****ALONA POV#****
Kanina pa ako naghihintay ng pagkakataon. Kanina ko pa minamatyagan ang isang sasakyan.
Ng makakuha ng pagkakataon pa simple akong lumapit dito. Sinubukan kong buksan ang pintuan pero nakasara ito.
Kaya kinuha ko ang pin ko sa buhok saka kinalikot ang pintuan ng sasakyan maya maya nabuksan na ito. Pasimple akong pumasok sa loob.
"Sabi ko na tiba tiba ako dito." Bulong ko. Saka kinuha ang bag na nasa likod ko.
"Pasensiya na binabawasan ko lang ang pera niyo masyado ng marami. Kaya dapat niyo ng ibahagi." Bulong ko uli habang sinasara ang sasakyan saka parang wala lang na naglakad palayo.
"Putcha paldo na naman tayo ngayo ah." Sabi ni Liam ng makita na dumarating ako na may dala na pagkain para sa mga batang lansangan.
"Nandito si ate Alona!!" Sigaw ng isang Bata na napakadungis saka ginising ang ibang bata na natutulog sa bangketa.
"O, Hati hati kayo diyan. Wag kayong mag agawan." Sabi ko saka binaba ang isang bilao ng pansit at dalawang litchong manok na binili ko kanina.
"May nagbigay lang ng biyaya. Kaya binabahagi ko lang." Sabi ko dito.
"Bat ako. Asan ang bahagi ko?" Tanong nito sa akin. Binatukan ko ito.
"Ulol damulag ka na. Dapat naghahanap ka din ng magbibigay ng biyaya sayo." Sabi ko sa kanya. Kakamot kamot ito ng ulo. Inabot ko sa kanya ang isang supot nagliwanag ang mukha nito.
"Wow siopao! Sabi ko na nga ba hindi mo din ako matitiis." Sabi nito saka sinimulan ng Kainin ang binigay kong siopao. Pinagmasdan ko ang mga bata. Na nagsisikain. Naalala ko ang sarili ko nung maulila ako sa mga magulang ko. Kagaya din nila ako sa kalsada natutulog. Kinailangan kong maging matapang upang mabuhay. Bawal maging mahina kung gusto mong mabuhay kailangan matatag ka at palaban. Yan ang patakaran sa lansangan.
" Liam!" Tawag ko kay Liam.
" Hmm." Sagot nito habang puno ang bibig.
" Balak ko sumama sa lakad nila Tisoy. Bukas ng gabi. Pag naging maayos ang lakad namin.Kukunin ko na ang mga bata." Sabi ko dito. Isa ding ulila si Liam at Chloe. Si Chloe nagtrabaho sa club kaya libre tirahan. Kami ni Liam kung saan saan lang. Hindi humihiwalay sa akin si Liam. Walang gumagalaw sa amin dahil kilala nila ako. Hindi kailanman ako nagpatalo at nagpahawak kahit kanino.
"Ano kaba Alona? Alam mo ba ang sinasabi mo?" Sabi niya sa akin. Saka uminom sa mineral na hawak.
"Alam mo na hawak ni Minard ang mga yan." Sabi nito sa akin.
"Alam ko. May naisip na ako para pumayag ang loko na yun." Sabi ko dito. Napatingin ito sa akin.
" Kinakabahan ako sa binabalak mo." Sabi niya sa akin. Hindi ako umimik.
Kinagabihan sumama ako sa lakad ng grupo nila Tisoy.
"Mauuna ako. Antayin niyo ang senyas ko." Sabi ko sa kanila. Tumango sila.
Umakyat na ako sa bakod. Pagdating ko sa taas ng bakod. Tiningnan ko ang pligid nakita ko ang CCTV na nakakalat sa bakod. Pinagaralan ko ang galaw nito maya maya tumalon na ako sa baba. Nakiramdam ako. Dahan dahan akong pumunta sa gate nakita ko na natutulog ang guard. Kinuha ko ang spray sa bag ko. Inisprayhan ko ang mukha nito. Maya maya binuksan ko na ang gate. Pumasok na sila Tisoy. Pumasok na kami sa loob ng bahay.
" Grabee, tiba tiba tayo mga antique ang mga gamit." Sabi ng isa. Kinuha namin ang mga lalagyan namin. Umakyat ako sa taas. Pinasok ko ang isang silid. Sinabi na sa akin ni Tisoy na wala ngayon ang may ari ng bahay may pinuntahan. Kaya lang daw punong puno ng CCTV ang bahay. Kaya sinabi ko na sa kanila kanina ang gagawin nila sa mga CCTV.
" Iba ka talaga Alona kapag dumiskarte." Sabi ni Tisoy aktong yayakap ito sa akin ng ambahan ko ito ng suntok. Tumawa na lang ito. Tuwang tuwa sila ng maghiwahiwalay kami.
****
" Sigurado ka sa gagawin mo Alona? " Tanong ni Liam sa akin.
" Mukha bang nagbibiro ako?" Tanong ko sa kanya. Tumingin siya sa akin.
"Mukha ngang seryoso ka." Sabi niya saka humabol na sa akin. Pumunta ako sa tambayan ng grupo ni Minard.Nakita ko na nagkakalat ang mga tao niya.
" Nasan si Minard? " Tanong ko sa isang tao niya. Tiningnan ako nito mula ulo hangang paa.
" Bakit anong kailangan mo? " Tanong nito sa akin.
" Sabihin mo hinahanap siya ni Alona." Sabi ko dito lumapit ang isang babae.
" At sino ka para ipatawag si Minard? " Tanong nito sa akin saka tiningnan ako ng masama. Puro tattoo ito.
" Naku Alona napagkamalan ka yata na babae ni Minard. " Bulong ni Liam sa likod ko. Pinaikutan ako ng mga babae.
Magsasalita palang sana ako ng lumabas ang isang lalake galing sa loob.
" Alona baby! Naligaw ka!! " Sigaw nito ng makita ako. Aktong yayakapin ako nito pero sinamaan ko ito ng tingin tumatawa na kumamot na lang ito sa ulo niya.
"Magsitabi na kayo, Wag niyo ng subukan at hindi kayo uubra sa bisita ko." Sabi niya sa mga babae. Kaya napatingin sa akin ang mga ito bago nagsibalik sa mga pwesto nila kanina.
" Pasensiya kana sa mga yun. " Sabi nito.
"Pumunta ka ba dito dahil aanib kana sa grupo ko? " Tanong nito sa akin.
" Pumunta ako dito dahil may iaalok ako sayo pero may hihingiin akong kapalit." Sabi ko sa kanya. Napatingin siya sa akin. Sumeryoso ito.
"Ano muna ang iaalok mo sa akin?" Tanong niya sa akin.
"Alam ko na gustong gusto mo ang bato na isusubasta sa planitarium bukas. Kukunin ko para sayo yun." Sabi ko dito Nagliwanag ang mukha nito.
" Ano ang kapalit? " Tanong nito sa akin.
" Gusto kong ibigay mo sa akin ang mga batang lansangan." Sabi ko sa kanya. Natahimik siya.
" Hindi ba masyadong malaki ang hinihiling mo? " Tanong niya sa akin.
" Sige ganito na lang. Kukunin ko ang lahat ng Items na isusubasta para sayo. Kapalit ng mga bata. " Sabi ko dito.
" Deal! " Mabilis na sabi niya. Napangiti ako.
" Basta siguraduhin mo na lahat walang labis walang kulang. Alam ko kung ano ano ang isusubasta doon. " Sabi nito sa akin.
" Basta siguraduhin mo na ibibigay mo sa akin ang mga bata. " Sabi ko sa kanya. Nakipagkamay siya sa akin.
" Alam mo ba ang sinasabi mo? Alam mo ba na napakaraming bantay doon. Ang alam ko mga bigating tao ang imbitado sa lugar na yun at isa sa mga bantay dun sa araw ng subastahan ang boyfriend mong parak." Sabi ni Liam sa akin.
" Kaya kailangan ko ang tulong niyo ni Chloe." Sabi ko sa kanya.
" Ako? Ano naman ang maitutulong ko?" Tanong niya sa akin. Hindi ako umimik.
Kinagabihan pinuntahan namin si Chloe.
" Naku ha! Wag niyo nga akong madamay damay sa inyo." Sabi nito ng sabihin ko na kailangan ko ang tulong niya.
" Sige na.Kailangan kong mapasok na yun bukas ng gabi dahil hindi ako makakakilos sa araw ng subastahan dahil nandun ang bwisit na parak na yun. Kailangan niyo lang lituhin ang mga Parak. Dahil siguradong sila ang magiging problema ko." Sabi ko sa kanila. Todo pilit pa ako kay Chloe. Hangang sa pumayag na din ito sa wakas. Sinabi ko ang gagawin nila.
Pinagmatyag ko sa paligid ng planitarium si Liam.
"Sampo ang guard na bantay. Apat ang nasa may pintuan anim ang tatlo ang nasa likod tatlo din ang umiikot kada oras. Apat ang nasa taas." Sabi nito. Pagkaraan ng ilang oras na paghihintay. huling gabi bago ang araw ng subastahan. Pinuntahan namin ang planitarium.
"Sigurado ka na hinatid na kanina ang mga Items?" Tanong ko dito. Tumango si Liam.
" Oo narinig ko pa nga na nagdagdag pa sila ng mga tauhan. Kaya marami na ang bantay ngayon. Alona." Sabi ni Liam.
" Sigurado ka din na nasa rooftop ang mga Items? " Tanong ko uli dito. Tumango ito.
" Kung ganun gawin niyo na ang pinagagawa ko sa inyo." Sabi ko sa kanila. Kaya tinawagan na nito si Chloe.
Maya maya dumarating na ang grupo ni Chloe. Hinarot ng mga ito ang bantay sa pintuan. Nagpangap naman na nagtitinda ng balot si Liam. Maya maya nagbigay na ito sa akin ng senyales na pwede na akong pumasok.Kaya nagmamadali akong sumalisi sa guard ng bumili ito ng balot. Yung tatlo naman hinaharot nila chloe. Walang kahirap hirap na napasok ko ang lugar. Umakyat ako sa taas. Nagkakalat ang mga CCTV dito. Nakabalot ang muha ko ng kulay itim naka kulay itim din ako. Dala ko na naman ang bag ko. Pagdating ko sa taas nakita ko ang mga tauhan na nagiikot sa paligid. Mabilis akong nagkubli.
" Sabi ni Liam dulo na silid daw. " Bulong ko. Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko ang silid. Kaso may code ang pintuan. Huminga ako ng malalim. Pinunasan ko ng pulbos na dala ko ang pindutan saka ko hinipan ito. Maya maya nagmarka na ang mga finger print sa mga number. Sinundan ko ito. Maya maya nag click na ito. Napangiti ako. mabilis na pumasok ako sa loob at sinara ang pintuan. Napakunot ang noo ko ng makita na puno ng lazer ang paligid. Kaya maingat na iniwasan ko ang mga Lazer may roong nagapang ako. My nakahiga ako. May nag split ako. mayroong tumambling ako. Hangang sa makarating ako sa mga Items. Maingat na ponapalitan ko ang mga ito ng kasing bigat niya rin para hindi mag alarm ang paligid. Ilang oras din ang ginugul ko bago ko nakuha lahat ang Items. Saka maingat na lumabas ako ng silid. Sa bubong na ako dumaan pagdating sa bubuong nagpa slide ako sa kabilang bubong. Saka ako nagpadulas pababa sa isang tubo. Ng makarating ako sa baba tinawagan ko na sila Liam.
"Magkita na lang tayo sa dating lugar." Sabi ko kay Liam ng tawagan ko ito.
"Sige." Sabi nito. Pinatay ko na ang phone ko saka umalis na.
"Grabee ka talaga Alona, Parang matatangal ang puso ko sa kaba sayo." Sabi ni Chloe. Natawa ako dito.
"Nakuha mo lahat? " Tanong ni Liam na hindi mkapaniwala sa akin. Tumango ako dito. Hinalungkat nito ang dala kong bag.
" Grabee! Bilib na talaga ako sayo Alona." Sabi ni Liam sa akin. Pinadala muna namin kay Chloe ang mga Items.
Kinabukasan dinala ko ang mga Items kay Minard.
"Grabee! Ikaw na talaga." Sabi nito na tuwang tuwa habang tinitingnan ang mga items na nasa harap niya.
"Ang usapan natin Minard." Sabi ko sa kanya. Tumingin siya sa akin.
"May isang salita ako Alona." Sabi niya saka sinenyasan ang tao niya.Dinala sa akin ang mga bata.
"Ate Alona!" Sigaw ng mga ito saka nagtakbuhan papunta sa akin.
"So pano patas na tayo." Sabi nito saka binitbit ang bag. Sinama ko ang mga bata.
"Ate sabi ni Bugoy sa inyo na daw kami titira?" Tanong ng isang bata. Ngumiti ako dito.
"Oo at mula ngayon hindi na kayo manlilimos sa kalsada." Sabi ko sa kanila. Tuwang tuwa sila. Pinamili ko muna sila ng mga damit sa Palengke. Bago kami pumunta sa bahay. Na nakita namin ni Liam sa skwater din yun. Napagkasunduan namin na magsasama sama na kami nila Chloe mura lang ang upa namin dito sa bahay dahil kakilala ko ang may ari.
" Mga bata si ate Chloe niyo pala." Pakilala ko kay Chloe sa kanila. Binati nila ito.
"Siya ang nagluto ng pagkain natin ngayon." Sabi ko sa kanila. Tuwang tuwa sila. Nagsikain na kami.
"Mula ngayon dito na kayo sa bahay. Sisikapin ko na makapasok kayo sa school sa pasukan." Sabi ko sa kanila. Tuwang tuwa sila. Kinagabihan iniwan ko sa kanila si Liam umalis kami ni Chloe
naghanap na naman ako ng pagkakakitaan. Kunti lang ang natira sa nakuha ko kagabi. Binayad namin sa bahay at pinamili ko sa mga gamit ng mga bata at kunting gamit sa bahay.
Kaya kailangan kong lumakad ngayong gabi.
Pagdating ng madaling araw sinundo ko si Chloe sabay kaming umuwi sa bahay.
"Kumita ka ba ngayon?" Tanong sa akin ni Chloe. Tumango ako sa kanya.
"Sabagay kailan ka ba hindi kumita. Ako malaki ang kinita ko nagyon dahil dumating ang mga cotumer ko ngayon kaya sagot ko na ang pagkain na dadalahin natin sa mga bata." Sabi nito sa akin. Natawa na lang ako dito. Hinayaan ko siya bumili ng pagkain.