot ko ang paningin sa paligid. "Grabe.. Tiba tiba ako dito." Bulong ko ng makita ang mga mamahaling gamit sa paligid. Ang luwang ng condo na ito. Binuksan ko ang isang pintuan. Napangiti ako ng makita ko ang isang laptop nilapitan ko ito nilagay ko sa bag ko. Binuksan ko ang mga drawer. Nakakita ako ng isang maliit na box. Ng buksan ko ito napangiti ako ng makita ang isang sing sing. "Kapagsinuswerte ka nga naman. Mukhang purong diyamante ito." Sabi ko habang nakatingin sa sing sing puro bato ito at may malaking bato sa gitna. Sinuot ko ito natuwa ako kasi sukat sa daliri ko. Pagtingin ko sa tabi ng lampshade nakakita ako ng isang relos at isang kwintas na pambabae. Kinuha ko ito at sinuot. Naghalungkat pa ako sa paligid. Wala na akong nakita. Ng aktong bubuksan ko na ang pintuan para lumipat sa kabilang silid. Nakarinig ako ng kaloskos iniliwan ko uli ang paligid. Napakunot ang noo ko ng makarinig ako ng ungol.Sinundan ko ito nakakita ko na may dalawa pang pintuan. Binuksan ko isa isa nakita ko na banyo ang isa ng Buksan ko ang isa nakita ko na Closet ito. Nakarinig ako uli ng kaloskos at Ungol. Kinabahan ako naging alerto ako sa paligid. "May tao dito hindi ako nagiisa." Bulong ko. Saka pinatay ko ang penlight ko. Pinatalas ko ang pakiramdam ko. Nakarinig uli ako ng ungol. Sinundan ko ito. Nagulat ako ng matisod ako sa isang bagay na nakaharang sa sahig at natumba ako. Naging alerto ako ng marinig na umungol ito naramdaman ko na basa ang nadiinan ko. Kaya binuksan ko ang penlight ko. Nanlaki ang mata ko ng makita na puro dugo ang kamay ko. Inilawan ko ang nasa tabi ko. Laking gulat ko ng makita ang isang lalake na naliligo sa dugo. Nakagapos ito. Nataranta ako aktong tatayo ako ng umungol ito. Nagtalo ang isip ko kung iiwan ko ba ito O tutulungan ko. Umungol uli ito kaya napapikit na lang ako saka humarap dito. "Bahala na nga." Bulong ko saka hinawakan ko ang leeg nito. "Buhay pa siya." Bulong ko. Humarap ako sa kanya. "Mr. Ayos ka lang ba?" Tanong ko dito. Dumilat ito at umungol. Tinangal ko ang busal nito sa bibig. "Wag ka munang magsasalita. Ipunin mo ang lakas mo dadalahin kita sa Ospital." Sabi ko dito. Tinanggalan ko ang pagkakagapos nito. Nakita ko na malala ang tama nito marami narin ang dugo na nawala dito.Naghalungkat ako sa paligid. Kumuha ako ng damit at sinturon. " U... Um.. Alis.. K.. Ana." Sabi niya na nanghihina na. " Wag ka ng magsalita. Dadalahin kita sa ospital. " Sabi ko dito at sinalpakan ko ng damit ang sugat nito saka tinalian ko ng sinturon. Hinawakan niya ang kamay ko. " T.. Uma.. Kas.. Ka.. na... M.. May... Bom... Ba.. Di.. to. " Sabi niya natigilan ako saka ko lang nakita ang box na nasa tabi namin. May nagbliblink na ilaw dito. " s**t! " Bulong ko. Nakita ko na limang minuto na lang ang nakalagay dito. " Bilis humawak ka sa akin Mr. Kailangan natin makaalis dito agad. " Sabi ko dito saka binuhat ito. Aktong bubuksan ko na ang pintuan ng makarinig ako ng nagmamadaling yabag. Natigilan ako. "s**t! May tao." Bulong ko. "Bakit mo kasi kinalimutan ang laptop niya." Sabi ng boses lalake. Binuksan ko ng konti ang pintuan ng Closet. Sapat para makita ko ang tao sa labas ng Closet nakita ko ang isang lalake at babae. "Sila siguro ang nag gapos sa lalake na hawak ko." Bulong ko sa isip ko. "Dito ko lang nakita yun kanina pati ang kwintas at relos ko. Wala narin." Sabi ng babae. "Hayaan mo na nga yun. Hindi din naman yun magagamit laban sa atin dahil sasama naman yun sa pag sabog ng lugar nato." Sabi ng lalake. "Halika na bilisan mo sasabog natong condo na ito." Sabi uli ng lalake. Napatingin ako sa Bomba na nasa lapag. Napapikit ako. Tatlong minuto na lang. Ng makita ko na nakalabas na ng silid ang dalawa. Nagmamadali kong inakay ang lalake. "Tu... Ma... Kas .. Kana.. Wa.. La.. Ng Oras." Sabi nito. Hinubad nito ang kwintas niya saka inabot sa akin. "I... Bigay... Mo.. Yan sa... Kapatid... Ko.. Please.." Sabi niya saka ito nawalan ng malay. "s**t! Mr." Sabi ko. "Hoy! Mr. Wag ka munang mawawalan ng malay hindi kita kaya." Sabi ko saka napamura ng makita na isang minuto na lang. Hinila ko ito kaso ng bubuksan ko ang pintuan ng kwarto naka lock ito. Napamura ako. Nakita ko na seconds na lang. Kaya binukasan ko ang bintana nakita ko na nasa taas kami. Pero pool ang babagsakan ko. Kaso hindi ko madadala ang lalake. Nagdalawang isip ako kung iiwan ko siya pero wala na akong magagawa wala ng oras. Kaya kahit ayaw ko siyang iwan umakyat ako sa bintana saka tumalon sakto lang na tumatalon ako ng sumabog ang Condo. Naramdaman ko pa na may tumama sa akin bago ako nawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD